C37. Ang Manliligaw Version 2.0

14.8K 291 21
                                    

Justine's POV

It's been three months. I'm still here in Mindoro para makaiwas sa gulo at issue. At dito ako nagtatago sa Bulalacao, sa beach resort ko.

Kumalat sa social media ang video kung saan nakuhanan ang eksena namin sa condo ng impaktong si Jerome. Though I gained the sympathy of the public because of that, still I don't want to have that kind of chaotic life. Apektado din ang pagsusulat ko.

After that incident, ay makailang ulit akong sinubukang lapitan at amuin ni Jerome but I never gave him even a single glance. Galit na galit ako sa kanya! At napag alaman ko din na empleyado ng Moonlight ang babaeng kasiping niya. Isa sya sa mga newbie writer doon. Ayon sa research ni Prei ay isang buwan na akong tinatarantado ni Jerome. Na hindi naman talaga sya sa photo shoot kundi kinakalantari niya ang higad na iyon sa kung saan.

Pero wala na akong pakialam sa kanya. Magsama sila ng babaeng higad na iyon for all I care! Hindi naman din sya kawalan. Basta ang huling balita ko ay terminated na si babaeng higad sa Moonlight. She's also blacklisted and I don't know who did that. Samantalang si Jerome naman ay nawalan ng mga kliyente dahil sa eskandalong kinasangkutan niya. At hindi man lang ako tinubuan ng awa. Serves them right ika nga. Sabi pa ni Preiana ng huli kaming mag usap ay nahaharap pa sa patong patong na kaso si Jerome. After what happened ay nasilip ang mga butas at baho niya. Napag alamang hindi pala siya nagbabayad ng tamang buwis simula pa noong nakaraang tatlong taon. I know, God avenged me. I don't believe in Karma. But I believe that God is fair and just. And His justice always prevail.

Pero inaamin kong depressed ako dahil sa nangyari. Kahit pa sabihing, ok na rin na maaga kong natuklasan ang kagaguhan niya ay masakit pa rin. Dahil minahal ko sya. Andun na ako eh. Handa na akong pakawalan ang nakaraan. Handa ko ng ibigay ang buong pagmamahal ko sa kanya tulad ng pagmamahal na ibinigay ko noon kay Marco. Pero sa huli..... Niloko na naman ako. Sinaktan. Pinagpalit.

Bumuntong hininga ako. Siguro tama na ang pagmu-mukmok ko dito sa beach. Oras na para mag move on.

Hay. Move on na naman. Hanggang kailan ako magmu-move on? Ayoko na. Nakakasawa na. Naisip ko nga na tumandang dalaga na lang. Hindi nyo naman ako masisisi kung iyon na ang isipin ko dahil na-trauma na akong magmahal. Pero naisip ko din na mas pakikinggan ko ang plano ng Diyos sa buhay ko. Sya na ang bahala sakin.

Kaya naman tumayo na ako. Kinuha ko ang mga bag ko at nilagay sa trunk ng kotse. Babalik na ako kina mama at papa.

******

Madaling araw na ako nakarating sa Calapan. Pagod na pagod ako. Kaya nagdiretso ako agad sa kwarto ko. Hindi na ako nakapagpalit man lang o nakapag ayos. Hindi ko na kaya ang antok.

At dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako agad agad at tanghali na nagising kinabukasan. May nauulinigan akong tawanan at usapan sa baba kaya nagdesisyon akong maligo muna bago bumaba. Mukhang may bisita eh.

Lumublob ako sa bath tub at pumikit, na sana ay hindi ko na lang ginawa. Naglandas lamang ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang ginawa ni Jerome. So to stop myself from crying again, tumayo na ako at nag-shower.

Inayos ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto ko.

" Baby! " bungad ni mama sakin nang makita niya akong pababa ng hagdan.
Dali-dali akong bumaba at sinalubong ng yakap si mama.

" Mama! Namiss kita. " nakangiting wika ko.

" Anak, bakit hindi ka nagpasabi na darating ka? Nagulat na lang kami ng papa mo nung umaga dahil nandyan na ang kotse mo. Anong oras ka dumating? " tuloy tuloy na wika niya.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon