C32. Tumitibok

13.1K 237 6
                                    

Justine's POV

After a few days, I went back to Mindoro again. Masyado akong nai-stress sa Manila, kaya I need to go back to my comfort zone.

" Ma! Pa! I'm here! " I shouted as I enter the house.

Bumaba naman si Mama. Pero may napansin ako. She seems to be happy. Ngiting-ngiti ang mama ko. I wonder why?

" Baby! You're here. Akala ko ba bukas ka pa uuwi? " she asked. She hugged and kissed me on my cheek.

" Maaga natapos yung mga gagawin ko sa Manila kaya umuwi na ako agad. Grabe Ma, ang alon ng dagat. Buti na lang hindi ako masyadong nahilo. Pero yung mga tao sa barko, kanya-kanya suka na. Kadiri nga eh. " pagkukwento ko. Nakasalampak na kami pareho sa couch sa sala. Habang hinahaplos ni mama ang buhok. Mama loves my hair. Ayaw nyang pinapagupitan ko 'to ng maikli.

" Dapat nag-Bonamine ka pa rin. Kung bakit ka ba naman kasi lumuwas ng hapon na, maalon talaga kasi pa-December na. " malumanay na wika niya. Naka-smile pa rin sya.

" Mama, anong meron? Bakit ka ngiti ng ngiti? Saan pala si papa? " hindi ko na napigilang magtanong.

" Wala naman baby. Nasa shop pa sya eh. May dumating kasi na bisita si papa mo. Tinuturuan si papa mo na i-expand ang hardware natin, baby. Para, tayo na ang major supplier ng construction materials dito sa Oriental Mindoro. " she beemed.

So kaya pala happy si mama ko. Matutupad na ang pangarap ni papa.

" Talaga, Ma? Sino daw po yun? Ang galing naman! Ibig sabihin, mamumuhunan siya sa business natin? " masayang tanong ko.

Matagal na kasing goal ni papa na paramihin ang branch ng hardware namin dito sa probinsya. Kulang pa nga lang talaga kami sa kapital.

" Oo anak. Makikipag sosyo sya sa atin. Ang bait bait nga eh, kasi 80-20 ang hatian. 20% sa kanya. Ayos na daw yun. Noong una nga kahit 10% lang daw o kaya basta mabalik yung puhunan. Pero syempre hindi pumayag si papa mo. "

Nanlaki ang mga mata ko. Really?

" Ang generous naman niya. Businessman din ba sya mama? "

" Oo anak. Oh sya, halika at tulungan mo akong magluto. Dito sila magdi-dinner. " tumayo na si mama.

Of course, I obliged. Natutuwa naman ako. Umalis pa kami ni mama para mamalengke sa kabilang bayan ng sariwang tilapya. Mag-i-ihaw kasi sya. Doon na rin kami namalengke ng mga gulay at prutas saka karne. Mas fresh kasi dito ang mga yon kasi dito mismo nanggagaling ang supply ng mga palengke sa Calapan.

Habang pabalik na kami ay nai-open ko si Jerome kay mama. Sa tingin ko kasi, dapat mag effort ako para magustuhan sya nina mama at papa.

"... Tapos ma, nag-date kami sa sosyaling resto sa Manila. Ang sweet nya talaga. Galing pa sya ng photo shoot nya nun -" natigil ako. Paano kasi pagsilip ko kay mama ay nakasimangot sya. " Mama. Can you like him for me. Jerome is a good man. Hindi niya ako sasaktan." malumanay na wika ko.

" Kung alam mo lang anak, gusto ko namang gustuhin sya. Kaso talagang iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko sya magustuhan. " nakairap na wika niya.

Napabuntong hininga ako. Ang closed minded naman nila." Bigyan nyo kasi sya chance, mama. Nag-e-effort naman sya eh. Kaso, kayo, lagi kayong nagwo-walk out ni papa. Hindi nyo kinakausap. Ano naman daw kaya yun? " I gently said. Ayaw kong sabayan ang pagka bad vibes nya eh.

She sighed. " Just let us be, anak. Wag mo rin namang ipilit sa amin na magustuhan sya agad. Maybe sa mga susunod na araw o panahon. Hanggang sa mapatunayan nyang mali ang instinct namin sa kanya. Ayaw ka lang namin na mapunta sa masamang mga kamay." lumabot na ang eksperesyon ng mukha niya.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon