C40. Blue Moon

16.7K 306 6
                                    

Marco's POV

Pagkagising ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko si mommy. I got up to bed and do my morning rituals.

I went downstairs and I heard mom, talking over the phone while frying something on the stove.

" Ang kulit nito. Finals nga ng mga estudyante ko kaya hindi pwede. " humagikgik pa sya. " Tigil tigilan mo nga yang pag ka OA mo! Uuwi ka na rin bukas ng gabi diba?....... Oo na. O sya, babye na. I love you clingy kong asawa! " at binaba na nya ang phone.

" Si dad? " I asked.

Nagitla naman si mommy at napahawak pa sa dibdib niya.

" Susmaryosep, naman oo! Nakakagulat ka naman! " bulalas niya na ikinatawa ko. Mom is really funny lalo na yang mga remarks nyang ganyan.

" Sorry. Si dad yun 'no? "

" Oo! Jusme! Yang ama mo, saksakan ng clingy! Kainis. " humagikgik na naman sya. " Namimiss nya na daw ako. Gusto ba naman akong pasunurin sa Cebu?! Kung hindi ba naman din sira ulo yang si Gabriel. Aba, feeling Quiapo lang saka QC ang Cebu ha! "

Natawa naman ako. Grabe nga si dad.

" Yaan mo na po. Ngayon ka lang hindi nakasama sa business trip nya eh. Hindi naman sanay yun na wala ka sa tabi nya. "

She dreamily sighed. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko.

" Hindi akalain na sobrang kasiyahan ang mararamdaman ko ngayon, anak. Hanggang ngayon para pa rin akong nanaginip na nagkabalikan kami ng ama mo, at hindi lang yun, napaka saya ng pagsasama namin. "

Napangiti naman ako. Hindi ko na naman mapigilang maiinggit sa kung anong meron sa mga magulang ko.

Bakit ganon? Bakit ang tagal kong maging masaya? Hindi ba pwedeng nandito na agad yung taong magpaparamdam sakin ng ganitong klase ng kasiyahan gaya ng nararamdaman ng mga magulang ko?
" Iniisip mo si Justine? " she asked.

" Well, sort of. I'm thinking of having a happy ending like yours. At alam kong sya lang ang makakapagbigay sakin nun, mom. I'm sorry pero naiinggit ako sa inyo. Bakit kayo ang saya nyo? Pero ako  hanggang ngayon, pinagbabayaran ko pa rin ang mga kasalanang nagawa ko. May happy ending pa kaya ako, mom? Para kasing malabo nang mangyari eh. " that's my worry. Though, I know about the concept on waiting on God's time, hindi ko pa rin maiwasan na hindi matakot sa posibilidad na wala na akong pag asa kay Justine.

" Pinag usapan na natin yan kagabi diba? Wala ka namang dapat ikatakot.... Lahat ng bagay, kahit pa kamo love life yan, ipinagkakatiwala yan sa Diyos... You know why, there are so many failed relationships? Simply because people think that it's about them and their partner or kids. Nakalimutan nilang ilagay sa sentro ang pinakamahalaga, at iyon ay si God... Bakit kamo kami masaya ngayon ng daddy mo? Dahil natutunan naming maghintay at ipaubaya kay Lord ang marriage namin." nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ko.  "Kaya ikaw na bata ka, matuto kang maghintay. Learn to trust God in everything. As the saying goes, good things come to those who knows how to wait. Wag kang mainip, may happily ever after ka din, anak... Saka hindi ka pa naman ganon katanda eh. Mag te-thirty one ka pa lang, wala ka pa sa kwarenta at wala kang ovaries na nae-expire."

Nakatingin lang ako sa kanya. I know for a fact that what she's saying is true. Pero tao lang din naman ako, pinanghihinaan ng loob.

" Kasi mom, ang tagal. Naiinip na ako. Gusto ko na syang puntahan. Paano pala kung hinihintay nya lang din ako na puntahan sya? " Ok, I am frustrated now, really. Naiisip ko kasi yan kanina when I was in the shower.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon