C25. It All Started

12.4K 222 15
                                    

" M-Marco. "

Nanigas ang buong katawan ko. That voice. Kahit na ang tagal ko nang hindi naririnig ay kilalang kilala ko iyon.

But to confirm my instincts, humarap ako sa kanya....

And I was right..

" Lara. "

She smiled sadly at me. Lumapit siya sa akin. Samantalang natulos lamang ako sa kinatatayuan ko.

Parang tumigil ang pag inog ng mundo. I don't know what to say nor how to react. Pinakatitigan ko lang sya.

Kinakapa ko ang anumang emosyon sa dibdib ko, but nothing. I can feel nothing. All I can feel is this roaring sound of my heatbeat.

" H-how are you, Marco? "  she asked.

" I'm fine. Thank you for asking. " I tried to be nonchalant and unaffected.

Tumango-tango siya ng nakangiti." Ahm. M-Marco.. Can we talk? " she asked.

Umiling ako. " No. There's nothing to talk about, Lara. Excuse me but I have to go. " I said. Tinalikuran ko sya at sumakay sa kotse ko.

I looked at her in the rear view mirror and she's still standing there. She's watching my car depart from that place.

Pagkarating ko sa bahay ay dire diretso ako sa bathroom to take a shower. I need to calm my nerves. And I need to get rid of this unnecessary feeling inside of me.

We're done. I moved on. I have my Tin Tin right now.

*********

Three days passed and I am still haunted by the memories of Lara. I kept on ridding the thoughts of her.

Napapikit ako ng mariin. Suddenly, an angelic face flashed into my mind.

" Tin. " I whispered. Napaupo ako ng maayos. Tatlong araw na pala kaming hindi nagkikita. She's contacting me, but I just can't face her with a rumbled emotion like this.

Buong araw akong lutang. Hanggang sa mapagdesisyunan kong puntahan ang girlfriend ko and make amends to her. Nag away kami at may kasalanan din ako sa kanya. I owe an apology to her. At para na rin makalimutan ko si Lara at ang muli naming pagkikita.

I knocked on her door. Sana hindi na sya galit sakin. Pero pagkabukas na pagkabukas ng pinto  ay sinalubong ako Tin ng mainit na yakap.

" Marco! " she exclaimed. Ang higpit higpit ng yakap nya sakin. And somehow, it calmed me.

" I'm sorry sweetheart. " I whispered. I owe her this sorry. Sorry that we fought and sorry for this chaotic and confused feelings.

" Sorry. Hindi ko naman gustong higpitan ka at i-nag ka. At lalong hindi ko ginustong sigawan ka Tin Tin. Natatakot lang naman kasi akong manlamig ka sakin and then fall out of love kapag ganyan na busy ka. " I said. Iyon ang nararamdaman ko. Sa tuwing hindi kami nagkikita o nakakapag usap man lang, pakiramdam ko'y mawawala siya sa akin ng isang iglap. And that's something that I don't want to happen.

" Marco, naiintidihan ko. At hindi naman mangyayari iyang kinatatakutan mo. Masayado kitang mahal to fall out of love. "

Hindi ko mapaniwalaan na ganito ako kamahal ni Justine. Kahit kailan ay hindi ko man lang sya nakitang nagmaktol kapag nagseselos ako. Palagi syang nandyan. Inaalagaan ako. At parating umintindi.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon