"K-Kuya.." Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko paglabas namin ni Kester sa school. Nandito si Kuya Carlos sa labas at maging si Salvatore na nagpaalam na sa akin kanina ay nandito pa din pala.
"Hinintay ko na kayo kasi isang way lang naman ang uuwian natin." Turan agad ni Salvatore na nakangiti pa talaga sabay pasimpleng tinapunan ng tingin ang kaibigan niyang nakatayo din malapit sa kanya.
Napakunot noo naman si Carlos dahil hindi niya inaasahan na magkakilala pala itong si Salvatore at si Joanna. "Sa akin ka na sumabay Joanna, nadaanan namin kanina ni Misty ang electric bike mo sa labas ng hacienda kaya alam kong nasiraan ka at susunduin mo nga itong si Kester. Pinuntahan ka na namin dito para masabay ka namin pauwi." Paliwanag niya, alam niya kasi na ganitong oras ang uwi nitong anak ni Joanna at dahil dito din naman sila sa bayan may binili ay dinaanan na din nilang mag-asawa.
"E-Eh Kuya si ano p-pala.." Hindi ko mabigkas ang pangalan ni Salvatore kasi parang may war sa pagitan nila kahit hindi naman sila nag-uusap. Sa mga tinginan nila sa isa't-isa ay alam mong may mali kaya naman hindi ko alam ang sasabihin ko. Saka paano 'yo? Kanino na kami sasabay na mag-ina? Nakakahiya naman kay Salvatore kasi hinatid niya ako papunta dito sa school pero kasi nandito din itong si Kuya Carlos.
Doon na tiningnan ni Carlos si Salvatore, alam niya na nandito na ito sa lugar nila. At alam niyang nagpagawa din ito ng bahay at mukhang didito na sa bayan ng Colores titira. Hindi lang ngayon ang unang beses niya itong nakita pero hindi pa din maitatago na galit siya dito kaya kanina nga ng akma siyang kakausapin nito ay umiwas na siya. Ayaw niyang dito pa sila ni Salvatore mag-away sa labas ng eskwelahan kung saan maraming mga bata. "Hindi ko siya kilala Joanna at wala akong balak makilala siya. Kaya halika na at hinihintay na tayo ni Misty sa sasakyan." Pag-aya niya dito, ginulo niya pa nga ang buhok ng batang si Kester ng mag-bless ito sa kanya.
Wala tuloy akong nagawa kung hindi sumunod kay Kuya Carlos, natural sasama talaga kami ni Kester sa kanya. I just mouthed to Salvatore sorry and he nodded to me, hindi ko naman kasi alam na hindi pa pala siya umuuwi at hinintay niya pa pala ako. Tapos hindi ko din alam na nandito din pala itong si Kuya Carlos.
Sumakay na lang si Salvatore sa kanyang pick-up ng makaalis na sila Joanna. Nagtaka pa nga siya kanina ng makita si Carlos dito sa eskwelahan dahil ang alam niya ay buntis pa lang ang asawa nito kaya sino naman ang susunduin nito dito diba. He want to approach him as well earlier, pero nandoon na naman kasi ang tingin nito na para bang nagsasabi na huwag mo akong kakausapin kaya hindi na din niya nilapitan pa. Carlos rudeness towards him really testing his patience. Alam niyang galit ito sa kanya base na din sa mga tingin nito sa kanya, pero kasi para sa kanya ay hindi matatapos ang kung ano mang alitan nila kung hindi sila mag-uusap. Kaya naman ang tanong ay kung kailan 'yon mangyayari, kug kailan niya ba ito makakausap talaga ng sila lang dalawa.
Tanging si Misty at Joanna lang ang nag-uusap sa durasyon ng biyahe nila pauwi ng hacienda. Paano busy ang anak ni Joanna na si Kester sa pagtingin sa labas ng sasakyan. Hindi lang ito ang unang beses na naisabay silang mag-ina ng Kuya Carlos niya kaya naman hindi na siya naiilang na makisakay pa sa sasakyan nito. Pero ngayon ay nakaramdam siya ng pagka-ilang dahil alam niyang nagulat si Carlos ng makitang siya ang hinihintay ni Salvatore kanina sa school. At tiyak na tatanungin siya nito kung paano sila nagkakilala ng binata.
"Sandali lang, mag-usap muna tayo Joanna." Sabi ni Carlos, binaba na muna niya ang asawa niyang si Misty sa bahay nila at saka hinatid na ng diretso itong mag-ina. Tanghali kasi kaya mainit kung lalakarin pa ng mga ito pauwi. Medyo malayo pa naman ang bahay niya sa mga bahay ng mga nagtatrabaho dito sa hacienda kaya minabuti na niyang ihatid.
Lagot, heto na nga ba ang sinasabi ko eh.. Nauna pa namang pumasok sa bahay ang anak kong si Kester pagkakuha niya sa akin ng susi. "Kuya.."
"Ipapakuha ko na lang kila Bernard 'yong electric bike mo sa labas para maikarga sa truck at dalhin sa pagawaan." Anya na ang tinutukoy ay isa sa mga tauhan niya dito sa hacienda. "Paano mo pala nakilala ang lalaking 'yon Joanna?" Seryosong tanong ng haciendero, hindi naman galit ang tono ng boses nito pero ramdam mo na seryoso talaga.
"S-Sa munisipyo Kuya Carlos, nabangga siya ni Kester no'ng nagtinda ako doon ng mga cookies tapos ng pauwi na kami ay nakita namin siya. T-Tapos no'ng nag-deliver din ako ng cake sa pinapagawa niyang bahay ay nandoon din siya, nag-order kasi 'yong anak ng gumagawa ng bahay niya ng cake noong nakaraan tapos dinala ko nga doon sa kabila kaya nakita ko siya ulit." Mahaba kong paliwanag, ayoko kasing mag-sinungaling sa kanya dahil kahit gawin ko 'yon ay baka malaman niya pa sa ibang tao ang totoo kaya ako din sa huli ang mapagalitan niya.
"At bakit naman kayo magkasama kanina?" Tanong pa ulit ni Carlos.
Napakamot na ako ng ulo, parang bigla kasing naging imbestigador si Kuya Carlos. "Nadaanan niya ako kanina Kuya sa labas, nasiraan kasi 'yong electric bike ko at tutulungan nga niya sana ako kaso wala naman daw siyang dalang tools kaya 'yon isinabay niya na lang ako papunta sa bayan para sunduin si Kester."
Tumango-tango naman si Carlos. "Pero ayokong makikita na kasama mo ang lalaking 'yon Joanna, hindi siya mabuting tao at sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang na baka ikapahamak mo lang kung makikipag-lapit ka sa kagaya niya."
Hindi mabuting tao si Salvatore? Pero bakit feeling ko naman ay hindi? "Wala naman siyang ginagawang masama Kuya, mukhang okay naman 'yong tao."
"Hindi lahat ng mukhang okay ay okay na Joanna, I know that man. Kilalang-kilala ko ang lalaking 'yon kaya kung sa 'yo ay sundin mo na lang ang sinasabi ko dahil 'yon ang tama at 'yon ang dapat."
"Sige Kuya hindi na mauulit." Sabi ko na lang, pero nandito ngayon sa akin ang tanong kung bakit ba siya galit kay Salvatore. Dahil parang magkaiba naman silang dalawa lalo na kanina, ramdam ko kasi na hindi naman sa kanya galit si Salvatore at itong si Kuya Carlos lang ang galit sa kanya. So bakit nga kaya? Bakit sila magkaaway na dalawa?
Dm me on my fb page how to join on vip group!
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomansaSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤