"Para kanino ba 'yang ginagawa mo Kester? Maglaro ka na lang do'n sa labas." Sabi ko sa kanya, hindi naman siya nakikigulo sa ginagawa kong cake pero nakik-iagaw siya ng icing at nilalagyan niya ang tatlong cup cakes na sumobra sa ginawa ko kanina.
"Bibigay ko po 'to kay Tito Salvatore para gumaling na siya lalo." Sabi ng paslit na kung anu-ano lang din ang design na nilalagay sa cupcake niya.
Hindi na ako nagsalita pa ng marinig ko ang sinabi niya, Kester really fond of Salvatore. At talagang ramdam ko na kahit bata pa siya at hindi pa gano'n naiintindihan ang nangyayari sa paligid ay nag-alala din siya ng puntahan namin sa ospital si Salvatore. But at least nakalabas na din siya pagkatapos ng tatlong araw na pananatili doon at mamaya nga pagkatapos kong i-deliver itong cake na pinagawa sa akin ay pupunta kami ulit doon sa bahay niya.
Samantalang si Salvatore naman ay hindi mapakali na nasa bahay lang kahit kalalabas lang niya kahapon ng ospital. Naligo siya at nag-gayak papunta sa hacienda Elizondo, gusto niyang puntahan si Carlos at kausapin ito ng personal. At buti naman nakapasok din siya sa lugar ng kaibigan niya, tinanong pa din naman siya ng mga tauhan nito na nasa bukana ng hacienda kung saan ba siya pupunta basta ang sabi niya sa mga ito ay pupuntahan niya si Carlos.
"Anong ginagawa mo dito?" 'Yon agad ang tanong ni Carlos ng makita niya si Salvatore sa balkonahe ng kanyang bahay. Mag aalas dos lang ng hapon at mamaya pa siya ulit alas tres mag-iikot sa mga nag-aani dito sa hacienda niya. Umuuwi talaga siya pag tanghali dahil sabay sila ng asawa niyang si Misty Faith mag-tanghalian.
"Nagpunta ako dito para pasalamatan ka ng personal sa ginawa mong pag-donate ng dugo sa akin." Ani ni Salvatore na hindi na din tumayo sa pagkakaupo niya. Makirot pa din kasi ang sugat niya sa tiyan at naka-tahi pa din naman 'yon.
Padaskol na hinila ng haciendero ang upuan at naupo, alam niyang nakalabas na si Salvatore sa ospital dahil na din sa kuwento sa kanya ni Joanna. Pero hindi niya alam na pupuntahan siya nito. "Hindi ko 'yon ginawa para sa 'yo De Luca, ginawa ko 'yon dahil kay Joanna." Pagtatama niya.
Salvatore shook his head and smiled a little, he expected his answer. Alam niyang ito ang isasagot ni Carlos dahil masyadong mataas ang pride nito. "Sabi mo eh, pero hindi 'yon ang pagkakaintindi ko kaya mo ginawa 'yon."
Napakunot noo si Carlos. "Wag mong bigyan ng ibang ibig sabihin ang ginawa ko, Joana asked my helped. Hindi din naman ako madamot na tao, at bigyan man kita ng dugo o hindi alam ko naman na hindi ka mamamatay dahil sa pagkakabaril sa 'yo. Masama kang damo kaya sigurado ako na matagal pa ang buhay mo." Sarkatisko na sabi niya.
"Fine, masamang damo na kung masamang damo still hindi pa din ako naniniwala na ginawa mo lang 'yon dahil kay Joanna. I know you Carlos, kilala kita at kilala natin ang isa't-isa." Pagtatama ni Salvatore, sigurado siyang hindi niya mapapa-amin si Carlos sa gusto niyang isagot nito sa kanya. Pero nag-babakasakali pa din siya na marinig ang gusto niyang sagot mula dito. That Carlos was worried because of what happened to him, that whatever happened on their past he still cared about him.
"Kung 'yan lang ang pinunta mo dito pwes umuwi ka na Salvatore at may gagawin pa ako." Balewalang sabi ni Carlos na tumayo na din mula sa sandaling pagkakaupo niya.
"Oh come on Carlos, alam mo ang pinunta ko dito. Na hindi lang tungkol sa pag-tulong mo sa akin kaya ako nandito ngayon." Alam kasi ni Salvatore na lalayasan siya ng kaibigan lalo na sa itsura nito na animo'y naiinip sa kung ano.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤