C33. Is This Goodbye?

14.1K 259 5
                                    

Justine's POV

Suddenly, the atmosphere became so think. Parang hindi ako makahinga. I really have no idea kung ano ang nangyayari.

Ang maluwag na bahay namin ay biglang sumikip dahil sa presensya ni Marco. Nawala na ang eratikong pagtibok ng puso ko. Siguro ay nagulat lang sa unexpected na pagkikita namin sa loob mismo ng bahay namin. Never ko pa kasi syang nadala dito dati noong kami pa.

But then I feel so awkward and... Outcast. Paano ba naman kasi, sila-sila lang ang nag uusap. At pa tungkol iyon sa hardware ni papa.

" Love, alam mo ba, isinali tayo sa bidding ni Marco sa city government para sa pagsu-supply ng construction materials sa ipapagawang bagong provincial hospital. Aba, hindi ko naisip iyon kahit minsan. " tuwang wika ni papa.

" Talaga?! Ang galing naman. Pero kaya ba natin? Malaki ang kailangang semento hindi sapat ang truck natin. " wika pa ni mama.

" Wag po kayong mag alala, mama. Iyon po ang isa sa mga investment ko sa negosyo nyo, yung truck. Galing ho iyon sa business namin pero bago pa yung truck wala pang isang taon na nagagamit. Saka po, yung sa semento, mas maganda kung tayo mismo ang gagawa at hindi na aangkat pa sa ibang lugar. Ang maganda po noon, magiging kliyente din natin ang mga ka-kumpetensya natin dito sa probinsya. Sabi kasi ni papa, mahal daw ang singil sa semento ng mga manufacturer dito eh. " nakangiting paliwanag niya kay mama.

Teka? Wait! Tinawag niyang mama at papa, ang mama at papa ko? Bakit? Kelan ko pa sya naging kapatid?

" Anong mama at papa?! Kelan pa kita naging kapatid. " I suddenly blurted out. Hindi ko na napigilang sabihin ang nasa isip ko.

" Ano ka ba, anak? Para na rin naman naming anak si Marco kaya ok lang. " nakangising wika ni mama.

Napailing na lang ako. Bahala na nga sila. Kakain na lang ako. Tutal may bago naman na silang anak. Kainis.

" Mabalik tayo, hijo. Mukhang mahal ang investment sa pag gawa ng semento? Diba kailangan pa ng factory noon? " tanong ni mama.

" Yun na nga love, kaya din siya naparito ay dahil naisipan ng mga Elizalde na magtayo ng gawaan ng semento dito sa atin. Kumbaga, makikipag partner tayo sa kanila. Magandang negosyo yun dahil hawak ng mga del Pilar ang industryang iyon kaya napakamahal ng semento nila. They monopolized the cement industry here. And it's time to compete with them. Gahaman sila magpresyo eh. Kung sa Batangas naman tayo kukuha mas mahal at mahirap. " wika pa ni papa. Halata ang saya sa boses niya.

" Opo mama. Napag usapan na namin ito ni daddy. Bale ito ang unang kumpanyang itatayo ko ng sarili ko at hindi pag aari ni dad. Pinag aralan ko ang market at talagang kikita tayo." wika ni Marco na halata din ang kasiyahan.

Napasimangot ako. It only means a thing.

" So, titigil ka dito sa Mindoro? Paano ang business mo sa Manila? " wala sa loob kong naitanong. Too late for me to realize na ang lagay ay may pakialam ako. Pero meron naman talaga diba, kasi magiging business partner sya ni papa? Ugh! Why do I sound so defensive anyway?

Ngumisi siya sakin." Oo. Actually, dito ako titira sa bahay nyo sweetheart, diba mama, papa? " sabay kindat sa akin. Ang sarap tusukin ng mata.

Pero ano daw? Dito siya titigil? Hell no!

" What?! Bakit dito ka titira? May hotel naman ah! " I blurted out.

" Ok lang, Tin Tin. Kesa naman mamahalan pa sya sa hotel, eh dito na lang si Marco. Besides, hindi na rin naman iba ang batang ito. " seryosong wika ni papa.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon