C19. Timeless

10K 245 4
                                    

For @yongann ^_^


Justine's POV

Weeks passed by and it's not good. Lalong naging hectic ang schedule ko dahil sa sunud-sunod na book signing, bookstore tours, meetings at kung anu-ano pa. Kaya naman kinakastigo ako ngayon ng boyfriend ko.

" May usapan tayo diba?! Sunday na nga lang ang hiningi ko sa'yo yet eto na naman, busy ka na naman. " inis na sabi niya.

" I'm sorry sweetheart. Hindi lang talaga pwedeng hindi ko siputin 'tong interview sakin ng Elite Magazine. Please naman try to understand. " I tried pleading him.

" Naiintindihan naman kita Tin. But this is too much! This is the 3rd straight Sunday at lagi na lang yan ang excuse mo. Hindi mo mahindian! Ako, kelan mo naman ako hindi hihindian!" matigas na sabi niya.

" Marco, don't make this hard for me. I promise babawi ako sa'yo. "

" Fine! Bahala ka na! "

And he ended the call.

Naiiyak na ako. I'm torn between him and my work. Pero ngayon lang naman ito eh. Inaayos ko na ang lahat para maibigay ko na yung time na hinihingi niya. I'll just give what Moonlight wants para pagbigyan din nila ako after ng project na 'to. Ilang beses ko nang inexplain sa kanya pero wala pa rin. Nag aaway pa rin kami.

Wala akong maisip na gawin but to Facetime Prei in US. Hanggang ngayon kasi ay nandoon pa rin sya. Nag extend ang bruha dahil nagustuhan sya ng partner ng Moonlight kaya naman she was selected to go on for special trainings.

" Bessy! Oh my G! How are you? " bulalas ni Prei nang i-accept niya ang video call ko. Pero gayunpaman hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

" Preiana. " I cried.

" Oy bakit ka umiiyak na dyan? Anyare? "

" N-nag away na naman kami ni Marco. " hagulgol ko. I am so frustrated. And I don't know what to do but cry.

" Ha? Bakit? Kwento. Dali! "

And so I narrated kung bakit kami PALAGI nag aaway sa mga nakalipas na linggo.

" Aww. Bessy, Marco's being too clingy. Intindihin mo na lang din, Jus. Syempre, magdedemand na talaga yan ng time kasi, daig nyo pa LDR. "

" Oo naman. Naiintindihan ko. But I can't take it na nag aaway kami palagi. Buti sana kung minsan lang eh. Pero nadadalas na. Pero dapat din naman niya akong intindihin diba? Hindi naman ito forever. I mean sandali lang naman na busy ako because of this project pero hindi nya ma-gets yun kahit ilang beses ko nang pinaliwanag. Lagi nyang isinusumbat na pinangako ko sa kanya na kanya ang Sunday. Eh ano namang gagawin ko, hindi ko naman pwedeng idikta ang schedule ng interviews at tours ko. "

She sighed." Jus, hold on ok? Ikaw na ang nagsabi diba? Na sandali lang naman yan. Kaya konting pasensya pa. Ikaw muna ang umintindi. Sa ngayon, daanin mo muna sya pagbawi mo, ok? I'm sure hindi ka rin naman matitiis non, mahal ka non eh. " she encouraged.

" Y-you think so? "

" Oo! Ano ka ba? Cheer up girl! Lambing lambingin mo lang yang si Elizalde. Lalambot din yan. "

Napangiti ako. Sa bagay. Weakness talaga ni Marco kapag nilambing ko na sya. Di bale. Pupunta na lang ako ng maaga bukas sa bahay nila para sabayan syang mag breakfast.

Nagkwentuhan pa kami ni Prei ng mga ilang sandali before I ended the call. Male-late na kasi ako sa commitment ko.

I'll have an interview for Elite Magazine's Trends and Pipz Segment. Dahil sa pagboom ng latest series na ginawa ko. Nag trending kasi sa Social Media ang gawa ko kaya naman I was invited for an interview. Bale promotion na rin sa nalalapit na pag ere ng novel ko about Mr. & Mrs. Elizalde's story.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon