Like MI, I'm gonna give you a short background about the making of FABH. So now, sagutin natin ang katanungang..... FABH, paano ka ba ginawa?
Lol!
Hindi ko plinano 'to. Dasal lang talaga. Dasal lang.
Joke! Hahaha Pero seryoso, wala sa plano ko ang gawan ng story si Marco. Ang pagkakagawa ng FABH ay parang pagkabuo ng AlDub.....
Aksidente lang.
Yup. You read it right. Aksidente lang talaga.
Ganito kasi yan. Ang unang story na sinulat ko ay Muling Ibalik. Pero like what I've said in my note in MI, tumirik ako sa pagsusulat nun. Subalit ngunit datapwat, natigil man ako sa pagsulat nun, eh may sinulat din akong bagong istorya at yun ay ang AFTER ALL (na sunod na focus kong tatapusin). Sa totoo lang mas enjoy akong isulat yung After All dati. Kaya nga umabot sa 13 Chapters ang story na yun bago ko sya i-unpublis eh at naiwan sa 4 chapters lang ang MI. But I noticed na mas marami ang votes ng MI kesa sa After All. And being a newbie as in newbie na newbie, hamit ako sa votes noon. Eechos pa ba ako? At isa pa, nabo-bore na rin akong isulat ang After All. Kaya tinuloy ko na ang pagsulat ng MI at naiwan ko ang After All. Then naka-gain ng 'momentum' ang MI at dumami ang reads, though talagang consistent ang MI with 2 votes per chapter. Haha
Nasa kalagitnaan na ako ng MI, nang maisipan kong ire-read ang 'napabayaan' kong story. At nagulantang na lang ako na magkapangalan pala si Marco ni Mia at si Marco na finacè ni Lara. Kaya pala feeling ko talaga may mali eh. And I was right may mali nga.
Ang plan ko sana ay palitan na lang ang pangalan ni 'Marco' sa After All, since wala namang masyadong reads yun. Subalit ngunit datapwat, ang hirap pala mag edit!!! Jusko! Wala po akong laptop, tablet lang ang gamit ko nun, na may pa-hang hang pang nalalaman. I kennat!! -_-
So I came up to a brilliant plan, and that is to make Marco's story na lang.
Kaya lang, ang hirap gawin ng plot na related sa After All, because as we all know, Marco is so mabait and so sweet. Hindi nya bagay ang antagonist and desperate ex na pino-portray ni 'Marco' sa AFTER ALL. Hindi nya bagay yung character na biglang galit sa mundo. Yung magiging cold at distant. Tapos magiging babaero pa. Ayoko ng ganun si Marco. I really want to preserve his kabaitan at kabutihan.
So ayun. Isip pa ako ng plot. Isip ako ng isip pero wala talaga akong maisip. Kasalanan ko naman dahil masyado kong pinabait si Marco. Haha
Until... Naisipan kong magre-read ng MI, and boom, may nag-e-exist palang Justine Lei Madrid sa Chapter 16 ng MI! At saktong nung mga panahon na yun ay frustrated na ako sa course kong Accountancy at gusto ko na lang magsulat. Haha
And that's how 'THE DESPERATE WRITER'S RESEARCH' was born.
Yes, you read it right. Waley na waley ang unang title ng FABH. I got that desperate thingy from my current situation, being a desperate CPA-to-be to shift into a frustrated writer-wanna-be. Lol
After making the title, eh dun ako nagplano ng plot. Which is, what you have read from the recently concluded story.
Eh di ok na. Sulat na ulit ng Chapter 2 at 3.
Kaso, napa face palm na lang ako when I realized na hindi pala tugma yung title sa plot! Jusko! Kung hindi ba naman din nga, unahin ba ang title sa plot! I kennat!! Ergo, wala akong choice kundi palitan ang title kesa palitan ang plot. Aba, napakahirap mag isip ng plot, 'no. Halos magwelga lahat ng brain cells ko kung pano ko ipag connect si Marco sa After All at si Marco ng MI! Jusme! Sagad!
But another dilemma came at yun ay ang title na ipapalit ko. Wala kasi akong maisip. Aminado naman ako na I really suck in this thing - making titles.
Alam mo yun, kahit nasa jeep ako or FX iniisip ko kung anong title ang ipapalit ko. And it's like magic when Fixing A Broken Heart of Indecent Obsession was played by manong driver ng FX... Hahaha Kaya yun ang title ng story ko. I know it's so common o baka nga nakabasa ka na ng story ng ganyan din ang title. Pero wala na talaga akong mapiga sa utak ko kaya I settled on that title na lang.
In other words....
Madugo ang pinagdaanan ko este ng FABH... Mula sa pagkabuo until ending. Ang hirap i-preserve ng mabait na character ni Marco. So I come up to the dilemma of using his weakness at namanang kabobohan kay Gabriel to make the story run nang hindi nabubura ang pagiging mabait nyang tao kahit masungit sya. And I am hoping na sana ay nagawa ko.
Pero worth it naman ang hirap at pagkatuyo ng utak. Sobra. Para akong nakalaklak ng toneladang chocolate ngayon. Dahil napaka hyper ng vibes ko dahil naitawid ko na ang FABH na ilang buwan ko din pinag gugulan ng panahon. Naks!
It's all because of the readers that I have... And I am thankful. Nuks!
In this story, pinaka favorite ko yung "RIPPED. TORN. BROKEN.". Akala ko kasi, since ako ang nagsulat, eh hindi na ako iiyak. Pero hindi, jusme! Umiiyak ako nung sinusulat ko yon because I really felt the character of Justine.
Then.... Like MI, ang plan ay maikli lang 'to talaga. I'm planning na lower than 35 chapters 'to, kaya lang kakapusin talaga. So ok na kahit kapantay na lang din ng MI, which is 35 chapters pero hindi pa rin kaya, so ayun naging 40 chapters tuloy.
And it also came to my mind na wag na lang sila magkatuluyan. Pero naisip ko, kapag ginawa ko yun, kailangan kong gumawa ng book 2. Hindi naman pwedeng walang happy ending si Marco, hindi man si Justine, pero at least meron. Eh katamad na gumawa ng Book 2. Nakakaloka gumawa ng bagong plot, bagong character na dapat connected sa Book 1. Another conflict na naman. Kaawa ni si Marco. Haha Kaya sabi ko wag na lang. Stick na lang ako sa original plot na happy ending para sa dalawa. Hehe
So ayun... That's how FABH happen. If meron po kayong katanungan, feel free to ask. Hindi po ako nangangagat. Pero please lang wag naman pong rude. Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too? Hahaha
And kung napapangitan kayo sa story, please, stop reading na lang. Wag na kayong maghasik pa ng bad vibes, ano po? I am open to constructive criticism, pero utang na loob naman, wag po rude. Iba po kasi ang constructive criticism at makapanlait lang. Kahit sa ibang writer wag na wag nyong gagawin yun. Respect one another, ok? If you find the story boring for you, wag nyo na lang basahin, ok? And leave the writer in peace.
Yun lang naman po. Maraming salamat po sa pagsuporta at pagbabasa. See you in AFTER ALL & BEYOND REASONS!
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...