Justine's POV
Pilit kong kinakalma ang sarili ko. I can't let him ruin my system just like that. Hindi niya ako pwedeng idaan sa mabubulaklak na salita. Hindi!
" At sa tingin mo madadaan mo ako sa ganyan, ha, Marco!? Well, screw you, asshole! Get out of my room! Get out of this house! And get out of my life!!! I don't love you! I'm in love with someone else, who's far better than you, cheater!!!! " galit na galit na turan ko sa kanya. Naghalo-halo na ang emosyon ko.. Pero... Hindi ko alam pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko sa kanya nang makita ko ang lungkot at sakit na bumalatay sa mukha niya.
I swallowed hard.
" Hindi mo na talaga ako, mahal ano? " tumungo siya." Masyado kitang nasaktan, alam ko iyon. At habang buhay kong pagsisisihan yon. Pero sana, maintindihan mo.... Tao lang din naman ako Tin Tin, nagkakamali. Hindi iyon excuse pero yun ang realidad, na minsan sa buhay natin may magagawa tayong isang maling desisyon na pwedeng magpawala ng lahat ng meron ka... At ako, nawala sakin ang lahat ng nawala ka. Nasasaktan din ako, na noong nagkamali ako t-tinalukaran ako ng lahat. W-walang natira kahit pamilya ko. " nakita kong pinahid niya ang luhang tumakas sa mga mata niya. " Pero wala akong reklamo. Kasi ako ang may kasalanan... Pasensya ka na kung nakukulitan ka na sakin. Sorry kung ginagambala pa kita kahit may iba ka ng mahal. H-hindi ko lang kasi matanggap na wala ka na sa buhay ko... Mahal na mahal kita, Justine. Para nang sasabog ang puso ko... Sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko lang inaasahan na ganito rin kasakit na hindi mo na ako mahal at meron ka ng iba.. S-sana maging masaya ka. " he's crying... Again. Tumayo na sya at nilisan ang kwarto ko.
Pagkasarang pagkasara ay doon na lumandas ang luha mula sa mga mata ko. Gusto ko syang habulin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Dahil alam kong nagsisinungaling ako.
Iyak lang ako ng iyak. Iniisip ko kung ano bang nangyari sa aming dalawa? Masaya naman kami. Mahal namin ang isa't-isa. Alam kong minahal niya ako talaga noon. Pero hindi namin naipasa ang mga pagsubok na dumating.
Ako, kinailangan kong patunayan ang sarili ko sa kanya, para maipagmalaki niya ako at para mapantayan ko sya. Kinain ako ng insekyuridad ko kaya pinili kong pumunta sa America para maging proud sya sakin.
Pero pagbalik ko, wala na sya sakin. Nalingat lang ako, bumalik na sya agad kay Lara. Ang sakit sakit noon. Pero ngayon naisip kong may kasalanan din ako.
Kung nanatili sana ako sa tabi nya, hindi nya mararamdaman ang mga pagkukulang ko. Hindi mababaling ang atensyon nya sa iba dahil nandito ako para mahalin at alagaan siya.
Lalo lang akong napahagulgol sa realisasyong iyon. Parehas kaming may sala sa relasyon namin. Pero siya ang kumuha lahat ng galit at sisi. Hindi ko naisip na baka nalilito pa sya ng panahon na iyon. Na mahina pa sya dahil wala silang closure ni Lara. Na baka ang akala niyang mahal nya pa si Lara ay dikta na lamang ng isip nya. Hindi ko iyon nakita. At ngayon pareho kaming nasasaktan.
But I'm thinking that maybe, we're really not meant to be. Na kaya nangyari ang lahat ng ito ay dahil kailangan naming matuto. So that the next time we love, we're doing the right thing.
Tapos na ang chapter namin ni Marco. Tapos na simula noong pinili ko ang insecurity at pangarap ko. At sya naman ay nang piliin niya si Lara at saktan ako.
And I guess.....
It ends here.
*********
Maghapon akong nag stay sa kwarto ko. I turned off my phone. I shut myself from the socila media and all. I just want to have peace.
I was thinking about my life. At ang dami kong narealized.
![](https://img.wattpad.com/cover/36112689-288-k780311.jpg)
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...