C39. Still

15.2K 305 4
                                    

Justine's POV

" M-Mahal pa rin kita, Marco. Pilit kong inaalis ang pagmamahal na iyon. Sinubukan kong umibig ulit, nagtagumpay naman ako, nagawa kong mahalin si Jerome kahit na hindi katulad ng pagmamahal na meron ako sa'yo... But at the end of the day, unconciously, I was thinking about you, na sana, ikaw ang kasama ko. Na sana ikaw pa rin ang nasa tabi ko. Sana t-tayo pa rin." napahagulgol ako. Ang tagal kong kinimkim ang tunay na nararamdaman ko at napakabigat sa puso.  " Pero Marco, habang inaalala ko ang pagmamahal ko sayo, hindi pa rin mawaglit sa isip ko na n-niloko mo ako. Hindi ko makalimutan kahit anong gawin ko. Akala mo ba, hindi ko sinusubukan na kalimutan na lang yung nangyari at bumalik na lang sayo ulit para maging madali ang lahat? Pero hindi ko magawa kasi.. Kasi mas masakit ang ginawa mo kesa sa pagkakahuli ko kay Jerome na nakikipag-sex sa iba... S-siguro dahil, mahal talaga kita. Mahal ko si Rome pero hindi noon inabot ang pagmamahal na meron ako para sayo. " I wiped my tears and tried to smile at him. Umiiyak din si Marco at alam kong parehas kami ng nararamdaman.

" Hindi ko alam kung mababawi ko pa yung mga nagawa ko Tin. Hindi ko alam kung kaya ko pa ring patawarin ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa'yo. Hindi ko na maitatama pa dahil hindi ko naman kayang ibalik ang panahon. Pero Justine... Mahal. Ayaw kong sumuko. I don't want to give up on us. I don't want to let go. But seeing you now, seeing how pained you are. And I'm the one who's causing that pain in you... I-I can g-give you what you want... I can l-let go. Kahit napakasakit sakin na bitawan ka. " he said in tears. And I can feel his pain. He doesn't want to let go.

Agad akong umiling. " No. I'm not asking that. I'm asking for a time.. A time to heal, Marco. G-gusto ko, kapag minahal na kita, hindi ko na maiisip yung masasakit, hindi ko na iisipin na baka gawin mo ulit iyon sakin. Bigyan natin ang mga sarili natin ng pagkakataon na pag isipan ang lahat ng bagay. Wag tayong magmadali. Kasi talagang hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko. Hindi ko pa kayang magtiwala. I'm still broken, Marco. " I wiped his tears and cupped his face." Kaya mo ba akong hintayin, ha, Marco? Can you wait for —"

" Yes. Yes my love. Kahit gaano pa katagal. Hihintayin kita. Just... Just come back to me. 'Yon lang. Ayos lang sakin kung hindi mo na ako mahal katulad ng dati. Basta akin ka na ulit. Akin ka lang. Mamahalin kita. Aalagaan kita. Pasasayahin kita. Mahal kita. Mahal kita.. Mahal na mahal kita. " atubiling sabi niya. Umaapaw ang emosyon namin para sa isa't isa. At hinayaan ko ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit.

Mali siya. Dahil mahal ko sya tulad ng pagmamahal nya sakin. I just need a time to heal my heart, so I can love him with all I am. I need some time to forget about the past so I can start my future with him. Because I know he's the one. Kailangan lang naming isara ang kahapon at paghilumin ang mga sugat. Alam kong nasasaktan sya na nagmahal ako ng iba.

I want to be the best version of Justine for Marco. Hindi iyong bitter at broken ako. At sana talaga, mahintay niya ako. Dahil walang kasiguraduhan kung kailan ako magiging handa. Pero sana, totoong hihintayin nya ako.

*********

Marco's POV

Nang araw na mag usap kami ni Tin ay syang araw ng pag alis ko sa Mindoro. Nalulungkot akong malalayo na naman ako sa kanya pero kailangan namin ito parehas. Masyado na kaming nasasaktan.

Oo. Ako man ay nasasaktan din. At iyon ay dahil sa katotohanang ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan hanggang ngayon. Kaya konting tiis para sakin.

I sighed. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako maghihintay sa kanya? Kaya ko naman na habang buhay eh, pero ang ikinakatakot ko, ay baka ma-realize nyang hindi na nya ako kaya pang balikan. Hindi ko na hihilingin sa kanya na mahalin ako, kahit ako lang ang nagmamahal ay kuntento na ako, basta akin siya at nasa tabi ko sya.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon