C20. Not Again

10.3K 222 3
                                    

For @andi1119

Thank you sa support! This is for you.

Marco's POV

I can't help but smile. I am really so damn happy because of what my girlfriend did this morning. At dahil libre sya hanggang lunch ay kasama ko sya ngayon sa office.

" Kanina ka pa nakangiti dyan. Mukha ka ng baliw. " natatawang sabi niya.

" I'm just happy. You're with me, 3 weeks din tayong hindi nagkita. " daig pa namin ni Tin Tin ko ang LDR, because both of us are busy with work. Pero mas busy sya kaysa sa akin.

Kinurot niya ang pisngi ko." Sorry na nga eh. Malapit na namang matapos yun. Promise, I'll make time for you, ha. Wag ka na magtampo. "

" Basta i-clear mo sa boss mo na untouchable ang Sunday mo. Para walang away. Ok? "

" Tss. Oo na po. Kakausapin ko yung boss ko mamaya sa meeting namin. " nakanguso nyang sabi. And I find her so cute. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

" Halika ka nga rito." lumapit naman sya sa akin. I gently pulled her closer at kinandong sya.

I hugged her tightly. God! I missed her so much. Palagi lang kasi kaming sa phone nag uusap. Dahil may tours siya sa mga probinsya. Ang galing kasi ng girlfriend ko eh.

Yumakap naman din sya sakin. " Sweetheart, mahal kita." she suddenly said. Trust my girlfriend to be this sweet and malambing lalo na at may kasalanan sya.

" And I love you more. "

Masisisi nyo ba ako kung sumama ang loob ko sa kanya. Ganyan kasi sya maglambing sa akin.

We spent the whole morning together. Sya ang naging PA ko ng umagang iyon at mas ginanahan akong magtrabaho. She prepared my coffee. Inayos nya rin ang mga files and folders ko. Nasa tabi ko lang sya habang nagtatrabaho ako. Then suddenly bigla na lang niyang kukunin ang kamay ko and intertwine them saka ngingitian ako. Alam ko naman na naglalambing sya pag ganyan. And I really feel so good.

Pero gusto ko man syang makasama maghapon, she has to go dahil may appointment sya ng 1pm. Wala akong nagawa kundi ang ihatid sya sa Moonlight.

" Oh. Nakasimangot ka na naman. " untag niya sa akin. Nasa parking lot na kami ng Moonlight.

" Do you really have to attend this appointment? Can you just ditch it and be with me the whole day? " I hopefully asked.

She heaved a sigh." Sweetheart, hindi kasi pwede kasi mga Executives ng Moonlight at ng FBN ang kakausapin ko. Then after that may bookstore tour ako sa Laguna. But don't worry, bukas ulit ng umaga, I'll be there sa bahay nyo ulit ha... Wag ka ng magtampo. " malungkot na sabi niya saka yumakap sakin.

" Alright. Just take care of yourself, ok? I'll call you. " I kissed her lips and hugged her. I need that, to sustain my energy for the rest of the day.

" Ok po. Smile ka na ha. " sabi pa niya.

And I did.

" Ayan. Mas pogi ka kapag naka-smile ka. Babye na. " paalam niya and kissed me for the last time.

Lumabas na sya sa kotse at pumasok sa Moonlight Tower. I waved her goodbye. Pero hindi pa nakaka limang minuto ay namimiss ko na sya agad. Napailing na lang ako. Pinasibad ko na ang sasakyan dahil baka pasukin ko sya sa loob at iuwi na sya.

Ang hirap ng ganito. How could I not miss her kung ganoon sya? Sobra nya akong alagaan. Noon kasing hindi pa sya gaanong busy ay madalas syang nasa office ko. Wala lang tatambay lang sya doon, sometimes, doon na siya nagsusulat. Mas inspired daw sya kapag nakikita niya ako. And whenever she says that, my heart is flattered.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon