Justine's POV
Elizalde, Martin Geoff Jexel Madrid.... 1st Honor, Excellence Award in Mathematics, Artist of the Year....
Halos mapunit na ang labi ko nang banggitin ng emcee ang pangalan ng anak ko.
I'm just so proud of my boy!
Hinawakan ko ang kamay niya at inakay sya papunta sa stage para isabit ang mga medals niya.
Napatingin ako sa aking kaliwa at muntik na akong himatayin ng masilayan ko ang pinakamagandang ngiti na sumalubong sakin.
Ang ngiti ng gwapong gwapo kong asawa.
Asawa.
Kahit na lumipas na ang anim na taon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na asawa ko na sya. Lumipas man ang mga taon pero sa simpleng ngiti niya ay nagwawala pa rin ang puso ko.
He winked at me.
Napahagikgik na lang ako.
" Mommy, daddy, tara na po. Nihihintay na tayo ni Teacher! "untag ni Geoff sa amin.
At doon lang kami nabalik sa realidad.
" Oh, sorry anak. Tara na. " wika ni Marco.Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong Auditorium nang isabit ng teacher ni Geoff ang mga medalya niya.
And we are one, happy and proud parents here. Nang bumaba kami ay sinalubong kami ng mga photographers at kinuhanan kami ng picture. Nang matapos iyon ay inihatid namin sa upuan ang anak namin at bumalik na rin sa aming pwesto.
Nang makaupo kami ay hinalikan ako ni Marco sa pisngi.
I feel my cheeks heated. Nahampas ko sya sa braso.
" Tch. Ano ba? Nakakahiya! " kunwaring angil ko pero hindi ko namang mapigil ang mangiti.
He chuckled and put his arms on my shoulder." Ano namang nakakahiya? Masama bang halikan ko ang misis ko? "
" Ewan sa'yo! Makinig ka na nga lang. " inirapan ko sya.
" Sungit mo, sweetheart? Buntis ka na siguro, 'no? " he teased and wiggled his eye brows.
Nanlaki naman ang mga mata ko saka sya kinurot sa tagiliran.
" Behave! Ano ba? Nasa graduation tayo ng anak mo!! Buntis ka dyan?! " angil ko sa kanya.
Pero tinawanan lang ako. Hindi naman na sya bumanat pero inihilig niya ang ulo ko dibdib niya.
I smiled and let myself feel his heart beating fast.... And it's all for me.
*******
Ilang saglit pa at natapos na ang graduation, agad naming pinuntahan si little Geoff namin. Binuhat sya ni Marco.
" Ang galing talaga ng big boy ko! Mana kay daddy! " bulalas ni Marco. Halatang halata ang kasiyahan nya. Kanina pa sya nakangiti at good vibes na good vibes. Proud daddy.
" Oo na! Sa'yo na mana, Mr. Magna Cum Laude... Halika ka nga baby pa-kiss si mommy! " bumaba naman si Geoff sa daddy niya saka yumakap sakin.
Pinangigilan ko ng husto ang chubby cheeks nya. And my heart melted when I heard his laughter.
" Sweetheart, tara na. Baka inip na sila. " untag ni Marco na nakangiting nanonood sa eksena naming mag ina. Tumango naman ako. Hinubad ko ang blue graduation gown at cap ni Geoff.
Kinarga ni Marco si Geoff, saka hinawakan ang kamay ko. Lumabas na kami ng Auditorium at dumiretso sa van namin na naghihintay sa parking lot.
" Mamu, batit tagal tagal nina mommy? Nigugutom na si Giov pogi. "
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...