Last update for this week, happy long weekend! And see you this coming Sunday in Pampanga!
Parang hindi sanay na makita ni Joanna na magkasama si Salvatore at ang Kuya Carlos niya. At hindi lang pala basta magkasama kung hindi magkausap din at hindi nag-aaway. Nandito sila ng anak na si Kester sa bahay ni Salvatore at hindi niya inaasahan na nandito din ang kuya-kuyahan. They are both busy, while she's staring on both of them. Nilabas kasi ang mga kabayo ni Salvatore at hindi naman siya nakialam sa mga ito o lumapit man lang dahil nga takot siya dito. Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng may manloob dito sa bahay ni Salvatore at sa loob ng isang buwan na 'yon ay marami-rami na din ang nangyari. At isa na nga doon ang pagbabati ng dalawa na talagang ikinatuwa naman niya. Samantalang nakakulong pa din ang nanloob na magnanakaw dito sa bahay ni Salvatore at bumaril dito. Sa tulong ni Congressman Wilde ay talagang sinigurado nito na hindi ito makakalaya pa lalo pa at isa sa kinaso dito ay attempted murder. Plus nagkaroon na din ng stay-in na tauhan si Salvatore dito sa Casa Luca at talagang 'yong kakilala pa ni Kuya Carlos ang kinuha niya para kilala nga at alam na mapapag-katiwalaan din.
"They are good, healthy pala 'tong mga kabayo mo eh." Papuri ni Carlos sa dalawang kabayo ni Salvatore, maamo na din ito kahit papaano dahil nagawa niyang sakyan ito kanina. He paid a visit here in Casa Luca, sakay ang kanyang kabayo na si Bangis. At ito nga tinitingnan niya ang kabayo ng kaibigan dahil may alam naman siya sa ganitong klaseng hayop.
"And I'm planning to buy again next month." Ani ni Salvatore na nilapitan ni Kester. Agad naman niyang kinarga ang bata ng sa gano'n ay mahawakan nito ang kabayo.
"Sige tapos mag-breed ka na lang ng sa gano'n ay hindi puro palabas ang pera mo sa pag-aalaga ng kabayo." Komento pa ni Carlos, kapag puro kasi pag-aalaga lang ang gagawin nito sa kabayo ay talagang puro palabas lang din ang pera. At natural hindi maganda 'yon, 'yong kanya kasi ay nanganak na lang ng nanganak kaya naman binebenta na din niya 'yong ibang kabayo niya sa hacienda pwera na lang talaga 'yong mga mahal na breed na hindi niya kayang i-let go.
"And about the fish pond saan ako kukuha ng ilalagay na mga isda do'n kapag natapos na?" Tanong ni Salvatore, nagpapagawa kasi siya ngayon ng fish pond papunta doon sa may ilog. Malawak pa kasi ang bakanteng lupa dito sa Casa Luca kaya naman lahat ng puwedeng pagkakitaan ay gusto niyang gawin ngayon. At tama din naman si Carlos, puro talaga palabas ang pera niya ngayon at natural gusto niyang mabawi 'yon.
"Madali na lang Salvatore, maraming nagbebenta ng pang-alaga dito sa Colores. And you know what the in demand now? Cray fish, you should take a look on that, dahil hindi siya mahirap alagaan tapos malaki pa ang kitaan." Ani ni Carlos, isa 'yon sa gusto sana niyang idagdag na negosyo niya dahil nakakilala siya ng breeder mismo ng cray fish. Pero masyado na siyang mabi-busy nito dahil sa dami din niyang asikasuhin sa hacienda. Kaya kay Salvatore na lang niya isa-suggest ang pag-aalaga no'n.
"Sige titingnan ko ang sinasabi mo." Sabi ni Salvatore, ito ang isa sa gusto niya kay Carlos. Hindi ito katulad ng ibang kaibigan na madamot. At imbes na hilahin ka pababa ay hihilahin ka pa nito pataas. And he's happy because they are okay now, at 'yon ang pinaka-importante.
"Nakita ko na kanina 'yong mga tanim mo, at pagkatapos niyang maani ay 'yong kagaya ng mga tanim sa hacienda ang itanim mo dito dahil pareho lang naman tayo ng klase ng lupa na mero'n." Sabi pa ni Carlos, talagang nagkaayos na silang dalawa ni Salvatore. At ang usapan nga nila ay hindi na nila pag-uusapan ang kung ano mang pinag-awayan nila dati. This is a new chapter of their life, at kung ano man ang nangyari noon ay dapat na lang kalimutan at wag ng pag-usapan pa.
"Sige basta sinabi mo alam kong sigurado ako diyan." Pag sang-ayon ni Salvatore na ibinaba na din si Kester at mabilis na tumakbo papunta sa isa niyang tauhan. Pinaayos kasi ang bike nito na binili niya dahil na-flat ang gulong at heto nga ayos na.
Hindi na din nagtagal si Carlos sa Casa Luca at umuwi na rin sa hacienda niya pagkatapos ng ilang oras. At sina Joanna at Kester naman ay naiwan sa bahay ni Salvatore. Akala pa nga ni Joanna ay aayain siya pauwi ng Kuya Carlos niya pero buti na lang at hindi dahil hindi din naman siya sasama pauwi dito. Mukhang tanggap na din naman nito na hindi lang pagkakaibigan ang mero'n sa kanila ni Salvatore, hindi nila pinag-uusapan ang tungkol doon pero mukhang wala naman din kasing problema.
"Parang hindi ka pa din makapaniwala na okay na talaga kami ni Carlos." Turan ni Salvatore ng tabihan niya si Joanna, Sabado ngayon at sabi niya nga ay dito magpalipas ng weekend ang mag-ina sa bahay niya. He even bought her own oven and other baking tools. Sa bahay nito sana niya 'yon dadalhin pero tumanggi ito dahil hindi naman daw niya kailangang gawin. Kaya naman dito na lang niya pinalagay sa bahay niya para kung nandito si Joanna ay puwede pa din ito mag-bake dito dahil kumpleto naman ang gamit na binili niya.
"Talagang hindi, pag nakikita ko nga na magkausap kayo feeling ko mag-aaway kayo na dalawa eh." Aba nakakapanibago naman kasi talaga lalo pa at kailan lang sila nagkaayos. Still masaya pa din talaga dahil bati na sila.
"Silly, were really okay Joanna so don't worry about us." At talagang kinurot pa ni Salvatore ang tungki ng ilong nito. He understand her, alam niyang para dito ay mahirap paniwalaan na okay na talaga sila ni Carlos. But it really happened and they are really good now, Carlos even introduced him to his friends. Hindi lang pala ang congressman ang kaibigan nito kung hindi marami pa.
"Pero masaya ako dahil alam kong matagal mo ng gustong mangyari 'to." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"It is, and this time hindi ko na sisirain ang kung ano mang mero'n kami ni Carlos." Sabi ni Salvatore, Carlos will always be his back at gano'n din siya. Dahil hindi lang sila simpleng magkaibigan kung hindi kapatid na ang turing niya dito.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤