Justine's POV
We ended up eating sa Mcdonalds sa U. N. Ave. Pasado alas diyes na kasi kaya wala ng bukas na resto. Kaya ayan, Mcdo ang bagsak namin.
" Anong order mo Ms. Madrid?" he asked habang nakapila kami.
" Uhm. Ako na lang Sir ang pipila. Maupo na po kayo. " I said. Nahihiya kasi pa rin ako dahil sa kahihiyang ginawa ng tiyan ko.
" Sabi ko, anong order mo? I didn't ask you to order. Ikaw talaga. " he said smiling.
Napalunok naman ako.
Ugh. Ang ganda niyang ngumiti. Makalag-lag panty! Isama na pati bra ko!
I was about to answer pero turn na namin sa counter.
" Ikaw na lang ang magsabi ng order mo. Don't worry. My treat. " sabi niya kaya nag order na ako.
" Ano. Uhm. Chicken Mcdo, cheese burger, regular fries, tapos choco hot fudge. And pineapple juice yung drinks. " sabi ko.
Busy na si ate na mag-punch ng order ko. Napatingin ako kay Marco na nakatingin din sakin.
At sya'y gulat na gulat.
Bakit?
" Sir, your order. " sabi ni ateng counter.
" Oh. Sorry. Chicken Mcdo, then extra rice, cheese burger and coke. Paki upgrade na to large yung coke and yung fries din. Thanks. " he ordered.
Mabilis namang na punch ang order but we have to wait kaya naman naupo na kami sa isang table.
Napansin ko na nakangisi sya sakin. At nailang ako.
Ilang minuto lang ay dumating na ang order namin.
Shucks! Yung mga alaga ko sa tyan ay nagdidiwang na.
Nang mailapag na ang order namin ay nilantakan ko na agad.
Ano ba? Ikaw kaya ang hindi mag lunch diba?
Tapos narinig ko na naman ang tawa niyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
" So. Kumain ka na ng lagay na yan,ha, Ms. Madrid. Parang last supper mo na ah. Relax lang hindi ka mauubusan. " he chuckled again.
Habang ako naman ay hindi na halos malunok ang kinakain ko.
" Sorry sir if I lied. Kasi naman nakakahiya po. But the truth is, hindi ako nakapag lunch kaya gutom na gutom ako talaga. Kaya excuse po sa pang construction worker na kain. " sabi ko tapos nilantakan ko naman yung cheese burger.
He chuckled again. " Go on Ms. Madrid, kain lang ng kain. "
At yun naman ang ginawa ko. Hala sige lamon mga kapatid!
Panandalian syang nanahimik. But I can sense that he's watching me.
" About what happened, this morning..... I'm sorry Ms. Madrid. I got up in the wrong side of the bed kaya iritable ako kanina. I knew I made you cry. Sorry na ha. I didn't mean na ipahiya ka. " he said sincerely.
Napatigil naman ako sa pagkain at napayuko.
Bigla kasi akong nahiya. At isa pa namumula ako dahil ramdam ko ang init ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...