CHAPTER 09

5.8K 119 7
                                    





Last update for this week, happy weekend!






"Ay!" Napasigaw ako ng makita ko ang pinapanood ko, pero agad ko din tiningnan ang katabi ko na si Kester dahil baka nagising siya pero buti naman at hindi. Sa sobrang curiosity ko kasi ay hinanap ko sa google ang pangalan ni Salvatore at lumabas nga no'ng una 'yong mga pictures niya habang nagmo-model siya dito pa sa Pilipinas. Pero sa kakapindot ko ay may link nga ako na napindot kung saan heto na nga at nag-log in pa ako gamit ang e-mail ko. At sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko habang nanonood ngayon ng video ni Salvatore. Para kasing hindi ko lubos maisip na siya pala ito, na siya 'yong nakikipag-sex sa babaeng kasama niya. At ito ang unang beses na makapanood ako ng ganito na porn!





And take note hindi tunay na pangalan niya ang gamit niya, kung baga mero'n siyang pen name o screen name at 'yon pala ay Tore. Pinindot ko pa ang ilang videos na kung saan pinaka-matagal na ang 20 minutes at ibang babae na naman ang kasama niya. At 'yong mga sumunod pa ay gano'n din, iba-iba nga talaga ang kasama niya sa bawat videos pero hindi mo buong mapapanood dahil kailangan mo ngang magbayad bago mo mapanood mula umpisa haggang dulo. Parang preview lang ng buong videos o summary ang mapapanood mo ng libre. But the rest ay kailangan mo na talagang magbayad. At natural hindi ako magbabayad, puro pikit nga ang ginawa ko habang pinapanood 'yong video eh.





At dahil sa kakapindot pa ni Joanna ay hindi niya na namalayan na mag-aalas dose na pala ng hatinggabi. Nagpasya na lang siya matulog ng makitang 15 percent na lang ang battery ng cellphone niya dahil maaga pa siya dapat magising bukas. 





Araw ng Lunes at gaya ng mga ibang araw ng weekdays ay maagang gumigising si Joanna para asikasuhin ang anak niyang si Kester. Grade 1 na ito at hanggang tanghali ang pasok. Ganito kasi pag sa probinsiya, kalahating araw talaga ang pasok at hindi kagaya ng sa ibang eskwelahan na hanggang alas dyis lang lalo na kung grade 1 pa lang. 



"Makikinig ka ng mabuti sa teacher mo ha, at huwag kang magkukulit sa school." Bilin ko sa anak ko pagdating namin sa eskwelahan. Inaantok pa ako kaya pag-uwi ko ng bahay mamaya ay matutulog muna ako siguro kahit tatlong oras. Anong oras na din kasi ako nakatulog kagabi at hindi din naman ako sanay na mag-puyat. 





"Yes Mommy good boy po ako sa school." Bibong sagot ng bata at hinila na ang bag nito na may gulong. He even waived his hand to his mother and Joanna gave him a flying kiss. 





Hinintay ko lang makapasok sa school ang anak ko at sumakay na ulit sa e-bike, ewan ko pero ang nasa isip ko simula kaninang magising ako ay walang iba kung hindi si Salvatore. At hindi ko alam kung paano ko ba siya kakausapin pag nakita ko siya lalo pa at napanood ko kagabi ang mga video niya. Ayokong sabihin na magaling siya sa pakikipag-sex dahil baka peke lang naman 'yong mga ungol na narinig ko sa video kagabi pero mukhang hindi 'yon maaalis sa isip ko agad-agad. Kaya sana ay hindi ko siya makita dahil kung hindi lagot na talaga. 







Naging busy si Salvatore sa pagpapatanim ng iba't-ibang klase ng buto ng mga prutas at gulay. Kumuha siya ng limang tauhan kung saan mauutusan niya dito sa Casa Luca. Nagpatayo din siya ng poso at nagpakabit ng patubig na magagamit sa pagdidilig ng mga pinatanim niya. Tatlong ektarya kasi ang lupain na pinataniman niya at malaki-laki talaga 'yon. 'Yong mga gulay na kailangan lang ng tatlong buwan ang una niyang pinatanim para naman makita niya agad kung kikita nga ba talaga siya sa mga ito. Ang sunod naman ay maghahanap siya ng puwesto ng pagtatayuan niya ng kanyang negosyo, ang naiisip niya ay talyer. Pati na ang pagbebenta ng mga de kalidad na parts ng mga motor and hopefully maumpisahan niya na 'yon ngayong buwan.





"S-Salvatore.." Wala na akong nagawa kung hindi ihinto ang electric bike ko sa tabi ng kalsada ng makita ko siya at kawayan niya ako. Nandoon siya kasama ang iba pang mga kalalakihan at kanina ko pa nakita na may ginagawa nga dito papasok sa lupain niya. May kinakabit doon na mga ilaw na sa tingin ko ay solar light at pati signage ay mero'n din na ikinakabit. 





"Kumusta? Saan ka galing?" Tanong naman ng binata. Napangiti siya ng makitang ayos na ulit ang electric bike nito, at actually isa ito sa iniisip niyang puwedeng ibenta dito. Pero hindi 'yong ganitong klase kung hindi 'yong mas matibay.





"May binili lang ako sa bayan para sa pagbe-bake ko." Sagot ko, gagawa kasi ako ng cookies mamaya dahil nag-order ang asawa ni Congressman Wilde sa akin. Nag-message kasi sa akin si Jesslyn kaninang tanghali kaya sabi ko ay bukas ko 'yon madadala sa kanila. 





"I see, magbe-bake ka ng cake?" Tanong ulit ni Salvatore. 





"Naku hindi, magbe-bake ako ng cookies kasi may nag-order sa akin." Sagot ko na naman, alam kong medyo pricey ang benta ko ng cookies pero ang quality naman no'n at lasa ay masarap at talagang babalik-balikan.Kaya nga pagdating ng ber months ay ito talaga ang mas malakas kong nabebenta kaysa sa cake.





Salvatore nodded, so hindi lang pala talaga cake ang kaya niyang gawin kung hindi iba pang pastries. "Gusto ko din matikman 'yang cookie mo."





"C-Cokie ko?" Diyos ko hindi mawala ang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niya, pero wala namang nakarinig diba dahil busy ang mga tauhan niya sa ginagawa ng mga ito. 





"Yes cookie mo Joanna, I want to taste your cookie so I want to order too." 





Doon na ako nakahinga ng maluwag, kung bakit kasi may ibang ibig sabihin ang una niyang sinabi kanina? o ako lang ang nag-iisip ng gano'n? Cookies pala, wala kasing letter S ang pagkakasabi niya kanina. "Sige dadalhan kita bukas, mamaya ko pa lang kasi gagawin 'yon pag-uwi ko."



"Okay aasahan ko tomorrow ha? I can't wait to taste your cookie." 



Napailing na lang ako dahil wala na namang letter S ang pagkakasabi niya. Pero sige na nga alam ko naman na masasarapan siya sa cookie ko.


You can dm me on my fb page to join in vip group! Chance mo ng mabasa yong mga story na to!

You can dm me on my fb page to join in vip group! Chance mo ng mabasa yong mga story na to!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon