C14. The Madrids

11.4K 289 5
                                    

This update is dedicated to @annetookinn

Hehe salamat! Wala kasing dedication sa mobile kaya through mention na lang ako magdededicate.


Justine's POV

" Salamat sa paghatid. " nginitian ko sya at hinalikan sya sa pisngi.

" Did you enjoy our dinner tonight? "

" Oo naman. Masayang kasama ang family mo, Marco. You're really blessed. "

" You bet! That's the reason kung bakit hanggang ngayon ay nasa poder pa rin ako ng parents ko, when in fact, I can live on my own. Pero hindi ko yata kayang matiis na hindi ko naririnig ang asaran ng mga kapatid ko, lalo na ang harutan ng parents ko, na akala mo ay teenagers pa rin na nagliligawan. " natatawang sabi niya.

Napabuntong hininga ako. I am so blessed that I have a man like him. Family oriented.

" Hindi na yata ako makakakita ng lalaking kasing Mama's boy mo. " I grinned at him. Akala ko ay maasar sya dahil inaasar ko syang mama's boy. Pero ngiting ngiti sya sakin na para bang nanalo sya sa lotto.

" At mas lalo kang naiin love sakin? " parang batang tanong niya. Umayos pa sya ng upo at tumagilid paharap sakin. Nandito kasi kami sa kotse nya na nasa tapat na ng apartment ko.

Natawa naman ako. I never thought na ganito sya ka-playful. Gone are those frowned brows na palagi sumasalubong sakin noon kapag nakikita niya ako o di kaya ay pagagalitan.

Pinisil ko ang ilong niya.

" Ang cute cute mo talaga! Sige na. Baba na ako. " sabi ko. Sabay tanggal ng seatbelt at akmang lalabas na.

" Teka. Ihahatid kita sa loob ng bahay mo. " sabi niya. Tututol pa sana ako per nakababa na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Napailing na lang ako. Bakit ba napaka-sweet ng taong ito?

Lumabas na ako ng sasakyan. Agad naman akong inakbayan ni Marco.

Papasok na sana ako ng bahay nang mapansin kong bukas ang ilaw sa loob. Bigla akong kinabahan. Mukhang nanakawan yata ako.

" Tin, bakit bukas ang ilaw? May bisita ka ba? "

Wala sa sariling napailing ako. Nilingon ko sya at nakakunot ang noo. Siguro ay nahalata niya ang tensyon ko at naisip nya rin ang naisip ko.

" I'll call the police. " sabi pa nya.

" W-wag muna Marco. Hindi pa naman tayo sigurado kung magnanakaw yan. Hindi rin naman maingay sa loob. " but still, it puzzled me. Sino naman kaya ang papasok sa bahay ko wala namang may ibang susi ng apartment ko kundi -

Gosh! Bakit hindi ko ba naisip ito?

Dali dali akong lumapit sa pinto.

" Tin! Come back here. Baka may masamang loob dyan. " matigas na sabi ni Marco habang sumusunod sakin.

Pero hindi ko sya pinakinggan. Binuksan ko ang pinto. And I am right.

" Tin-Tin! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan ng Papa mo, out of reach ka. " tuloy tuloy na sabi ni Mama.

" Sweetheart! " biglang sulpot ni Marco sa pinto.

Patay tayo dyan!

Hindi lang pala ako maha-hot seat ngayon, pati rin pala si Marco.

*********

" Gaano na kayo katagal ng anak ko? " napalunok ako sa tanong ni Papa. Narito kami ngayon sa living room.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon