10 years ago..
Colores..
"Maganda 'tong nabili mong lupa Pare, at nai-imagine ko na din kung ano ang magiging itsura nito pag nataniman na ng mga prutas." Masayang sabi ni Carlos sa bestfriend niyang si Salvatore, nabili ng kaibigan niya ang lupa sa tabi ng kanyang hacienda at hindi niya na ito palalagyan pa ng bakod dahil magkaibigan naman silang matalik at magka-sangdikit pa. Mas magiging madali kasi ang paglabas masok nila sa sari-sariling lupain kung hindi na ito babakuran at hindi na gagawa ng bagong daanan.
"Dapat kung ano ang wala sa hacienda mo ay dito natin ilalagay ng sa gano'n ay pareho tayong dalawa kikita at walang malulugi sa atin." Sabi din ni Salvatore, nakasandal sila pareho sa sasakyan niya. He finally bought this 5 hectares of land, hindi man ito gano'n kalaki pero masasabi niyang mula naman ang pinang-bili nito sa pawis niya at pagsisipag sa trabaho. He's a fashion model, locally and internationally. He also became the top model of Playboy magazine last year in the whole Asia. And now he have modeling offer in America and Milan Italy. Pero hindi pa siya nakakapag-desisyon kung tatanggapin niya ba ang alok sa kanya o hindi. Umuwi muna siya dito sa Colores dahil kahit anong ganda sa Maynila ay itong bayan pa din na ito ang uuwian niya.
Tinapik ni Carlos sa balikat ang kaibigan, ito ang gusto niya dito eh. Matalino at magaling mag-isip ng mga bagay-bagay. "Hindi tayo magiging magka-kompetensya na dalawa Pare, hindi 'yon puwede sa atin dahil para na tayong magkapatid." Sabi pa niya, ng ialok sa kanya ang lupa na ito ay puwedeng-puwede niya naman talaga ito kung tutuusin bilhin dahil dagdag lupa din ito sa hacienda niya. Pero alam niya kasi na gusto ni Salvatore na mag-invest lalo pa at nakakuha ito ng malaking pera sa isang modelling agency sa Manila kaya imbes na siya ang bumili ay dito niya ito inalok. At hindi naman ito nagdalawang-isip na sumugal na bilhin nga itong lupa lalo pa at hindi naman panghabang-buhay ang trabaho nito bilang modelo. At dahil mas matanda siya dito ng dalawang taon at hindi naman na din sila bumabata ay mas maigi ng mag-pundar na sila habang maaga. 'Yon kasi ang lagi niyang sinasabi, tularan siya nito dahil sa magandang daan naman sila tutungo na dalawa.
"Talagang hindi 'yon mangyayari Pare, basta kung ano sa tingin mo ang tama at puwede nating gawin dito sa lupa na nabili ko ay 'yon na lang din ako." Ani ni Salvatore, si Carlos kasi ang masasabi niyang parang kapatid niya lalo pa at naging magkaibigan silang dalawa no'ng teenager pa lang sila. At naging matagumpay ito na haciendero dahil habang lumilipas ang panahon ay mas lalo lang din itong umaasenso. Hindi siya nakaramdam kahit kailan ng inggit kay Carlos dahil alam niyang mahusay ito sa pagnenegosyo. He's so inspire on him, the way he handle his business is really good and great. At dahil siya ang walang alam sa mga ganito ay natural lang na magpaturo siya dito. Ganitong klase ng kaibigan ang masarap kasama, 'yong bang hihilahin ka pataas at hindi pababa.
"Lahat ng puno dito sa binili mong lupa ay hindi na natin aalisin instead dadagdagan na lang natin ang mga 'yan. Kapareho ng lupa nito ang lupa sa hacienda kaya ibig sabihin madali ka lang makakapag-tanim dito kagaya ng ginagawa ko." Paliwanag ni Carlos, talagang natutunan na lang din niya na importante kung anong klaseng lupa ba ang mero'n ka at kung anu-ano ba ang puwede mong itanim dito. May mga puno, prutas at halaman kasi na hiyangan lang din sa lupang pinagtataniman at dahil alam niyang maganda ang lupa na nabili ng kaibigan ay sigurado siyang magiging maganda at worth it ang ano mang gagawin nila dito. May ilan na din kasing puno dito at marami nga ang nakatanim na buko kaya hindi na nila 'yon aalisin pa pati na ang iba pang nakatanim na dito.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤