Justine's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ni Prei. At syempre pa, hindi na ako tinantanan ni Prei ng kakatanong.
Nakwento ko ang mga nangayari nitong nakaraang buwan.
" Girl, mukhang tumatalab na ang plano mo ah. I think Marco's falling to your trap. " sabi ni Prei.
Napakagat naman ako sa labi ko.
" Best, nagi-guilty na ako. Parang ayoko nang ituloy. Niloloko ko sya. "
" Ha? Eh paano yung novel mo? "
" Tsk. Tingnan mo 'to, ikaw ' tong numero unong kontrapelo sa plano ko tapos ngayon namang gusto ko nang itigil, kontra ka na naman. "
She rolled her eyes on me.
" Duh! Eh ang layo na kasi ng narating ng 'Mission Impossible' mo na yan. And by the looks of it, Marco's really falling for you. I can see it. "
Napabuntong hininga naman ako. Looks like nag-back fire na sakin ang kalokohang 'to.
Hindi ako manhid para hindi mapansin ang mga kinikilos ni Marco sa nagdaang buwan. Ako pa ba ang hindi makapansin eh halos araw araw ng buhay ko ay sinusulat ko' to. Dagdag pang nagre-research ako about sa psychology ng mga lalaki para sa mga novels na sinusulat ko.
" Yun na nga eh. Ang layo na ng narating ko at napakalapit ko ng makuha ang loob nya... Pero from the very beginning naman, totoo naman ang nararamdaman ko sa kanya.. Yung pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko rin naman akalain na ganito lalalim. " malungkot na sabi ko. Hindi ko na kasi ang gagawin ko eh.
" Alam mo, madali lang naman yan eh. Magde-desisyon ka lang. Either you'll choose your dream or choose your love. "
" Wow ha. Ang dali nga. Napakadali. " sarkastiko kong sagot.
" Ewan ko sayo Jus. Pero kung ako ang tatanungin mo, hindi ko na itutuloy yan eh. Tutal, kahit napalayo - layo ka na sa plano mo, still, hindi assurance yun kung maging successful man 'to eh... Tingnan mo, kung sakaling maging kayo ni Marco, anong sunod mong gagawin? At dyan sa nobela mong yan, oo nga' t umuusad, pero may kasiguraduhan bang kapag nakuha mo ang loob ni Marco ay magiging pang 'Teleserye' na yang novel mo ba yan. "
Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga 'no. Kapag naging kami ni Marco, dead end na. Wala na akong kasunod na move. Lalo pa at involve na ang emosyon ko dito. At ito... Sigurado akong wala akong takas. Pero ang kinakatakot ko kasi.....
" Eh best, paano naman kung halimbawang hindi ko na ituloy, aalis na rin ako sa buhay nya. At yun ang ayokong mangyari. "
" Oh, eh sino bang nagpapaalis sa'yo. Eh di manatili ka sa tabi niya. "
" Tsk. Paano naman ang writing career ko? You know how much I love my career tapos mabuburo lang ako sa pag-o-audit?! " bulalas ko. Gosh, just by the thought na habang buhay akong makukulong sa office ay para na akong mamamatay.
" Kaya nga mamili ka, si Marco o ang 'Fixing A Broken Heart'? " tukoy niya sa novel na sinusulat ko.
Napabuntong hininga ako. I'm in the dark, kung ano na ang mangyayari sa akin. Struggle para sakin ang piliin ang novel ko dahil hindi ko ine-expect na ganito pala ma-in love. Pero stuggle din sakin ang bitawan ang mission ko dahil malaki ang magiging ambag nito sa gagawin kong novel.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...