C22. In Two Days

10.2K 204 2
                                    

Justine's POV

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin sinasagot ni Marco ang mga tawag ko. Kahit sa text ay hindi rin siya nagrereply.

Dalawang araw ang nalalabi bago ako umalis ng Pinas. Nakapag desisyon na ako. Kailangan namin ito na Marco. Sandali lang ang tatlo hanggang anim na buwan.

Pero talagang nagdadalawang isip na ako ngayon dahil ni-ha-ni-ho ay wala ang boyfriend ko. Nag aalala na ako sa kanya na baka tuluyan na siyang napiga dahil sa mga pagkukulang ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako. Napatingin ako sa mga maletang nakahanda na. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang desisyon ko. Hindi na talaga kami ok ni Marco. Hindi na ito madadaan sa pagbawi lang. Dahil alam kong hindi na ito pa tungkol sa kawalan ko ng oras sa kanya o kaya naman ay ang matinding pagdedemand nya ng time. Pero mas may malalim pa.

Napatda ako sa pag iisip nang may kumatok. Must be the pizza I ordered. Pizza kasi ang comfort food ko kaya naman naisipan kong mag order.

Pero iba ang bumungad sakin. Na mas matindi pa sa comfort food ko.

" Marco! " hindi ko na pinigil ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit na mahigpit.

At nakahinga ako ng maluwag when he hugged me back. How I long for that embrace!

" I'm sorry sweetheart. " bulong niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya saka pinakatitigan sya ng maiigi. Tila ba pagod na pagod ang itsura nya. He seemed so frustrated and stressed. Marahil ay tulad ko, hindi rin siya nakakatulog dahil sa litaw ang eyebags niya.

" Sorry. Hindi ko naman gustong higpitan ka at i-nag ka. At lalong hindi ko ginustong sigawan ka Tin Tin. Natatakot lang naman kasi akong manlamig ka sakin and then fall out of love kapag ganyan na busy ka. " wika niya sa mababang boses.

" Marco, naiintidihan ko. At hindi naman mangyayari iyang kinatatakutan mo. Masayado kitang mahal to fall out of love. " madamdaming sabi ko.

Huminga siya ng malalim. Hindi na siya nagsalita saka tipid na nginitian ako. Sa ngayon, hindi ko sya mabasa. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

" Pasok muna tayo. Sa loob tayo mag-usap. " basag ko sa katahimikan.

Pumasok kami sa loob at naupo sa couch. Napansin kong nakatitig siya sa mga maleta ko na nakahanda na. Saka umiling-iling.

" Hindi na ba talaga kita mapipigilan, sweetheart? " he suddenly asked.

Marahan akong tumango." Sweetheart, sana wag kang magalit sakin dahil sa pag alis ko. Kung ako lang ay hindi na ako tutuloy. Kahit pangarap ko 'to, alam ko sa sarili kong mas matimbang ang katotohanang mas mahal kita kesa sa pangarap ko.... Kaya lang kailangan natin itong pareho. We both need space because we have issues to solve only by ourselves. Ako, I am torn between my dream and you. At ikaw, alam kong you still need healing from your past. " huminga ako ng malalim." Pero hindi naman ako nakikipag break o cool off. Ganon pa rin naman. We can still communicate. Ang daming means, sweetheart. We just need to miss each other to think by ourselves. Yung hindi tayo magkasama. " paliwanag ko. I silently wished na sana ay maintindihan niya.

Bumuntong hininga sya saka seryoso akong tiningnan. Then he flashed his sweet smile.

" Naiintidihan ko. Maybe yan nga ang kailangan natin ngayon. Hindi kita pipigilan sa pag alis mo. Ayaw kong maging hadlang sa mga gusto at pangarap mo. Pero malulungkot ako talaga. Kahit pa 3-6 months lang yun. Pero kung kaya sana, 3 months lang. " malungkot na sabi niya.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon