C36. No One Else

13.2K 265 11
                                    

Justine's POV

I took a deep breath and went out of my car. Dala dala ko ang grocery na binili ko para kay Jerome. Hindi ko sya tinext o tinawagan. I just told him na dadating ako bukas and that I missed him so much. Handa na ako. Handang handa na akong mahalin sya ng buo. Mahal ko sya. Hindi ko nga lang maibigay ng buo dahil basag pa ako.

" Kuya Ken! Andyan na Jerome? " tanong ko sa gwardya.

" Ang alam ko po hindi pa sya bumababa mula kagabi eh. " nakangiti nyang sagot.

" Ok. Sige kuya. I'm paying him a surprise visit kasi. " I replied. Tumango siya sa akin at sumakay ako sa elevator.

Habang nasa elevator ako ay may tumatawag —si Marco. Nate-tempt akong sagutin. Pero ayokong marinig muna ang boses niya. Ano bang sasabihin ko. Buti na lang at nawalan na ng signal kaya tumigil na ang pag ring. I silent my phone. Para hindi na ako magambala pa. I'll deal with him the next days. Ayokong matapos kami ng masama ang loob namin sa isa't isa.

Nang makarating ako sa floor ay kinuha ko ang spare key ko. Binigay nya ito sakin para anytime daw ay pwede akong pumunta. Actually, ito ang unang beses kong pupunta dito na mag isa. Ewan ko pero ayaw ko talaga. Maybe I am still hesitant kasi to give a hint na sobrang mahal ko na sya. Which is wala pa naman ako sa ganoong level na sagad sa buto ang pagmamahal kay Jerome.

When I arrived at his unit ay agad kong binuksan ang pinto. Pero walang tao sa sala. Naisip ko na baka umalis sya at hindi napansin ni Kuya Ken sa ibaba.

Kaya naman ibinaba ko ang grocery sa kusina niya.

" Jerome! Honey! " I called. Baka kasi nasa CR lang o nasa kwarto. So I checked the CR. Pero wala sya doon. I went to his room to check on him.

I knocked and called him. " Hon, are you there? " pero walang sumagot. Kaya naman binuksan ko ang pinto. Only to witness a heart-shattering scene.

On his bed, is him and a woman. Magkayakap pa ang mga hayop. Both of them.... Naked!

Hindi ako makapaniwala. Natulos lang ako sa kinatatayuan ko habang naka hawak sa bibig ko ang kamay ko. Napuno ng galit ang puso ko. Handa na ako eh. I can give him the world. Pero sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman ako.

Nagdilim ang paningin ko, kinuha ko ang grocery bag. At muling pumasok sa kwarto ni gago.

" MGA WALANG HIYA KAYO! " sigaw ko. Napabalikwas ang disoriented na si Jerome at gulat na gulat ng makita ako. Mukhang nakamalay ang babaeng hitad kaya nagising din sya.

Pinag babato ko sila ng kahit anong madampot ko sa grocery. Galit na galit ako!

"  HAYOP KA JEROME! HAYOP KA! PINAGKATIWALAAN KITA! TAPOS GINAGO MO AKO! IPINAGLABAN KITA SA LAHAT NG TAO DAHIL SABI KO IBA KA! MASAMANG MAGMURA PERO PUTANG INA KA!! PUTANG INA NIYO NG BABAENG YAN!!! MANLOLOKO! ANG BABOY BABOY MO!! " galit na galit na sigaw ko. Daing siya ng daing sa sakit ng mga ibinabato ko sa kanila ng babaeng iyon. Pati yung babae ay umiiyak na. Hindi ko alam kung dahil sa pagkapahiya o dahil sa pagtama ng liver spread sa ulo niya.

At ang masasabi ko lang ay buti nga!

" Shit! Stop it Jus—" hindi na niya natuloy ang sinabi niya dahil sumapol sa mukha niya ang isang kilong ginilang na baboy na binili ko!

" BAGAY KAYO! Parehas na baboy! Tang ina ka! Magsama kayo ng hitad na iyan!! Gago! " hingal na hingal  na sabi ko. Saka ako tumalikod at dinampot ang bag ko. Hindi ako nagmumura pero sobrang galit ko ay nagawa ko.

Nakalabas na ako sa unit niya pero nahablot niya ang braso ko.

" Hon. I-I'm sorry. Please pag usapan —"

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon