C11. Abandoned

11K 284 7
                                    

Justine's POV

Nakakunot pa rin ang noo ni Marco magpahanggang sa ngayon. Lahat ng empleyado ng warehouse ay nasigawan na niya yata.

Hinilot hilot niya ang kanyang sentido. At tumingin sa amin ni Rina.

" Let's go home. " yun lang ang sabi niya saka padabog na tinalikuran kami.

Nagkasabay naman kaming napabuntong hininga ni Rina.

" Grabe galit na galit talaga si Sir. Ngayon ko lang sya nakita na ganyan simula nang ma-hire ako bilang executive secretary nya. " si Rina.

" Oo nga eh. Maloloko naman kasi yung mga empleyado kaya ayan, na-bad trip tuloy. " sabi ko naman.

" Kaya nga eh. Hindi na sila nahiya. Eh ang laki kaya magpasweldo ng mga Elizalde... Alam mo bang kahit kargador at utility sa kumpanya ay above minimum ang sahod? May food allowance pa sila. At si Sir Marco ang may dahilan noon. Inilaban nya yan sa board nung maging CEO sya ng GMC. Pero ayan, inabuso nila ang kabaitan ni Sir. " naiinis na sabi ni Rina.

Napabuntong hininga ako. Bakit nga kasi may mga taong mapang abuso? Bakit hindi nila suklian ng kabutihan din ang mga ginagawang mabuti sa kanila?

" Yaan na lang natin Rina. Tanggal na sila sa trabaho. " sabi ko.

" Haay. Nakakatakot lang kasi magalit si sir. Totoo pala talaga yung sabi na mas nakakatakot ang taong mabait. "

Patuloy pa kaming nag usap. Sinundan na namin si Marco. Naabutan namin syang may kausap sa phone at tantya namin ay si Mr. Elizalde yun.

Pagkatapos ng tawag ay bumaling siya sa amin.

" Ihahatid ko na kayong dalawa. " sabi pa niya.

Sabay naman kaming napailing ni Rina.

" Wag na Sir. Magko-commute na lang -"

" No. I insist. Get in the car. " parang haring utos niya. Kaya naman wala kaming nagawa ni Rina kundi ang sumunod.

Ako ang naupo sa passenger's seat at si Rina naman sa likod.

Habang nasa byahe ay tahimik pa rin. Galit pa rin siya dahil nakakunot lang ang noo niya tapos panay pa ang gamit niya ng busina.

Gusto kong magprotesta nang sabihin niyang si Rina ang una naming ihahatid. Dahil natatakot na ako talaga sa aura niya.

" Sa may Pasay Sir, bandang libertad. " sabi ni Rina ng tanungin siya ni Marco kung saan sya ihahatid.

Hindi umimik si Marco.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami kung san ang tirahan ni Rina at ibinaba sya.

Nagpasalamat si Rina pero tumango lang si Marco.

" May gagawin ka ba ngayon, Tin? " mahinang sabi niya.

Agad naman akong umiling.

" W-wala naman."

Bumuntong hininga siya.

" Pwede mo ba akong samahan?"

" Uhm. S-sure. Saan ba? "

" Somewhere. Don't worry mabilis lang tayo. "

" O-ok. Uhm.... Ok ka na ba? "

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

*****************

Hindi ko inexpect na dito kami pupunta ni Marco.

Nandito kami sa isang tagong lugar sa Antipolo. Isa itong mataas na lugar at matatanaw ang buong kamaynilaan.

At ngayon ay nakaupo kami sa isang pahabang wooden bench.

Siguro, dito siya magpapalipas ng galit. Dahil napaka peaceful dito.

Haaay. May na-discover tuloy akong lugar kung saan pwede akong magsulat kapag kailangan ko ng matinding concentration.

" Pasensya ka na, Tin, ha. Naabala pa kita. I-I just need someone to talk to. " untag ni Marco. Nakayuko lang siya.

Ngumiti ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sakin.

" Ok lang. Walang problema. I'm happy na you're treating me as a friend at pinagkatiwalaan mo akong makasama ka sa ganitong pagkakataon..... I'm here to listen. "

Bumuntong hininga siya. At tumunghay. Pero hindi pa rin sya tumitingin sa akin. Nakatingin lang sya sa view. Kung saan nag aagaw na ang dilim at liwanag.

" Hindi ko kasi maintindihan eh. Ginawa ko naman ang lahat ng makakabuti sa kanila. " panimula niya.

" Bakit palagi na lang ganito? Palagi na lang ako niloloko? Bakit palagi na lang ako ang dehado sa huli? " napapikit siya.

And now I understand, he's not talking about the incident a while ago but he's pouring his heart from the past...

" Go on. I'm here. " sabi ko sa kanya.

" I know that you know what I'm talking about, Tin. Akala ko kasi ok na ako eh. I decided to let go... To move on. Pero yung nangyari kanina sa warehouse, naalala ko lahat. I felt like cheated by my employees na pinagmalasakitan ko. And I remember Lara, who cheated on me when I all I just did is love her with all my heart... Pero sa huli niloko pa rin niya ako. " puno ng hinanakit na sabi niya.

Parang may humaplos sa puso ko ngayong nakikita ko at naririnig ko sya.

He's nothing but a broken man.

Nagmahal.. Binigay ang lahat... Pero nasaktan.

" Tell me. Saan ba ako nagkulang Tin? Saan ba ako nagkamali? "

Gusto nang tumulo ng luha ko. Damang dama ko ang hinanakit niya, ang sakit na nararamdaman niya.

Napaka swerte ni Lara dahil minahal sya ng ganito ni Marco. Pero sinayang niya.

I turned to him and cupped his face. I let him look on me face to face.

" Marco, makinig ka sakin. Alam kong mahal mo sya. Alam kong sagad sa buto ang pagmamahal mo sa kanya.... Pero this time, piliin mo ang sarili mo... Piliin mong mahalin ang sarili mo. Kung iniwan ka man niya, isa lang siya. Nandito kami, mas marami kami.... Mas maraming nagmamahal sayo at hindi ka iiwan.... Kaya tama na. Tama na, ha, Marco? " madamdamin kong sabi sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi naman siya naiiyak pero mataman lang syang nakatingin sa akin. Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya.

Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.....

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta sa oras na ito... Na yakap yakap niya ako ay nabuo na ang desisyon ko...

I am willing to abandon my dream for him.

I am willing to stay by his side..

I am willing to mend his broken heart..

Even if it costs mine...

" Thank you Tin. Tama ang desisyon kong ikaw ang sunod kong mamahalin... " bumitaw siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi naman ako mali ng dinig diba?

****************

To be continued.........

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon