CHAPTER 13

2.3K 72 5
                                    



"And you're saying that man who driving his car was your old friend? E bakit hindi mo pinababa ng sasakyan para nakilala ko naman." Sabi ni Pablo ng bumalik sa puwesto nila si Carlos. 





"Old friend/enemy kami no'n beside hindi mo kailangang makilala ang gano'ng klaseng tao Pare." May inis sa boses na turan ng haciendero. Bukas na bukas ay talagang kakausapin niya si Joanna, hindi man talaga sinunod nito ang bilin niya na wag makipag-lapit kay Salvatore. At itong Salvatore naman na 'to ay parang nananadya at talagang pumasok pa dito sa hacienda niya. 





"Wow mukhang malalim ang pinag-awayan niyo kung gano'n pala? Bakit parang sa tono mo ay galit na galit ka sa kanya?" Ani ni Pablo, he feels he' really angry with the tone of his voice. At gusto niya siyempre malaman kung bakit. 





Uminom muna ng alak si Carlos at sumandal sa upuan na kinakaupuan niya. Hindi pa bumabalik o dumadaan ang sasakyan ni Salvatore pabalik samantalang malapit na lang naman dito ang mga bahay ng tauhan niya sa hacienda. "He leave me 10 years ago Pablo, were like real brothers. Siya ang tinuring kong kapatid ko at gano'n din siya sa akin. Nagmo-model model siya sa Maynila at dahil do'n nagkaroon din talaga siya ng maraming trabaho. At bilang mas matanda sa kanya sabi ko iinvest niya sa lupa ang naipon niya. And he did, he bought 5 hectares of land here in Colores. Pero lahat ng mga plano namin para sa binili niyang lupa ay hindi natuloy dahil nagpunta siyang Amerika." Kuwento niya sa kaibigan na para bang inaalala ang kung ano mang nangyari noon. 





"Nagpunta sa Amerika kasi nagtrabaho? E ano naman kung nagtrabaho pala doon, malaki ang kitaan doon so 'yon siguro ang dahilan niya." 





"Nandoon na tayo sa malaki ang kitaan kung sa malaki dahil dollar nga ang pinag-uusapan. Pero Pare para ngang magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa diba? So natural sabi ko dumito na lang siya at tutulungan ko siyang palaguin ang lupang binili niya." Kuwento ulit ng haciendero. 





"But he didn't listened, dahil kung nakinig siya sa 'yo ay baka kilala ko siya at kaharap din natin ngayon." Agad na sabi ni Pablo. 





"Exactly at ang pinaka-sinisintir ko ay 'yong pinili niyang trabaho doon dahil hindi ko akalain na magagawa niya ang gano'n."





"Why? Model siya kamo diba? E anong masama doon? Malaki ang kitaan doon Pare." 





TIningnan ni Carlos ang kaharap. "Hindi pagmo-model ang tinanggap na trabaho niya sa Amerika kung hindi isang pornstar na kailangan niyang makipag-sex sa kung kani-kanino kapalit ng pera. At doon ako nagalit dahil hindi siya nakinig sa akin tapos ngayon bumalik siya dito sa Colores na para bang walang nangyari."





"What the fuck, may kaibigan kang pornstar?" Parang hindi makapaniwala na bulalas ni Pablo. 







   Si Salvatore pa talaga ang nagkusa na buhatin ang anak ni Joanna papasok sa bahay ng mga ito, and who taught he will saw a row house inside of Carlo's hacienda? Ito pala ang naririnig niya na pinatayong bahay ng kaibigan niya para sa mga nagtatrabaho nga daw dito ng matagal. Hindi 'yon malaki at lalong hindi din naman maliit, kumbaga sakto lang sa ay maliit na pamilya. Pero sa bahay ni Joanna ay nakita niya kung gaano ito kalinis sa loob ng bahay at ka-organize sa mga gamit.





"Salamat Salvatore." Sabi ko ng ihatid ko siya ulit sa sasakyan niya, wala talaga, tulog na tulog ang anak ko kahit dumating na kami dito sa bahay. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya ba ito ni Kester o ano eh, pero 6 years old lang naman siya at siguro naman ay hindi niya sasadyain na mag-tulog-tulugan dahil hindi naman siya gano'ng klase na bata.





"Walang ano man." Nakangiti pang sabi ng binata, pareho lang naman ng lugar kung nasaan ang hacienda ng kaibigan niya at ng casa niya pero pakiramdam niya ay maski ihip ng hangin dito ay iba din. Or maybe because he feels nostalgic being here after so long?





"Sigurado akong nandoon pa si Kuya Carlos, gusto mo bang samahan pa kita? O hindi na?" Tanong ko. "Puwede namang kunin ko na din ngayon'yong electric bike ko sa bahay mo." Dagdag ko pa, baka kasi pahintuin na naman siya ni Kuya Carlos at magtalo sila dahil siguradong nandoon pa 'yon. Buong akala ko pa naman ay nasa loob na siya ng bahay ng ganitong oras pero mukhang gabi din dumating ang bisita niya. 





"Bukas mo na lang 'yon kunin sa bahay, hindi naman 'yon mawawala doon beside baka magising din kasi si Kester tapos hindi ka niya makita." 





"Sige na nga bukas na lang, pero sigurado ka bang okay ka lang? O gusto mo samahan pa kita hanggang palabas ng hacienda?" Hindi ko kasi talaga maiwasang huwag mag-alala lalo pa at doon ang daan niya sa bahay ni Kuya Carlos mismo.





Hindi naman naiwasang huwag hawakan ni Salvatore ang pisngi ni Joanna, napaka-simple nito at alam niya din na ito 'yong klase ng babae na maaalalahanin. At mero'n sa parte niya na gusto niyang kilalanin pa ito lalo. "Alam kong si Carlos ang iniisip mo pero huwag kang mag-alala dahil kahit pahintuin niya pa ako mamaya ay ako ng bahala doon. Isa pa ako nga ang dapat mag-alala sa 'yo dahil sure ako na kakausapin ka niya bukas." Hindi lang talaga siguro ni Carlos nakuhang magalit agad kanina lalo pa at nakita naman nito na tulog na tulog nga si Kester sa likod ng sasakyan niya. Pero alam niya na kakausapin nito si Joanna bukas. 





Nailang ako ng hawakan niya ang pisngi ko, ang laki ng kamay niya pero ramdam ko ang init no'n. "W-Wala naman tayong ginagawang masama Salvatore kaya 'yon ang sasabihin ko sa kanya kapag kinausap ako ni Kuya Carlos." 





"Pero narinig mo din naman na hindi 'yon basta maniniwala kahit 'yon pa ang sabihin mo sa kanya. Iba na ang tingin niya sa akin at hindi na kagaya dati kaya naman ako na ang humihingi ng pasensiya kung sakaling pagalitan ka niya." 





Tumango ako, kapag nagkataon itatanong ko na din talaga kay Kuya Carlos kung bakit galit siya kay Salvatore. Para kasing hindi sila dating magkaibigan kanina at para din napakalaki ng kasalanan ni Salvatore sa kanya. "O siya sige na nga at umuwi ka na, baka mamaya magtaka pa 'yon kung bakit ang tagal mo dito. Happy birthday ulit." Paalam ko.





"Welcome." But Joanna didn't thought his next move. Salvatore leaned to her and gave her a smack kissed on her lips!

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon