Hi! The book and complete version of My daks chef is now available on Patreon and vip group, including the special chapters. You can dm me on my fb page how to join!
Hindi na ako nagulat ng sabihin sa akin ni Salvatore ang trabaho niya,pero ngayon ko lang nalaman na 'yon pala ang pinag-awayan nilang dalawa ni Kuya Carlos. Kaya kung gano'n ay magkaibigan nga talaga sila siguro noon, na maganda ang pagsasama nilang dalawa dati bilang magkaibigan pero heto nga at hindi na sila nag-uusap na dalawa simula ng umalis siya.
"Were like brothers, siya 'yong masasabi kong kapatid na wala ako. Pero dahil sa mga desisyon ko sa buhay ay nawala si Carlos at siguro nga hindi na mababalik pa ang kung ano mang pinagsamahan namin dati." Kuwento ni Salvatore kay Joanna, kung minsan nga ay iniisip niyang sadyain ito sa hacienda nito pero nandito sa isip niya na baka hindi naman siya kibuin o kaya naman ay hindi patuluyin doon. Si Carlos lang ang masasabi niyang pamilya niya dahil matagal na siyang walang pamilya kaya ng hindi na sila mag-usap ay talagang nasaktan din siya.
"Pero baka hindi lang tungkol diyan kaya galit sa 'yo si Kuya Carlos? Sa pagkakakilala ko sa kanya ay mabait naman siya. Oo siguro salbahe siya sa mga taong alam niyang salbahe din pero gaya ng sabi mo ay magkaibigan pala kayo dati kaya baka may iba pang dahilan kung bakit siya galit sa 'yo." Sabi kasi ni Salvatore 10 years siyang nawala dito sa Pilipinas at sa 10 years na 'yon ay hindi naman din siya umuwi. Pero paano ka nga kasi uuwi kung busy ka nga sa ibang bansa sa pagtatrabaho. Isa pa tingin ko misunderstanding lang ang mero'n sa kanila ni kuya Carlos at hindi talaga 'yong away na totoo.
"Ma-prinsipyong tao si Carlos Joanna, at gaya ng kinukuwento ko sa 'yo kanina ay ayaw niya ang pinasok kong trabaho. Ilang beses niya akong pinag-sabihan na huwag na akong pumuntang America pero tinuloy ko pa din dahil malaki nga ang offer sa akin noon. At 'yon ang alam ko na kinakagalit niya sa akin."
"Wag kang mawalan ng pag-asa Salvatore, hindi pa naman huli ang lahat. Saka at least alam ni Kuya Carlos na handa mo siyang kausapin. Kaya sigurado ako darating ang isang araw na magkakaayos din kayong dalawa." Pagpapagaan ko ng loob niya, akala ko pa naman ay si Congressman Wilde ang bestfriend ni Kuya Carlos pero hindi pala at ito pa lang si Salvatore. Si Congressman Wilde kasi ang madalas kong nakikita na kasama at nagpupunta sa hacienda. Pero may iba pa namang kaibigan din si Kuya Carlos maliban kay Congressman na nakikita ko din naman.
Tumayo ang binata mula sa inupuan niyang bato sa ilalim ng puno ng mangga. "Ikaw hindi ka ba nandidiri sa akin na kausapin ako ngayong alam mo na ang trabaho ko dati?" Tanong niya kay Joanna. He really used the word nandidiri because that's what his work means. Nakakadiri naman talaga dahil kung kani-kanino siyang babae nakipag-sex. Pero isa lang ang sigurado kahit pornstar siya ay malinis siya at wala siyang ano mang sakit na nakuha dahil doon. Lahat kasi ng mga katulad niyang pornstar ay sumasailalim muna sa isang test bago kayo gumawa ng sex video, para na din sa proteksyon ng mga katulad niya.
I shook my head, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi niyang pornstar pero hindi pa ako nakanood no'n kahit kailan dahil alam kong masama ang gano'n at hindi dapat panoorin ng isang katulad ko. "Wala akong karapatang mang-husga, hindi pa naman tayo magkakilala ng gawin mo 'yan. Saka wala ako sa posisyon na magsabi ng ano mang komento."
And that's the safest answered he guess that he received and heard. Sana lang lahat ng makahalubilo niya ay ganito katulad ni Joanna. 'Yong hindi agad nang-huhusga at hindi tinitingnan ang mga ginawa niya noon. Karamihan kasi ng mga kaibigan niya noon sa industriya ng pagmo-model na nasa Manila ay ayaw na siyang kausapin. Dahil feeling ng mga ito ay masama siyang tao. "Maybe I just did it because of money, 'yon lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ako napapayag sa gano'ng trabaho. Hindi din naman ako katulad ni Carlos na madiskarte sa buhay at kayang magtagal dito sa Colores. I want to explore and enjoy life and I guess I did it already. I learned a lot for the passed 10 years."
Ngumiti ako, lahat naman siguro ng tao ay 'yong sinabi niya ang gusto. Dahil gano'n din naman ako, I want to explore life. Pero sa ngayon ay hindi ko pa magagawa ang lahat ng gusto ko dahil may Kester ako na kailangan kong unahin. "Pero matanong lang, bakit bumalik ka na dito sa Colores? For good na ba 'to Salvatore o babalik ka pa ng America?" Baka mamaya kasi ay hindi naman pala siya magtatagal dito at pinaayos niya lang ang bahay niya at para makita na din kung nandito pa din itong lupa na pagmamay-ari niya.
"For good Joanna, I'm staying here for good and I don't have any plan anymore to go back in America." Ani ni Salvatore, kaya nga lahat ng naipundar niya sa America katulad ng bahay, motor at mga sasakyan ay pinag-bebenta niya na bago siya umuwi ng Pilipinas. Dahil wala na siyang balak bumalik doon, he already retired as a pornstar. At kung bumalik man siya doon ay para na lang siguro magbakasyon at hindi magtrabaho katulad ng sa linya na pinasukan niya.
Kahit kasi sabihin na sampung taon naman na ang lumipas simula ng umalis siya ng Pilipinas ay hindi pa din gano'n katanggap ang dati niyang trabaho dito. Oo siguro may mga gumagawa na dito sa atin ng mga sexy film pero iba naman kasi kapag sinabi na pornstar ka. Mas may kuwento ang sexy film samantalang ang video na ginagawa niya ay kaunti lang talaga ang kuwento at sa title lang ng video lumalamang pero sa pakikipag-sex lang talaga naka-focus 'yon kung tutuusin. "Didito na ako at balak kong mag-negosyo para naman kumikita pa din ako." Hindi naman porket siya lang naman mag-isa sa buhay ay hindi siya kikilos o magtatrabaho. He still want to work and he's still capable to work of course.
"E di maganda kung totoo man 'yang sinasabi mo. Ako nga masaya na ko na nakakaraos kaming mag-ina, okay na sa akin na nabibigay ko ang pangangailangan ng anak ko. At masaya na ako kung napapasyal ko si Kester. Dapat kasi sa buhay marunong kang makuntento, dahil hindi naman talaga lahat nasosolusyanan ng pera."
"But people need money Joanna, hindi mo ba magagawa ang gusto mo kung wala ka no'n."
"Oo nga pero sa akin hindi ko naman kailangang maging milyonaryo o mayaman na mayaman. Masaya na ako kung ano lang ang kaya ko at masaya na ako sa ganito." Paliwanag ko pa.
And she's easy like this, napaka-simple lang niya at hindi siya katulad ng mga babaeng nakilala ko na puro pagwawaldas ng pera ang gustong mangyari. At tama nga siguro si Carlos sa sinabi nito no'ng nakaraan sa kanya, na hindi ako magiging magandang ehemplo kay Joanna. "Sige na nga at aalis na ako para matapos ka na din sa ginagawa mo." Paalam ng binata, baka kasi kapag tumagal pa siya ay kung anu-ano lang din ang pag-usapan nila at hindi na ito matapos sa paglalaba sa ilog.
#Maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤