C21. Fight

10.1K 213 8
                                    

For @MailynTagle

Justine's POV

" So pumayag ka? " inis na wika ni Marco.

Tumango ako.

" Without consulting this to me?! Justine naman! " sabi pa niya.

" Marco, intindihin mo naman ako. I promise. Last na talaga 'to. This is a once in a lifetime opportunity. Sandali lang naman yung 3 months. " naiiyak na sabi ko.

" Eh ako Justine? Kelan mo ako iintindihin? Kelan ka magdedesisyon na isinasa alang alang mo ako? Can't you see, our relationship is on the rocks? Tapos ngayon mo pa pipiliing umalis? " puno ng diin na sabi niya.

" Marco. " I said in a low voice." Ikaw ang palagi kong iniisip sa tuwing magde-decide ako. Kaya wag mo namang sabihin na hindi kita ikino-consider sa decision kong ito. "

" Then, why are you leaving? If you consider me, bakit hindi mo man lang ang tinanong ang side ko? " nakasigaw na sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko mapaniwalaan na si Marco itong kaharap ko. I always thought that he is open minded and understanding.

" Dahil, ang akala ko ay sinusuportahan mo ako sa pangarap ko. Akala ko ay maiintindihan mo ako. At ang akala ko ay matutuwa ka sa mga achievements ko..... Hindi pala. " hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

" Oh come on Justine! You know it's not like that! Ang punto ko dito, nasaan ako sa mga desisyon mo? Hinayaan kitang magsulat dahil yan ang gusto mo. You promised na walang magbabago! Eh ano 'to? Pinalampas ko na sinulat mo ang ang tungkol sa mga magulang ko, you didn't tell me about that, ang kinausap mo lang ay sina mommy at daddy! Tutol ako sa teleserye project na yan dahil privacy ng pamilya ko ang madadamay. Pero anong ginawa ko, diba't pumayag din ako. Dahil sinusuportahan kita!! " galit na galit na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga paratang niya.

" Marco! Bakit ngayon mo sinusumbat sakin yan? Sana sinabi mo sakin noon pa! Hindi ka naman nagsalita. Hindi mo ako pinigilan. At hindi mo sinabi na ayaw mo pala! Tapos ngayon... Ngayon isusumbat mo sakin yan? " again, batch of tears fell from my eyes. Hindi ko akalain na ganoon pala ang nararamdaman nya.

" Because you already conived with my parents! Damn it! Sa tingin mo may magagawa pa ako na may approval na ng mga magulang ko?! " hingal na hingal na sabi nya.

" Sorry! Sorry kung natapakan kita dahil sa pesteng project na yan!" huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. " Sorry if I made you feel like that. Na balewala ang opinion mo. But believe me, you're my number 1 priority. K-kaya ko lang naman tinanggap ang offer na yun kasi, nangako ang boss ko na papakawalan na nila ako after this. Kasi yun yung pinakiusap ko sa kanila. Kasi gusto kong ilaan ang oras ko para sayo....Pasensya na Marco. Pasensya na. "

I took my bag with me. And walk out of his office.

Bakit ganon sya? Sana sinabi nya ng mas maaga.

Sana hindi niya ako sinasaktan ng ganito.

******

Marco's POV

The moment she walked out on me, gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko.

Pagod na pagod akong sumalampak sa swivel chair ko. I shouldn't have told her that. Totoong tutol ako sa project na yun because it will involve my parents but I should've told her. Now, I clearly messed up! Damn!

Hindi na rin naman ako makakapagtrabaho kaya naman I cancelled all my appointments that day.

Dumiretso ako sa condo ko. This is where I always go kapag kailangan kong mag isip. Pagkarating na pagkarating ko, ay sumampa agad ako sa kama and let myself fall asleep.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon