C34. Unbelievable

13.4K 251 13
                                    

Justine's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nang mag usap kami ni Marco. Kinabukasan ay hindi ko na sya nadatnan. Sabi ni mama ay may emergency daw sa Maynila kaya bumalik sya doon.

But I know better. Alam kong nasasaktan din sya katulad ko at pinili na lamang niya ay ang tumakas. At para sa akin, mas mabuti iyon.

At sa mga nakaraang araw ay nag aalala ako sa kanya. Baka galit sya sakin. Pero wala naman akong kasalanan. Nagdesisyon lang ako at nagkataong hindi iyon pabor sa kanya dahil hindi siya ang pinili ko. Kaya siya nasaktan. Kung hindi man sana kami magkatuluyan, gusto ko, we'll end up in good terms, as friends. I sighed.

Nandito ako sa storage room ng bookstore ko at nag iimbentaryo. Pero pangatlong ulit ko nang binilang ang mga libro pero palagi akong nawawala sa bilang. So I decided to just sit and calm my nerves.

Hindi ko maintindihan pero lagi kong naiisip si Marco. Alam ko sa sarili kong tama ang desisyon ko dahil tapos na kami at may mahal na akong iba. Ang hiling ko lang naman ay mas mapabuti sya.

Maybe we're really not meant to be... Pero bakit ganon.. Kumikirot ang puso ko sa katotohanang iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na tinataboy ang nasa isip ko. Hindi. Tapos na kami. Mahal ko si Rome. At wala akong balak na pagtaksilan siya.

" Anak, nandito ka pala. " nagitla ako. Si mama ang pumasok.

" Ma! Ikaw pala yan. Ginulat mo ako. " sapo sapo ko ang dibdib ko sa gulat.

" Kanina pa ako sa pinto pero hindi mo ako pinapansin. Malalim ang iniisip mo kasi. " tumabi sya sakin at hinaplos ang buhok ko.

Humilig ako sa balikat ni mama at niyakap sya sa bewang nya.

Good thing, mama is here. I felt peace whenever she's near.

" Namimiss mo sya, ano? " may halong pang aasar na wika niya.

" Ma! Hindi 'no. Grabe ka. May boyfriend na ako. " I pouted.

" Oh, eh bakit defensive ka? May sinabi ba akong wala kang boyfriend?" she said chuckling.

"Mama kasi! Wag mo akong asarin. "

" Hindi kita inaasar. Tinatanong lang kita.... Ano bang nangyari? Nagtataka din ako sa biglaang pag alis ni Marco. "

Kaya wala akong nagawa kundi ikwento kung anong nangayari almost a week ago. Mataman lang syang nakikinig sakin. Hindi ko makitaan ng kung anong reaksyon si mama.

Matapos kong magkwento ay nangibabaw ang katahimikan. Hanggang sa magsalita sya ulit.

" Anak... I want you to clear your thoughts. The next days, iyon lang ang gawin mo. Try to open your heart... Subukan mong buksan, dahil minsan may mga bagay na hindi nakikita ng isip, pero nakikita ng puso. Alam kong nahihirapan ka na din. Kaya once and for all, buksan mo ang puso mo, anak. "

*******

Buksan mo ang puso mo, anak...

Those words keep on chanting in my head. Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko yung sinabi ni mama. Hindi ko kasi maintindihan dahil bukas naman ang puso ko. Nagmamahal na ako ulit. Anong ibig nyang sabihin don?

Bumangon ako sa kama at naupo. Siguro, ang kailangan ko ay bakasyon. To clear things out and to rest.

Kaya naman kinaumagahan ay nagpunta ako sa bookstore ko at binilinan ang mga tauhan ko doon. Pupunta ako sa resort na pinapaayos ko sa Bulalacao. Well, kay papa yun, bayad sa utang ng isang customer nya na hindi na makabayad kaya yung beach na pag aari na lamang niya ang binigay. Tapos sa akin na ipinangalan ni papa.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon