"So saan ka nga Kuya bumibili ng mga kabayo mo? Dali na kahit clue lang ang sabihin mo."
Napapailing na lang si Misty Faith dahil kanina niya pa naririnig si Joanna na kinukulit ang asawa niya. Her bond with her husband is really like a real brother, nagpunta si Joanna dito sa bahay nila kasama ang anak nito na si Kester at heto nga kanina pa ito nagtatanong kung saan ba makakabili ng kabayo pero ayaw naman sabihin ng asawa niya.
"Bakit mo ba tinatanong ha? Takot ka nga lapitan mga kabayo dito sa hacienda tapos tatanungin mo sa akin kung saan pa ako bumibili?" Ani ni Carlos na medyo nakukulitan na din kay Joanna. Nakakapagtaka naman kasi na bigla na lang itong naging interesado sa kabayo samantalang takot nga ito dito.
"Magaganda nga kasi 'yong breed ng mga kabayo mo Kuya, saka parang mga high class ba." Sabi ko naman, mabuti pa kasi kung sa totoong may kabayo ako magtanong kung saan ba nakakabili no'n para naman doon na lang din bibili si Salvatore. Makakasiguro pa si Salvatore na maganda ang makukuha niya kasi legit itong pinagbibilhan ni Kuya Carlos. Kaya nga din itong si Kuya Carlos ang tinatanong ko ng tungkol dito pero parang ayaw pang sabihin sa akin kung saan ba talaga siya nakabili.
Nag-isang linya ang kilay ni Carlos na para bang alam na kung bakit nagtatanong si Joanna ng tungkol sa kabayo bigla. "Don't tell me pinapatanong ni Salvatore kung saan ako bumibili ng kabayo?" Tanong niya dito, kasi alam naman niyang wala talagang interes itong si Joanna sa mga kabayo kahit mero'n siya nito dito sa hacienda niya. Unless si Salvatore ang nagpapatanong no'n.
Ngumiti ako at kinurot siya sa pisngi, alam na alam talaga niya agad ang mga bagay-bagay kaya masasabi ko na matalino din talaga itong si Kuya Carlos eh. Kaso hindi pa din nagbago ang ekpresyon ng mukha niya at heto mukhang masungit na talaga. "Hindi naman niya sinabing magtanong ako sa 'yo kasi alam niya namang hindi mo sasagutin o sasabihin kung saan. Pero ako na mismo ang nagtatanong sa 'yo kasi alam kong maganda ang klase ng mga kabayo mo na mero'n ka at siyempre para na din do'n siya makabili sa legit at hindi masayang ang pera niya."
"Tsk, at bakit naman mag-aalaga ng kabayo ang De Luca na 'yon? Ano naiinggit siya sa akin kaya bibili din siya?" Sabi pa ni Carlos. alam niya na marunong mangabayo si Salvatore dahil noon pa man na magkaibigan pa lang sila na dalawa ay naturuan na niya ito kung paano ba ang tamang pagsakay sa kabayo pati na pagpapakain dito at pag-aalaga. Pero noon pa 'yon at ang tagal-tagal na no'n, marami ng nangyari sa dati niyang kaibigan at maaaring nagbago na din ito. So ang point niya ay baka hindi nito maalagaan ng maayos kung bibili ito ng kabayo.
"Carlos.." Tawag naman ni Misty Faith sa pangalan ng asawa niya, tumabi na din siya dito habang hawak-hawak ang buko juice na kakabukas lang para sa kanya ng isa sa tauhan ng asawa. "Nagtatanong sa 'yo si Joanna simula pa kanina kaya ano man lang ba kung sabihin mo na sa kanya kung saan mo ba binili ang mga kabayo na mero'n ka." Sabi niya tuloy dito, hindi din naman kasi lingid sa kanya ang away nito at sa may-ari ng katabi nilang lupain. She still never see that Salvatore De Luca pero base na din sa kuwento sa kanya nitong si Joanna ay dati daw ang dalawa magkaibigan. Kaya maski siya ay naku-curious na din, hindi din naman kasi sinasagot ni Carlos kapag nagtatanong siya tungkol doon.
"Buti pa si Misty madali makausap at nakakaintindi." Sabi ko at nginitian si Misty Faith. "Kaya nga gusto talaga kita para kay Kuya Carlos eh." Dagdag ko pa.
"Wag mo na akong bolahin at obvious na obvious masyado. Pero sinasabi ko lang sa 'yo at gusto ko na maintindihan mo din na mahirap ang pag-aalaga ng kabayo Joanna, hindi 'yan katulad ng aso o ng pusa. Unang-una dahil mahal ang kada isang kabayo na mero'n ako at kaya nga din may beterinaryo sarili ang mga alaga ko dito sa hacienda kasi naglalabas talaga ako ng pera sa kanila. And I know hindi bibili ang Salvatore na 'yon ng mga low class na kabayo. So my question is bakit siya mag-aalaga ng kabayo? he should have a reason why he want to have his own horse, at hindi lang dahil sa gusto niya. Hindi lang dapat pambili ang mero'n ka diyan kung hindi dapat mero'n ka din kulungan nila na maayos." Paliwanag ng haciendero, gusto niyang ipaliwanag kay Joanna na hindi biro ang pag-acquire ng kabayo dahil isa itong hobby na magastos talaga. Pero kung 'yon ay gagawin mo ngang hobby talaga, iba kasi kung hobby lang o magbi-breed ka dahil mas malaking pera ang kailangan mong ilabas kung pagpapa-breed ang gusto mong gawin sa mga kabayo.
"Sa pagkakaintindi ko Kuya Carlos sa sinabi ni Salvatore ay sa 'yo lang daw siya natuto kung paano mangabayo, at sabi niya nga daw noon sa sarili niya kapag nagkaroon siya ng pera o nakaipon siya ay bibili siya no'n. So maybe ito na 'yong time na sinasabi niya, na na-inspire siguro sa 'yo kasi sa 'yo lang din naman niya nalaman ang mga tungkol sa kabayo na 'yan hindi ba." Sumeryoso na ang boses ko kasi kung ako lang ay mas maganda kung magiging ayos na sila Kuya Carlos at Salvatore. Ramdam ko kasi minsan na tampo na lang itong nararamdaman ni Kuya Carlos para kay Salvatore kasi nga hindi nito sinunod ang payo niya sa kaibigan dati. At sana mangyari na nga agad 'yon dahil hindi na ako makapaghintay na makita kung paano ba sila na magkaibigan kapag magkasama.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Carlos sa narinig, he don't know if Joanna saying the truth or just making a story so that he can tell where he bought he's horses. Pero oo alam niya ang tungkol sa pangarap ni Salvatore na magkaroon ng kabayo dahil binabanggit na nito 'yon dati pa. "Fine sasabihin ko na kung saan ako bumibili ng kabayo but more of my horses was bought from abroad Joanna at hindi dito sa Pilipinas." Paunang sabi niya dito. "Alam ko kasing hindi mo ako titigilan sa kakatanong ng tungkol diyan at kukulitin mo lang ako ng kukulitin araw-araw hangga't hindi ko sinasabi kung saan ba ako bumili ng mga kabayo ko." Inunahan niya na ito agad dahil baka isipin pa nito na may amor pa siya sa De Luca na 'yon.
"Wow! Hindi nga Kuya? Thank you na agad-agad!" Sabi ko, good news 'to no at sasabihin ko 'to mamaya agad kay Salvatore.
"Pero teka nga wag mong sabihin na boyfriend mo na ang De Luca na 'yon? Sinasabi ko lang sa 'yo Joanna ha." May himig ulit ng kaseryosohan ang boses ni Carlos.
Umiling naman ako, baka kapag sinabi ko na oo ay hindi niya sabihin kung saan ba siya bumili ng kabayo eh. "Hindi K-Kuya, hindi ko boyfriend si Salvatore."
"Tsk, siguraduhin mo lang ha. Isa pa wag ka ng mag-boyfriend Joanna kasi pipigilan ka lang niyan pag may lakad ka." Sabi pa ng haciendero.
Anong pipigilan? "Kuya!"

BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomantikSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤