C4. Ang Internal Auditor

12.7K 293 8
                                    

Justine's POV

Sinipat ko sa pang limang pagkakataon ang sarili ko sa full length mirror ko.

I grimaced with my look. Naasiwa ako. Black skirt na above the knee ng mga 2 inches plus plain white long sleeves and a 3-inch high heel pumps. Yikes! Hindi na ako sanay na makita ang sarili ko na naka-corporate attire. But the usual jeans and tees are not needed this time. Dapat sa pananamit ko ay maimpress agad si Marco Elizalde sakin.

Kahit papaano ay confident naman ako sa papasukin kong 'trabaho'. Nag work ako sa isang auditing firm after I passed the board exam, tapos Internal Auditor din ako sa private company na pinasukan ko bago ako mag resign at yakapin ang mundo ng pagsusulat.

Siguro naman, enough na ang 2 years experience ko, para matanggap ako. Syempre pa idagdag mo pa ang aking irresistible charm. Naks!

Huminga ako ng malalim. I really don't know kung saan ako dadalhin ng 'kabaliwan' kong ito sabi nga ng aking BFF. But one thing is for sure, I will do everything in my will power to get the dream of a lifetime. Come hell or high waters, I'll do everything, and that's a promise!

Pangarap kong maging next Martha Cecilia ng henerasyon ko. Late ko mang naipaglaban ang pagmamahal ko sa pagsusulat, it's never too late for me though. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha lang ang novel ko para sa deal na 'yon ng Moonlight.

At isa pa, chance ko nang mapalapit sa dream guy ko. Dun pa nga lang jackpot na ako!

With one last look in the mirror, I inhaled and exhaled for five times. And there... Off to go!

************

Higit kumulang 45 minutes din ang byahe ko papuntang Makati kung saan ang GMC Inc. Five to 9am na kaya kelangan ko nang magmadali. Kaya dali dali akong bumaba sa kotse ko at halos takbuhin ang papasok ng building. Pinapasok naman ako nang guard nang sabihin kong aplikante ako.

Lakad takbo kong tinungo elevator at dahil sa pagmamadali ay nabangga ko ang isang babae.

" Ay! Sorry po, ma'am. Hindi ko sinasadya. " Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nabangga ko. " Prof. Sandoval este Elizalde! Wow! Kayo nga po! " bulalas ko.

Ngumiti naman sya sakin. At mukhang namukaan ako. Sana kilala pa nya ako.

" Aba, Ms. Madrid, mukhang lalo kang gumaganda ah. Kumusta? " bati nya sakin.

Kinikilig ako. Kilala pa ako ni ma'am. Favorite ko kaya sya. Kahit uber sa pagka-strict si Ma'am wala namang tatalo sa galing nyang magturo at sobrang cool pa!

" Wow! Natatandaan nyo pa po ako. Ok naman po ako prof. Ito po, CPA na. Salamat sa magaling kong prof. "

" Sus. Binola pa ako ng batang 'to. You're smart and hardworking kaya ka pumasa. Nga pala, dito ka nagtatrabaho? Ngayon lang kita nakita dito. " she asked.

" Naku Prof, mag aapply pa lang po ako. Speaking of. Mauna na po ako sa inyo, mag aapply po ako sa HR ng 9am po eh. " I politely said.

" Ganon ba. Sumabay ka na sakin Ms. Madrid, papunta din ako sa taas at nang makakwentuhan pa kita. It's been a long time na rin eh. Diba ka-batch mo sina Gerardo Dimailig- Dimaano Jr aka Geraldine? " tatawa tawang tanong ni prof.

Natawa rin ako. Ang tinutukoy ni prof ay baklang blabber mouth na center of laughter ng klase namin. Nakakatuwa si prof. Hindi sya nakalimot.

" Thanks po ma'am. Opo, classmate ko yung baklang yun. Kaso wala na po akong balita sa kanya baka bumalik na sa planetang pinanggalingan nya. "

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon