C18. A Year

11.7K 236 3
                                    

Justine's POV

" Finally! " Marco exclaimed in relief when I got out of my room.

Napahagigik ako. He's really cute kapag ganyang inip na inip sya.

" Sorry natagalan. Halika na. Male-late na tayo. "

" Bakit ang tagal tagal nyong kumilos na mga babae? The only difference is that, you have longer hair than us. And that would maybe only take 2 minutes shampooing your hair. " reklamo pa niya.

Natatawa ako sa sentiments nya. Minsan talaga may pagka grumpy itong si Marco.

" 2 minutes nga. Pero nagco-conditioner pa ako tapos tatlong beses akong magsabon. Then pagkatapos kong maligo, I'll apply lotion and creams pa. Then make - "

" Ok! Ok! Stop right there!" he cut me. "Geez. Sabi ko nga Women are from Venus and Men are from Mars. Huge difference. End of story. " sabi pa nya ng nakasimangot.

I chuckled.

I hugged him. And kissed him in his cheek. Talagang diniinan ko para magmark yung lipstick.

" You're such a grump Mr. Grumpy. " I flatenned his forehead." Wag na mainit ang ulo. Sorry na nga eh. Mabagal ako kumilos. " I said smiling.

He rolled his eyes on me. " Whatever. " balewalang sabi niya.

" Come on Mr. Grumpy Grump. Cheer up! It's a great Sunday morning. " I teased him.

" Ang kulit mo. Tara na nga. " tumalikod na siya saka lumabas ng gate.

Haay. Dumali na naman si Mr. Sungit.

Napailing na lang ako. I locked the house saka sumakay sa kotse ni Marco. We're going to the church like the usual routine, then lunch with his family.

Pagsakay ko ay nakakunot pa rin ang noo niya. Na nakapagpainit na rin ng ulo ko.

Why does he have to make a fuss anyway?

" Marco, if you're pissed with me dahil pinag hintay kita ng matagal, ibaba mo na lang ako. I could go to the church alone. " I snorted. I really don't know what's up to him pero kanina pang mainit ang ulo nya.

" Alam mo namang may naghihintay sayo pero hindi mo man lang nai-consider yun. Sunday ka na nga lang free time mo, nababawasan pa yung oras natin together. " masungit na sabi nya.

" Well, pasensya na! Kung naghintay ka! Eh sa mabagal akong kumilos eh! At bakit mo ba kelangan pangpalakihin?! I already apologized yet you keep on making a fuss out of it!" ganting angil ko. Naasar na ako sa kanya. Palagi na lang nya sinusumbat na nawawalan ako ng time sa kanya. While I'm trying my very best na palaging magka-time sa kanya.

" Naiinis na kasi ako! Palagi mo na lang niri-reason out na mabagal kang kumilos. Then, change! Yun lang yun. We have to make the most out of it. Pero hindi! " at talagang hindi sya nagpatalo.

Well that's it! I've had enough!

" Stop the car. " I said in a low dangerous voice.

" Tsk. " hindi man lang sya natinag at umiling iling pa.

" I SAID STOP THE CAR! " sigaw ko.

" Just shut it Justine Lei - What the!! JUSTINE!!" sigaw niya nang walang anu-anong hinila ko pataas ang handbrake kaya halos mapasubsob na kami sa biglaang pagtigil ng sasakyan. PERO WALA AKONG PAKIALAM.

Hindi pa sya nakakahuma ay mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at lumabas ng kotse nya. I heard him calling my name but I'm too pissed of him.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon