Marco's POV
After that incident, umalis ako sa bahay namin at dito na nag stay sa condo ko. It's been a 2 weeks already. And I'm still not in good terms with my family.
I missed them so much. Especially mommy. I missed her cooking and her funny remarks. Namimiss ko na rin ang mga kapatid ko, even dad. But I can't go back. I can't until they accept my decision at tanggapin nila si Lara para sakin... I love her. And I'm fighting for us. Hindi por que nagkamali sya noon ay dapat na syang i-judge. She's also a victim of circumstances that we can't control.
But I don't know.. I'm missing Justine. For the past weeks, I am haunted by our memories.. Like everything reminds me of her. Katulad na lang ngayon, nakatitig ako sa aking Facetime, inaabangan na mag online siya. At nasasaktan ako sa tuwing naalala ko ang huling araw na nagkasama kami.
I sighed. Normal lang naman siguro ito. May pinag samahan kami at talagang minahal ko sya. At siguro dahil sanay akong sya lagi ang nandyan.
And if it's normal, I'll let myself miss her. Maybe through acceptance, things will be easier. And I wouldn't be hard on myself.
The passed days, I was trying to reach her and say sorry pero hindi ko sya ma-contact. I think, she blocked my number. Wala na rin ang In a relationship status nya sa Facebook. At nalungkot ako. Maybe I was sad because we ended like this.
Napatigil ako sa pag iisip nang mag ring ang phone ko. It's Edward.
" Dude! " bati ko sa kanya.
" Dude! Si Ysabelle ko, nanganak na! Ninong ka na pare! " tuwang tuwang sabi nya.
" Akala ko ba next week pa due date niya? Boy or girl? "
" Boy. Ang alam ko din pero kaninang madaling araw, humilab na yung tyan niya. It's her time. " bakas pa rin ang tuwa niya.
" OK. Wait for me there. Dadaan ako dyan bago pumasok sa office. I want to see my inaanak. "
" Sure. I gotta go, gising na si misis ko eh. Room 602, Asian Hospital. "
" Ok. Bye. " I ended the call.
I am happy for my best friend. Masaya na sya sa buhay niya. Akala ko ay hindi na sya makaka get over kay Monique, but here he is right now, happily married with Ysabelle. And with a baby. Pamilyado na talaga ang ugok na yun.
I sighed. Ako kaya kelan magkakaroon ng pamilya? I'm sure as hell, Justine will be a great mom, mahilig sa bata -.....
What the heck was that? No. It can't be. Si Lara. Sya ang magiging nanay ng mga anak ko. Hindi si Justine! Wala na kami. Pinili ko si Lara. At mahal na mahal ko sya.
This is insane!
To dismiss that ridiculous thought, ay nag ayos na ako and went to Asian Hospital.
Dumiretso ako sa Room 602, kung saan sila naroon. At bumungad sakin si Edward na buhat buhat ang baby nila ni Belle. Ngiting ngiti ang loko habang pinag mamasdan ang anak nya.
" Pare! " I greeted as I closed the door.
Lumingon naman siya sakin ng nakangisi.
" Pare! Ang bilis mo yata. By the way, ito na ang inaanak mo. Tingnan mo, kamukha ko sya. Gwapo like daddy. " tuwang tuwang sabi niya.
Napailing na lang ako. He's indeed happy. When I looked at their baby, my heart melted. He's really cute.
" Kawawang bata. Dapat si Belle ang kamukha para magandang lalaki sya. Kawawa talaga. " I joked.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...