Justine's POV
Konti na lang.
Konting konti na lang at papatak na ang mga luha ko....
" Ano ba Ms. Madrid?! I clearly told you that I need those reports, complete now! " sigaw ni Marco sakin.
Nakayuko lang ako at nilalaro ang dulo ng blouse ko. Hindi ko sya pwedeng tingnan dahil sigurado akong papatak na ang luha ko.
" I'm sorry Sir. Hindi kasi talaga kaya ng time. I did that all night pero marami po kasing details na kailangang i-polis —" I wasn't able to finish when he cut me off.
" Dyan! Dyan ka magaling! Sa pag-e-excuse! I have a meeting with the board mamayang 3pm and you think pwede kong idahilan yang napaka-lame na excuse mo na yan? !! " nanggagaliiti niyang sabi.
Hindi na ako umimik pero humihikbi na ako. Grabe pala syang magalit. Malayong malayo sa Marco na nakilala ko noon.
" I want you to attend the board meeting Ms. Madrid. This is your negligence kaya ikaw ang mag-e-explain sa board. Now, go back to work at ayusin mo 'to!" he said in gritted teeth saka inihagis ang folder sa mesa niya.
Dali dali ko naman' yong kinuha. I really wanna get out of this room.
Ang sama nya!
Buti sana kung kami lang na dalawa dito, eh andito rin yung head ng marketing at engineering.
Sobra sobrang kahihiyan ang inabot ko. Daig pa nya si Hitler.
Syempre hindi ko matatapos 'to dahil isang damakmak na report ang pinapagawa nya tapos kahapon nya lang sinabi.
Hindi ko na talaga napigilan ang luha ko nang maisara ko ang pinto. Napatingin naman sakin si Rina at dinaluhan ako.
" Ms. Justine, pasensya ka na kay Sir ha. Ewan ko nga ba bigla na lang syang nagbago. Dati naman hindi sya naninigaw ng empleyado. Pero nitong mga nakaraang araw, iritable talaga sya. " she consoled.
" W-wala yun. Napahiya lang talaga ako kasi may ibang tao kanina. Sige ha. Tatapusin ko pa 'tong pinapagawa nya. " I said softly.
Tumango naman sya at nginitian ako.
Umalis na ako at pumunta muna sa CR. Pumasok ako sa cubicle at doon itinuloy ang pag iyak.
Kasi naman eh! Bakit kailangan nya akong sigawan ng ganon? Tsaka sobra na sya. Kahapon nya lang naman binigay 'tong trabaho.
Mukhang gusto ko na yata agad na sumuko. Isang linggo pa lang pero parang ayaw ko na. Turn off na ako sa kanya! Ang sama pala ng ugali nya... Huhuhu.
*************************
Marco's POV
Napahilot ako sa aking sentido pagkalabas ng Head ng Engineering dep.
What's with people right now at puro palpak! Lalo na 'tong si Ms. Madrid. She's really getting into my nerves.
Hindi ba niya alam ang principle ng timeliness and she's giving me a lame excuse.
Dun talaga nagpanting ang tenga ko eh, when she reasoned out at sa asar ko sa kanya ay nasigawan ko sya.
Well, serves her right para matuto sya. Maybe nakapasok sya dito in the easiest way, pero humanda sya dahil hindi ganon kadali ang pinasukan niya.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...