C23. Terrified

11K 227 11
                                    

Justine's POV

" Bessy, baka naman matunaw na yang phone mo. Kanina mo pa tinititigan eh. " sita ni Prei sakin.

Napanguso ako." Hinihintay ko kasing mag on line si Marco. 10pm na sa Pinas, kaya I'm sure nasa bahay na yun. Kaso hindi pa sya nag-o-online. " maktol ko.

" Hintay-hintayin mo lang, 'to naman. Are you going to spend your rest day, kakatunganga dyan sa phone mo? Tsaka kung magvi-video call sya, then magvi-video call sya. " mataray na sabi ni Prei.

" Tch. Basta kelangan ko syang makausap ngayon, halos 1 week na kaming hindi nakakapag video call eh. "

" Whatever. Bahala ka na nga Justine Lei. Oh sya, punta lang ako Wright & Cooper ha. Kausapin ko lang ang editor ko. " wika niya.

" Ok. Dalhan mo ako ng frappe at chocolate ha. Thank you bessy! Love you! "

She rolled her eyes on me." Oo na! Para ka talagang bata. Babye na. " sabi niya saka bumeso sakin.

I'm here in US already. At syempre pa ay magkasama kami ni Preiana na sa apartment. It's been almost 2 months already. Ang bilis ng panahon. At masaya ako because of that dahil malapit na akong umuwi ulit!

Sabi ng Moonlight, baka daw next month ay pwedeng na ako bumalik. Basta matapos ko lang lahat ng commitments ko dito. Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho ko, dahil iba ang nagta-translate ng series ko. More like, kinokonsulta nila ako. Pero ang marami ay ang mga trainings at meetings. At ang maganda noon ay hawak ko ang time ko. Saka lang nila ako tatawagan kapag kailangan. Kaya may time ako para makapag-video call ako kay Marco at sa parents ko.

Kaya lang. The tables have turned. Si Marco naman ang busy ngayon.

Noong first two weeks ko dito ay araw araw kaming nag uusap pero after that ay bihira na lang kaming makapag video call. Paano kasi ay may in-acquire na naman ang Elizalde Empire na naluluging kumpanya. And Tito Gaby summoned Marco to lead it. Kaya busy-busyhan ang mahal kong poging boyfriend.

I sighed. Miss na miss ko na sya. One week na rin kaming hindi nag uusap, kahit sa offline messages at e-mail ay hindi nakakareply si Marco.

Tiningnan ko ulit ang Skype ko at halos magtatalon ako sa tuwa dahil online na sya. Wala akong sinayang na oras, I video-called him.

" Sweetheart! " I squealed nang sagutin niya ang video call. And there, bumungad sakin ang gwapong gwapong boyfriend ko..... Na pagod na pagod at stressed.

Aww.

" Sweetheart! " ganting bati niya minus the enthusiasm. Maybe talagang pagod sya dahil 10 pm na ngayon sa Pinas.

" I miss you! Kumusta ka na mahal ko? " malambing na tanong ko.

" I'm fine. Medyo pagod lang. Ikaw? Kumusta? " he asked.

" Well, I'm more than OK, now that I see you. "

Ngumiti naman siya." Yeah. You can say that. S-sorry Tin ha. " wika niya.

" Why would you? Alam ko naman na busy ka and I perfectly understand. Di bale, malapit naman na akong umuwi, next month daw ay pwede na akong bumalik dyan. " I said happily.

Pero ngumiti lang siya." That's great. Ahm. Tin, if you don't mind. I'm kind of exhausted today, gusto ko na sanang magpahinga. I'll call you na lang bukas ha. Is that ok? " malumanay na sabi niya.

Aww. Kawawa naman ang boyfriend ko. Pagod na pagod.

" Aww. Ok tulog ka na. If only I could give you a hug. Di bale, I'll sing for you na lang, ha. Yaan mo lang akong kumanta. "

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon