C24. Ripped. Torn. Broken.

13.3K 279 16
                                    

Justine's POV

Kung sigurong ibang babae ang nakasaksi sa ganoong klase ng kataksilan ay baka kalbo na si Lara at namamaga ng ang pisngi ni Marco.

Pero ako. Pinili kong hindi magpakita. Pinili kong magpakatanga.

Masokista yata ako dahil pinanood ko pa sila. After that kiss, he even hugged Lara tightly. He held her hand at iginiya sa kotse nya.

Nakatulala lang ako hanggang sa makaalis sila. Tigmak ng luha ang buong mukha ko. Nanghihina ang mga tuhod ko na animo'y isang dekada akong hindi nakapag lakad. Pero kahit nanghihina ay natagpuan ko ang sarili ko sa rooftop ng hotel.

Umupo ako sa bench na naroroon. Wala pa ring humpay ang pagtulo ng luha ko.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inasahan ito.

At ang sakit. Ang sakit sakit. Parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko.

Pilit kong inaalala kung anong mga nangyari.

Kaya pala.

Kaya pala nagiba siya. Lumamig ang pakikitungo niya sakin at parang laging umiiwas.

Oo nga't nag uusap kami. Pero napansin kong nag iba. Nawala yung warmth at fondness. Akala ko pagod lang siya dahil sa trabaho. Pero mali pala. Mali lahat ng justification na ginagawa ko para lamang ilayo ko ang isipan ko sa ideya na baka may gawin syang kalokohan.

Dahil tama ang subconscious ko. May babae si Marco. Hindi lang basta babae kundi ang ex-fiancè niya.

Kung ibang babae lang sana eh. Pero wala kasi akong laban sa kanya. Sa simula pa lang ay sya na ang kakumpetensya ko sa puso ni Marco. Pilit kong binura sa isip ko iyon dahil hindi na sila pwede. Kasal si Lara at may anak na sila nung Paul.

Napahagulgol na lang ako. Napakasakit ng pangyayaring ito. Bukas ay anniversary na namin. Pero ganito pa ang nangyari.

Masakit pala talagang magmahal. It's like my world fall apart..

Because I gave my all.. I gave him my everything.. I gave all of me..

And now, there is nothing left. It was swept off heartlessly. I am so broken.

*******

Nagmulat ako ng mata ng maramdaman ko ang init na dumadapo sa pisngi ko. Dito na pala ako nakatulog sa bench sa rooftop.

I bitterly smiled. Ang ganda ng sunrise sa Manila Bay pero ito ang unang pagkakataon na hindi ako masayang makita ito. Ganito pala kapag broken hearted, all you could ever see is darkness and life's cruelty.

Napatingin ako sa wrist watch ko at alas sais kinse pa lang ng umaga.

Umayos ako ng upo. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at pinatong ito sa hita ko. Saka ako tumungo. Ito lang ang tanging alam kong gawin ngayon....

Nanalangin ako sa Diyos. Hindi ko na alam kasi ang gagawin. Sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga. I feel like my heart is crushed a thousand times.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko silang sugudin at saktan. Pero hindi. Wala akong nagawa dahil hinang hina ako.

Sana hindi ko na lang sya nakilala. Sana hindi ko na lang sya nagustuhan. At ngayon.... Pinag sisisihan ko ang araw na pumasok ako sa buhay ng isang Marco Gerald Elizalde.

*************

Matapos kong magdasal ay bumaba ako sa unit ko. Nakabuo na ako ng desisyon at ng plano.

Inayos ko ang sarili ko. Naghanda ako at kinuha ang lahat ng pasalubong ko kay Marco at sa pamilya nya.

Dumiretso muna ako sa apartment ko para kunin ang kotse ko. Buti naman at umaandar pa. Huminga ako ng malalim at pinasibad ang kotse ko patungong GMC...

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon