CHAPTER 32

2.7K 82 6
                                    





Nagising si Carlos sa sunod-sunod na pagkatok sa kanilang kuwarto na mag-asawa, at kahit naalimpungatan ay bumangon pa din siya at binuksan ang pinto. At doon niya nakita ang kanyang tauhan na si Jimuel kasama si Joanna. And seeing them he know already there's something wrong. 





"Anong ginagawa niyo dito? Anong oras pa lang ha." Tanong ng haciendero, alam niyang wala pang alas dose ng hatinggabi dahil hindi pa gano'n kalalim ang tulog niya. Pero anong ginagawa ng dalawang 'to dito?







"K-Kuya Carlos.." Parang takot ang boses na tawag ni Joanna sa Kuya-kuyahan niya. "S-Si Salvatore, m-may nangyari yata sa kanyang masama  Kuya." 





Agad napakunot noo si Carlos sa narinig, hindi muna siya nagsalita agad at pumasok muna sa kanilang silid na mag-asawa at kinuha ang damit niya na hinubad para masuot 'yon, hubad baro kasi siya kung matulog. 







"What you mean may nangyari sa kanya? Ano bang nangyari at nandito ka?" Ani ni Carlos ng makalabas ulit sa kanilang kuwarto at igiya ang dalawa sa sala, tulog pa din ang kanyang asawa at hindi na niya ito ginising pa. 







"Nag-uusap kasi kami kanina t-tapos okay naman kami at kung anu-ano nga ang pinag-uusapan namin dahil hindi pa naman kami inaantok. T-Tapos 'yon narinig ko na lang na parang may kinausap siya at sinabi niya kung sino daw ba 'yong nasa bahay niya kaya nagtaka ako dahil ang alam ko ay siya lang naman ang nasa bahay niya at wala naman siyang ibang kasama doon kahit na sino. T-Tapos, tapos 'yon may narinig na lang ako na putok ng baril tapos hindi ko na siya nakausap pa dahil biglang namatay 'yong cellphone niya." Kuwento ko, talagang siya agad ang pinuntahan ko kasi natatakot naman akong mag-isa pumunta sa bahay ni Salvatore dahil baka kung ano na nga ang nangyari do'n. At sigurado ako sa narinig ko at talagang malakas ang hinala ko na may hindi magandang nangyari. 







"Tinawagan mo ba siya ulit? Baka na-lowbat lang ang cellphone niya o kaya naman sa pinapanood niya lang na palabas sa tv ang narinig mo." Komento ni Carlos, ayaw man niyang ipahalata pero kinabahan siya sa narinig lalo pa at alam niyang totoo ang sinasabi ni Joanna sa kanya. Hindi ito ang tipo ng tao na mang-gigising ng alanganing oras para lang sa kung ano. Dahil ito lang din ang unang beses na nangyari ang ganito. 





"Wala po kaming narinig na putok ng baril galing sa kabila Senyorito pero kasi malayo-layo na 'yon dito sa hacienda." Singit naman ni Jimuel, siya kasi ang nilapitan ni Joanna kanina at nagtataka pa nga siya kanina dahil ang bilis ng andar nito sakay ng electric bike. Nagdadalawang-isip din siya na gisingin ang Senyorito Carlos niya pero kasi baka totoo nga ang sinasabi nitong si Joanna kaya sabi niya ay dalawa na lang sila na mang-gising. 





"O sige puntahan natin, magsama ka din ng dalawang tao pa Jimuel." Ani ni Carlos na kinuha ang susi ng pick up niya. Iba ang kabog ng puso niya at kadalasan tumatama din ang instinct niya. 







Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na sila Joanna sa Casa Luca, bukas ang ilaw ng bahay ni Salvatore pero ang ipinagtataka nila ay kung bakit nakabukas ang main door ng bahay samantalang anong oras na nga. 







"Kuya Carlos dalian natin." Sabi ko na nauna talagang maglakad kaysa sa kanya, hindi mawala-wala ang kaba sa puso ko lalo pa at baka may nangyari na ngang hindi maganda kay Salvatore. Tinatawagan ko pa din kasi siya pero hindi talaga nito sinasagot ang tawag ko na hindi naman niya ginawa sa akin. Madalas kasi kapag magkausap kami sa gabi ay magpapaalam pa 'yan na matutulog na siya na hindi nangyari kanina.







Sinabihan naman ni Carlos ang dalawa pa niyang tauhan na libutin ang bahay dahil baka may ibang tao pa doon at saka sila ni Jimuel sumunod kay Joanna. At kapapasok pa lang nila sa may pintuan ay narinig na nila ang mga tili ni Joanna na nasa loob na. 







"K-Kuya, Kuya Carlos si Salvatore!" Napaluhod ako sa gilid niya at tiningnan agad kung may pulso pa ba siya o ano. Pero kahit naramdaman ko na may pulso pa siya ay sunod-sunod ng tumulo ang luha ko lalo pa at duguan siya na nakahandusay sa sahig ng maabutan ko. At hindi ko malaman kung sa dibdib ba ang tama niya o sa tiyan dahil puro dugo ang damit niyang suot. 







"Putangina! Dali, buhatin natin para madala sa ospital." Sabi agad ni Carlos na sinuksok sa tagiliran ang hawak na baril. Tinulungan niya si Jimuel na buhatin si Salvatore palabas ng kuwarto, para siyang hindi makapaniwala lalo pa at kahit naiinis siya dito ay may pinagsamahan naman talaga sila. And looking at him now unconscious makes him feel scared too.





Hindi si Carlos ang nag-drive ng sasakyan niya kung hindi ang tauhan niyang si Jimuel, he can't drive his car on this kind of state specially he saw Joanna shaking and crying. Siya ang nakaupo sa may passenger seat ng pick up niya at si Joanna naman ay nasa unahan katabi ang tauhan niya. 





"Kuya.." Tawag ko ulit sa pangalan niya ng maipasok na si Salvatore sakay ng stretcher sa loob ng emergency room. Buti na lang at nakarating kami agad dito sa ospital at sana lang talaga ay walang masamang mangyari kay Salvatore. 





Carlos hugged her, her hands is still shaking and he don't know what to say too. "Sssshhh wag ka ng umiyak, magiging okay lang siya Joanna. Magiging okay lang siya."Pagpapatahan niya dito. 





Naghalo na ang sipon at luha ko, wala akong idea kung sino ang gumawa nito kay Salvatore pero kung sino man 'yon ay mahuli sana siya. "B-Baka may mangyaring masama sa kanya Kuya." Sabi ko sa pagitan ng mga iyak ko. 







"Don't say that, masamang damo 'yang si Salvatore kaya alam kong mabubuhay 'yan." Seryosong turan ni Carlos. Sa tingin niya ay sa may tiyan ang tama nito ng baril pero dahil madilim nga ay hindi din siya sigurado. Basta 'yon ang hinawakan niya habang papunta sila dito sa ospital at binigyan ng pressure ng sa gano'n ay hindi ito maubusan ng dugo. 





"Sino kaya gumawa nito sa kanya? Wala naman siyang kaaway ah, ni hindi nga siya umaalis-alis eh." Sabi ko ng maupo kami, may dugo ang suot kong pantulog pero wala na akong pakialam doon. Ang importante ay walang mangyari na masama kay Salvatore. 



"Hindi ko rin alam Joanna pero tatawagan ko si Wilde at papapuntahin din dito, tumawag naman na 'yong mga tauhan ko ng pulis para maimbestigahan ang nangyari at on the way na daw sa bahay ni Salvatore." Sabi ni Carlos na kinuha ulit ang cellphone sa pantalon niya, he need help for this. At ang aasahan niya lang ay ang mga kaibigan niya din kaya 'yon din ang tatawagin niya. 

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon