Justine's POV
" Ahm. Salamat sa paghatid Sir – ay este Marco pala. " I said smiling.
" No problem Justine. Salamat din at pinagbigyan mo si mom. At naging instant tutor ka pa ng mga kapatid ko. They really adored you so much. " he's smiling at me.
" Naku walang anuman. Hindi naman ako makakahindi kay Prof. Tsaka nakakatuwa yung mga kapatid mo. "
" Sinabi mo pa... So, pano, mauna na ako, maaga pa tayo bukas. "
" Sige. Ingat sa pagda-drive."
Tumango siya sa akin at umalis na.
Kakatapos lang ng dinner namin sa bahay nila. At pinagpilitan ni Marco na ihatid kami ni Prei. Naunang bumaba si Prei dahil sya ang mas malapit.
Napaka sayang dinner! Sobrang bait nila.
Pati ako ay nakatikim ng paglalambing ng triplets. Nagpaturo sila ng homework sakin. Hanggang sa mapunta kami sa pagtuturo ko sa kanila ng pagdo-drawing.
Yes. Marunong akong magdrawing. Pero through pencil, oil pastels, water color at color pencil pa lang. Hindi pa ako gaano sa painting eh.
Anyhow, dumiretso na ako sa aking kwarto at hinanap agad ang aking handy-dandy notebook na listahan ng progress namin ni Marco.
Bukas eh magrereport pa ako kay Prei dahil hindi na niya ako masyadong nakausap dahil hindi na nga ako pinakawalan ng mga kambal. Sya naman ay ininterview ni Prof at tumulong sa pagluluto. Kaya wala na talagang pagkakataon para mag usap kami.
Habang nagsusulat ako ay hindi ko mapigilang mapangiti.
I don't wanna fight this feeling anymore. Gustong gusto ko na ngang ligawan si Marco eh. Because he's everything I could ask for.
Pero syempre hindi ko naman gagawin yun. Kahit naman may pagkadesperada ako eh dalagang Pilipina pa rin ako. Kaya wala akong choice kundi ang hintayin sya.
***************
Kinabukasan....
I am auditing the newly delivered office supplies when my phone rang.
Prei Vidanes Calling.....
" Hello beh! " I answered.
" Hindi na tayo nakapagusap kagabi! Eeeee Jus, ang gwapo ng loves mo. "
" Sira ka talaga! Tinawagan mo lang ako para chumismis! Hindi mo pa talaga nahintay ang dinner natin mamaya. " tatawa tawa kong sabi. Tsk. Kahit kelan talaga 'tong si Prei.
" Bigla ko kasing naalala. Nandito ako sa Moonlight ngayon. Basta bhe, i-push mo na yang si Marco na yan! Jackpot na jackpot ka! Ang bait pa ng pamilya! "
Natawa naman ako. Sira talaga.
" Oo na. Mamaya na tayo mag usap. Nag-o-audit ako. Text text na lang mamaya ha. Bye! " I said. Hindi ko na sya hinintay sumagot and I hang up.
Wag kang mag alala Prei. Hindi ko na talaga sya bibitawan.
****************
3pm. Coffee break.
Nagpunta ako sa katapat na coffee shop ng GMC. Nagke-crave kasi ako sa whip cream ng frappe kaya nag-effort akong bumaba pa.
Naupo ako sa isang tabi at ninamnam ang sarap ng Java Chips na frappe ko. I was sipping it nang may biglang magsalita.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...