Justine's POV
" Baby, are sure about your new job? " nag-aalalang tanong ni mama.
I called her immediately sa Facetime with Papa para ibalita na may bago akong work minus the true motive behind it.
" Of course ma. Sayang din naman kasi ang pinag aralan ko kung hindi ko ipa-practice diba? " sabi ko na lang. Kung pwede nga lang wag nang sabihin kay mama at papa ang pinasukan ko ay hindi ko sasabihin. Pero dahil sa bago kong commitment ay hindi ko muna maasikaso ang business ko sa province. That's why I have to ask for their help which they willingly accepted.
" Nagma-mature ka na talaga, anak. Tama yang desisyon mo. Sayang naman ang propesyon mo kung hindi mo magagamit. But nonetheless, we support your writing career. " sabi pa ni papa. Katabi sya ni mama na ngayon ay nakaharap sa IPad ni mama.
" Thanks Papa! Kayo na po bahala muna sa bookstore, ha. About the shipping of our supplies, ipapa-trucking ko na lang po." sabi ko. I know, si papa ang unang unang matutuwa dahil sa pagbalik ko sa linya ng career ko.
" Don't worry about it,hija. Ako na lang ang babyahe. Mas makakatipid ka kesa ipa-trucking mo. " prisinta ni papa na ikinatuwa ko naman.
" Really! Thanks papa! Pero hindi ba makakaabala yun sa business mo dyan? "
" Not at all. Hindi naman araw-araw diba. Once in two weeks is ok with me at madalas ka pa naming madadalaw ng mama mo. " he said smiling.
Aw. Nakakatuwa naman na ganito ka-supportive ang parents ko saken. I feel so loved.
" Thank you talaga. Yaan mo dad, sa unang sweldo ko, i-treat ko kayo ni mama." I giggled. " Sige po, I have to go. I'll prepare for my first day tomorrow. I love you!" I bid my goodbye.
Nagpaalam na rin sina mama at papa. They've been so supportive of me, ever since. Perks of being an only child. Growing up might not be as fun as those who have siblings but my parents made sure that I am socially acquainted, free and happy. Kaya naman I owe everything to my parents.
I looked up to my wall clock and it's only 7pm. Maaga pa. Pwede pa akong dumaan sa mall to shop for some office clothes.
*********
Kinabukasan....
8:48am
Napangiti ako nang mag log ako sa temporary time-in card ko. Since 1st day ko pa lang at immediate ang hiring ko ay wala pa akong ID at biometrics record.
Anyways, pagka-claim ko ng temporary ID ko sa reception ay umakyat na ako sa HR Dep para hanapin ang mag- oorient sakin.
Pagdating ko sa HR ay agad naman akong inaccomodate ni Ara, HR assistant.
" Naku, wala pa kasi si Ma'am Estella Enriquez. Sya kasi ang mag oorient sa'yo sa Accounting dep. " Ara apologized.
" Ok lang. Maghihintay na lang ako dito. Thanks Ms. Ara!"
" Ok. Sige maiwan na muna kita ha. " paalam nya sakin.
Tumango lamang ako naupo.
Napatingin ako sa may wall. Nakasabit doon ang Mission, Vision at Objective ng GMC Inc at nang Elizalde Empire, ang parent company ng GMC. Pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang gwapong mukha na maaliwalas na nakangiti sa tabi ng mga statements na iyon.
Marco Gerald S. Elizalde, CPA, MBA
CEO, GMC Inc.
VP Finance, Elizalde EmpireNapangiti ako.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...