C13. Meet The Elizaldes

11.3K 263 2
                                    

Justine's POV

Kinagabihan ay inaya akong magdinner ni Marco. Dinaanan ko sya sa office nya.

And again, Rina's grinning at me.

" Nasa loob si Sir. Kanina ka pa hinihintay. " she said smiling.

" Ah sige. Pasok na ako ha. " sabi ko.

I made a warning knock and went inside. Nasa may glass wall siya at may kinakausap sa phone.

When he noticed me, he smiled sweetly at agad na nagpaalam sa kausap niya.

" Ok. See you on Saturday... So, pano, my girlfriend's here, I'll hang up. " he said. Binaba niya ang phone and went to me.

" Hi! " bati ko sa kanya.

He kissed my cheek and hugged me.

" Tara na. Sa bahay tayo magdidinner ha. " he said habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa bewang ko.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Gosh!

" Sa bahay nyo? Bakit? "

" Why not? Ipapakilala kita sa kanila. Though they know you already, but not yet as my girlfriend. "

" P-pero, hindi ako prepared. Tsaka isn't it a little bit early for that? "

He chuckled. And pinched my nose.

" You're so adorable. Kahit hindi ka naman prepared or what, they will surely like you. Lalo na yung triplets.... So, tara!" pagkukumbinsi niya.

Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. Kahit papano ay nagkalakas naman ako ng loob.

Grabe talaga. Mahihiya ang kidlat sa bilis ng pacing ng relasyon namin ni Marco. Imagine, parang last month ay galit na galit sya sakin. Na kulang na lang ay ipagsampalan nya sa mukha ko na hindi nya ako gusto... And now, boyfriend ko na sya. At maya maya meet the parents na kaagad. Jusko! Matinde talaga.

Gayunpaman ay magpapatianod na lang ako sa mga nangyayari. Marco's too hard to resist. Wala akong magawa sa mga pakiusap at mga gusto niyang mangyari. Kahit pa may konting duda ako, still at the end of the day, I find myself going with the flow.

I sighed.

Pero sa totoo lang, bothered ako kasi may hindi ako sinasabi sa kanya. The real reason kung bakit ako pumasok sa buhay nya. Hindi ko pa mahanap ang lakas ng loob para harapin ang kagagahan ko. Bakit ba naman kasi napaka-impulsive ko? If I just learned how to think wisely, at nakinig sa pangaral ng bestfriend ko, wala sana akong problema ngayon.

Hindi ako makokonsensya ng ganito.






Almost an hour kaming nagbyahe bago makarating sa bahay nila. Wala akong kibo dahil hindi ko maitago ang kabang nararamdaman ko.

What if hindi nila ako magustuhan? Paano kung iba pala ang gusto nila para kay Marco? Yung mayaman katulad nila. Yung kayang pantayan ang achievements nya. Yung kayang -

" Hey. Relax. Hindi ka nila kakainin. They will surely like you. " he smile sweetly at me. And that shut my mind out.

Nginitian ko sya at saka tumango. He kissed my forehead saka lumabas sa kotse para pagbuksan ako ng pinto.

Alright. This is it.


Come what may, Marco's not gonna leave me. And I am sure of that.


Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon