Justine's POV
Today is our 8th year wedding anniversary. At gusto ko nang maiyak dahil sa frustration because of my husband.
Hindi naman nya nalimutan. Actually, pagkamulat pa lang ng mga mata namin ay agad na nya akong niyakap at binati ng 'Happy Anniversary, sweetheart.'. Syempre, kinilig ako. Pero hanggang doon lang pala yun.
I was expecting him na ayain nya ako kahit dinner man lang or what. But he told me na saka na lang kami mag celebrate kapag hindi na sya busy.
Ok lang naman sana iyon. Naiintindihan ko at alam kong pagod na rin sya sa trabaho dahil solo niyang pinapatakbo ang buong Elizalde Empire dahil maagang nag retired si Daddy Gabriel.
Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagbabago niya sakin. Napapansin kong hindi na sya ganoon ka-sweet tulad ng dati. Hindi na sya clingy. Hindi na sya makulit. And honestly, we're not making love for months, already.
Naisip ko tuloy na talaga nga palang totoo yung sinasabi nila. Darating ang araw na mag iiba din ang asawa mo sayo. Kapag nagtagal na ay hindi na kasing intimate tulad ng dati. Iniisip ko nga, na baka pangit na ako talaga kaya nawawalan na ng gana si Marco sakin. Pero alam ko namang hindi. Dahil kahit lima na ang anak namin, I'm doing my very best to make myself beautiful and fit.
Matapos kong maipanganak si Gianna ay nagpa-ligate na ako. Tama na ang lima, my golly! Pinag awayan namin yan ni Marco dahil ayaw niya. Gusto nya pa ng isa. Pero buti naman at napaliwanagan sya ng maayos nina Mommy at Daddy.
And after that, inayos ko ang physical appearance ko. Kahit na palaging sinasabi ng asawa ko na hindi nan kailangan ay ginawa ko pa rin. Ayaw kong pabayaan ang sarili ko. I still want to be good looking for my husband and for myself. Ayaw kong isipin ng mga tao na hindi naging maganda ang pagsasama namin dahil haggard ako at losyang na dahil maraming anak.
But of course, priority ko pa rin si Marco at ang mga anak ko. I am a full time mom and full time wife. I gave up my writing career para sa pamilya ko and it's all worth it.
Kaya talagang hindi ko alam kung saan ako nagkulang bakit ganito na ka-cold ang marriage namin.
" Justine! Hija! Are you there? " napapitlag ako nang marinig ko ang tawag ni Mommy Mia.
Napalingon ako sa kanya and I was welcomed by her heartwarming smile. Mommy is still beautiful kahit may edad na.
" Hi mommy! "
" Hello hija! Happy anniversary sa inyo ni Marco! Where is he and the kids? " she asked. Umupo kami sa duyan na naroon sa may garden namin.
" Nasa school po sina Geoff, Giovan at Grevor. Tapos si Greco po hiniram nina Lara at Paul kanina para makalaro nina Kiel. Gianna's asleep in the nursery. And Marco is at work. " nakangiti kong sabi.
" Work? Anniversary nyo tapos nasa trabaho sya? " she said suspiciously.
Nagkibit balikat na lamang ako napatungo. Kasi nalulungkot ako talaga upon realizing that our marriage is not the same as before. Paano na kapag nagsawa na sya. Will we end up in court battling for voiding our marriage? Gosh! Just by that thought, gusto ko nang maiyak.
" I know there's a problem. Tell me what is it. " wika pa ni mommy.
" Wala naman po mommy. It's just that, I was thinking that our marriage is not the same as before. And I know it's not good. Honestly, naba-bother po ako. " I said honestly.
" What to you mean by not the same as before? "
I sighed before speaking. " Kasi po hindi na sya katulad ng dati. Hindi na sya sweet, caring at clingy. Palagi na lang nyang kaulayaw ang trabaho nya. Hindi na rin sya nakaka-attend ng mga school activities ng mga bata. Palaging mainit ang ulo at masungit. I-I don't know what's happening to him pero bigla na lang syang nagbago.... At ngayon, binati nya lang ako hindi katulad dati na may breakfast in bed tsaka surprises. Wala nang vacation. It's like, pawala na ng pawala ang spark. " hindi ko na naiwasan ang kalungkutan ko.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart [Completed]
General FictionA hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But.. The question is.... Is it really his heart? Or her heart bleeding for Marco? Here's Marco's Story...