CHAPTER 11

3.3K 88 4
                                    





Dumating ang araw ng Biyernes at gaya ng mga nakaraan na araw na ito ay muling nagtinda si Joanna ng mga cookies sa munisipyo. Ito talaga ang araw na gustong-gusto niya dahil dito sa bayan nila sa Colores ay pinapayagan ang mga katulad nilang small business entrepreneur na mag-alok doon sa mga empleyado. Hindi lang pala cookies at ibang pastries ang ginawa niya kung hindi pati maliit na cake na dadalhin nila mamaya ng anak niyang si Kester pag nagpunta sila sa bahay ni Salvatore. 




Pinag-isipang maigi ni Joanna kung pupunta ba siya doon o hindi lalo pa at pinag-sabihan nga siya ng Kuya Carlos niya na huwag makikipag-lapit dito. Pero kasi wala naman siyang ginagawang masama at isa pa gusto nga din niyang pagbatiin ang mga ito. At sana magawa niya nga 'yon dahil alam niyang may pag-asa pa na maging magkaibigan ang mga ito ulit.






"Happy birthday!" Bati ko ng salubungin kami ni Salvatore, alas sais niya kami ng gabi pinapapunta dito sa bahay niya. Pero pasado alas sais imedya na kami dumating, kahit naman kasi magkatabi lang ang hacienda saka itong bahay niya ay malayo naman ang iniikutan no'n.




"You don't need to do this, hindi ka na sana nag-abala pa Joanna." Ani ni Salvatore na tinanggap ang cake na inabot sa kanya ni Joanna. Hindi niya ine-expect na may dala pa ito para sa kanya. Hindi kasi siya mahilig mag-expect ng regalo. "And you're with your son ha, nice meeting you again little boy." Bati niya sa paslit na nakahawak ng mabuti sa kamay nito. 


"Happy birthday po!" Bati naman ni Kester na halatadong nahihiya dahil nakasiksik talaga sa tagiliran ng kanyang ina.


"Come let's go inside of my house." Sabi ng binata, wala talaga siyang balak maghanda ng magarbo pero kasi naisip niya na ito ang unang birthday niya dito sa bagong bahay niya kaya sabi niya ay ayos na siguro ang simpleng dinner sa pag-celebrate ng kaarawan niya. 




Nagtaka naman ako ng makitang walang ibang tao sa loob. "Wala kang bisita?" Tanong ko. 




"Kayo lang, and I'm happy na nagpunta kayo." Sabi ni Salvatore. "Pinakain ko lang kanina 'yong mga tauhan ko dito ng lunch, bumili ako kanina ng letchon. I still don't have friends here Joanna but it's totally fine kaya kayo lang talaga ang bisita ko ngayong gabi." Inilapag niya sa lamesa ang dalang cake ni Joanna para sa kanya. He cooked dinner, seafood pasta, beef caldereta, mashed potato and steak and fresh fruits for dessert. "Yan lang ang handa ko kasi kayo lang naman ang inaasahan kong bisita ko ngayong gabi." Sabi niya pa at pinaupo na ang mag-ina sa dining area. 






So kung hindi pala kami nagpunta ng anak ko ay siya lang ang kakain ng lahat ng ito? or worst it masayang lang ito dahil hindi din naman niya ito mauubos lahat. Pinanood lang namin siya sa habang may kinukuha sa kusina. Kinausap ko din ang anak ko kanina, hindi nga lang kanina kung hindi simula kagabi. At kabilin-bilinan ko na huwag siyang magkukulit dito kaya naman behave siya ngayon sa tabi ko. 




Isang normal na dinner ang pinag-saluhan nilang tatlo, Joanna can't believed that all of the meals they eaten was prepared and cooked of Salvatore. Sa itsura kasi nito ay hindi mo iisipin na marunong pala itong magluto lalo pa at malaking mama nga kasi. Nasarapan siya sa seafood pasta at first time naman nilang natikman ang steak with mashed potato na niluto nga daw nito. They talked about different things while their eating, may mga tanong si Salvatore kung saan ba may mabibili na ganito o ganyan at sinasabi naman niya kung alam niya. She understand him, bagong salta lang ito sa Colores kahit pa sabihing dito naman na ito noon nakatira. Marami na kasing nagbago sa lugar nila sa paglipas ng panahon. Kaya sino ba naman siya para hindi tumulong kung kaya din niya lang.




"Thank you talaga Joanna at nagpunta ka dito, kayo ng anak mo." Pasasalamat ni Salvatore, nasa movie room ang anak nitong si Kester at nanonood nga ng cartoons doon. Nakabili na kasi siya ng tv at napakabit na din niya 'yon doon, mahilig kasi siyang manood ng mga pelikula. At kahapon nga ay nakabitan naman na din siya ng wifi connection dito kaya nakakagamit na din siya ng internet. 




"Wala 'yon, sa totoo lang ay hindi nga ako makapaniwala na kami lang pala ang inaasahan mong bisita." Sabi ko at ininom ang wine na nilagay niya sa baso ko. Red wine 'yon at ngayon lang talaga ako nakainom ng ganito, nakakahiya kasi tumanggi lalo pa at ako lang at si Kester ang kasama niya.




"Wala talaga akong balak maghanda pero kasi ito ang unang birthday ko dito kaya naman sabi ko maghahanda ako kahit kaunti." Sabi pa ng binata, noong nandito pa siya ay si Carlos  ang kasama niya sa pag-celebrate ng birthday niya. At gano'n din ito, they both together on their birthday, walang handa pero may inuman at kuwentuhan na inaabot na ng umaga.





"Tama naman, teka ibig sabihin ipapa-bless mo din ba 'tong bahay mo? Katoliko ka naman siguro no?" Kasi gano'n 'yon diba lalo na kung bago ang nahay o kahit nga kakalipat niyo lang. Pinapa-bless sa pari.





"Kailangan pa ba no'n? Hindi naman kasi ako relihiyosong tao kahit katoliko ako Joanna." Sagot ni Salvatore, oo katoliko siya pero 'yong simpleng pag-simba nga ay hindi niya na matandaan kung kailan ba. He never went to church while he was in America so it's been a decade since the last time.





"Oo naman no, kilala ko 'yong pari sa simbahan sa bayan kung gusto mong ipa-bless itong bahay mo. Mas maganda kasi 'yon para mas lalo kang i-bless."





"Gano'n ba? Hindi kasi talaga ako pala-simba kaya baka mag-apoy ako kung magsasaboy pa ng holy water ang pari. Basta nagdadasal  ako every morning and bago ako matulog kaya okay naman na siguro 'yon."





"Loko hindi ka aapoy no, pero 'yon nga kung gusto mo na magpa-bless ay puwede kita samahan sa simbahan para magpa-schedule." Sabi ko na naman.





"Sige na nga, sabi mo eh." At itinaas ni Salvatore ang baso niya para makipag-cheer dito.

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon