Last update for this week, happy weekend!
Naging nakakailang tuloy ang hapunan na nangyari. At ngayon ay nagkaroon pa ako ng isipin kung paano ko ipapaliwanag kay Kester kung bakit nandito si Salvatore sa bahay at kung bakit may bitbit itong bulaklak at regalo.
"I will not rush you Kester, nandito lang ako kasi gusto ko kayong bisitahin ng Mommy mo." Nakangiting sabi ni Salvatore sa bata na katabi niya ngayon sa sofa. Maliit lang talaga ang bahay ni Joanna pero 'yon nga malinis at nakaayos talaga ang mga gamit. May nakita siyang maliit na second floor kung saan doon pala natutulog ang mag-ina. Pinasadya pala talaga na mataas ang kisame ng mga bahay dito ng sa gano'n ay magkaroon ng loof type room design. At parang proud siya kay Carlos dahil libre niya pala itong binigay sa mga matatagal ng nagtatrabaho dito sa hacienda.
Tiningan naman ng maigi ni Kester ang katabi niyang si Salvatore, na para bang inaalam kung totoo ba ang sinasabi nito sa kanya. "Hindi niyo po ba sasaktan ang nanay ko? Hindi niyo po ba siya papaiyakin gaya ng ginagawa ng sa mga palabas?"
"Kester.." Napahawak na lang ako sa noo ko ng marinig ko ang tanong ng anak ko. Parang naging instant imbestigador yata siya dahil sa mga tanong niya. Pero kasi ito lang ang unang beses na nagkaroon kami ng bisita tapos may bitbit pang bulaklak at regalo. At kahit sabihing bata pa itong anak ko ay naiintindihan niya na din ang nangyayari.
"Hayaan mo lang siya Joanna, sige na gawin mo muna diyan ang ginagawa mo dahil usapang lalaki 'to, diba Kester." Ani ni Salvatore na ginulo pa ang buhok ng bata na katabi niya lang.
"Pero ano nga po? Hindi niyo po ba gagawin 'yon sa nanay ko?"Muling tanong ng paslit kay Salvatore.
Salvatore shook his head. "I will not do that okay? Hindi ko gagawin 'yang iniisip mo. Hindi ko papaiyakin ang Mommy mo at lalong hindi ko siya sasaktan gaya ng napapanood mo." Paliwanag niya sa bata, alam niyang nanghihingi ito ng paliwanag at gustong malaman sa mura nitong edad kung gagawin niya ba ang iniisip nito. Pero hindi, hindi 'yon mangyayari dahil maganda ang motibo niya para kay Joanna, sa kanilang mag-ina.
Doon naman ngumiti si Kester at hinawakan ang kamay ni Salvatore na para bang natuwa siya sa sinagot nito sa kanya. "Promise po 'yan? Hindi po talaga ha?"
Hinawakan ni Salvatore ang maliit na kamay ng bata at pinisil pa 'yon ng mahina. "Hinding-hindi so puwede ko na bang ligawan ang Mommy mo ha?" Tanong niya naman dito.
Tumango ang bata bilang sagot. "Sige po, tapos Tito Salvatore na po ang tawag ko sa inyo ha?"
Salvatore smiled widely, ito ang hinihintay niya ang matanggap siya ni Kester at mukhang wala namang problema sa pagitan nilang dalawa. "Yes, you can call me Tito if that's what you want."
Samantalang nakatingin lang si Joanna sa dalawa, hindi niya maisip na magiging madali lang pala paliwanagan ang anak niya. O dahil matalinong bata si Kester kaya ganito? Isa pa mukhang gusto din kasi ng anak niya si Salvatore kaya walang naging problema.
"Bakit ka nagpunta dito ng ganitong oras? Puwede namang ako ang magpunta sa 'yo ha. Nakita ka ba ni Kuya Carlos?" Sabi ko ng tabihan ko siya sa sofa, pinaakyat ko na kasi si Kester sa kuwarto namin pagkatapos niyang makapag-linis ng katawan at doon ko na lang pinadala ang ibinigay na laruan sa kanya ni Salvatorepara doon siya maglaro kaya kaming dalawa na lang ang nandito sa sala.
"Yes, nakita ako ni Carlos. Nakasakay pa siya kanina sa kabayo ng makita niya ako at pahintuin at nag-usap kaming dalawa."
Napaharap tuloy ako ng upo sa kanya. Mukhang malalagot na naman ako kay Kuya Carlos nito ah. "E anong sabi niya? Nagtanong siya kung bakit nandito ka sa hacienda? Hindi ba nagalit?" Sunod-sunod kong tanong.
Pasimpleng hinawakan ng binata ang kamay ni Joanna at pinag-salikop na din niya ang kanilang mga kamay kalaunan ng hindi ito umalma sa ginawa niya. "Hindi siya nagalit, basta ang sabi ko ikaw ang pupuntahan ko dito kaya nandito ako sa hacienda niya."
Napataas tuloy ang kilay ko. Hindi nagalit si Kuya Carlos? Aba himala 'yon kung gano'n. "Hindi nga? Hindi siya nagalit sa 'yo?" Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Hindi, basta inulit niya lang 'yong sinabi niya sa akin no'ng nakaraan saka 'yong sinabi kanina ng anak mo sa akin."
Tumango-tango ako, gets ko na kung ano ang sinabi ni Kuya Carlos sa kanya. Tiningnan ko 'yong kamay naming dalawa na magka-salikop ngayon. Ang laki ng kamay niya parang 'yong...
"What? Kester is upstairs and I just want to hold your hand." Ani ni Salvatore na muling hinawakan ang kamay ni Joanna matapos nitong hilahin 'yon.
Napatingin naman ako sa taas, gawa lang sa kahoy ang harang no'n para hindi kami malaglag pag natutulog kami. Hindi na din ako umalma ng hawakan niya ulit ang kamay ko at sana hindi niya maramdaman na kinakabahan ako. "Hindi ko lang inaasahan na pupuntahan mo ako dito Salvatore."
"And why not? Wala naman akong masamang gagawin sa 'yo. Isa pa wala pala akong contact number mo kaya paano kita matatawagan."
Oo nga no, paano nga pala niya ako makokontak kung wala niya akong number? Kaya kinuha ko ang cellphone ko at hinahanap doon ang cellphone number ko para ibigay sa kanya.
Agad naman si-nave ni Salvatore ang numero ni Joanna sa kanyang telepono. Wala pang alas otso kaya maya-maya na din siguro siya uuwi. "Can I invite you tomorrow at my house? After mong sunduin si Kester sa school ay sa bahay ko na kayo dumiretso." Pag-aaya niya dito.
"H-Ha? Bakit naman? Anong mero'n?" Nakakunot noo ko pang tanong.
"Do'n na kayo sa bahay mag-lunch na dalawa, maghahanda ako ng tanghalian natin." Sabi pa ng binata, siyempre siya lang ang mag-isa sa bahay niya at natural kahit pa sabihing may mga tauhan na siya doon ay hindi pa din niya maiwasang mainip.
"S-Sige pupunta kami bukas." Ngayon pa ba ako tatanggi? e mukhang hindi na puwede 'yon.
"Good, anyway are you okay? Wala bang masakit sa 'yo pagkatapos ng mang--"
"Salvatore!" Buti na lang at alerto ako at natakpan ko agad ang bibig niya. Napatingin pa nga ako ulit sa itaas dahil baka mamaya ay nakasilip doon ang anak ko o kaya naman nakikinig na pala sa aming dalawa. "Wag ka ngang maingay saka alam ko ang sasabihin mo no." Masungit kong sabi.
Inalis naman ng binata ang kamay ni Joanna na nakatakip sa bibig niya. He leaned to her, pero bago 'yon ay maski siya ay napatingin din sa itaas dahil baka nakatingin sa kanila si Kester. "Why? I just want to know, hindi ba sumakit ang katawan mo pagkatapos ng ginawa natin sa ilog?"
Iniwas ko nga ang tingin ko sa kanya, paano 'yong ngiti niya habang nakikipag-usap sa akin ay pilyong ngiti. 'Yong bang hindi mo malaman kung nagtatanong ba talaga o nang-aasar. "H-Hindi sumakit 'yong katawan ko okay, saka huwag na nga nating pag-usapan ang tungkol diyan. Naiilang ako." Pag-amin ko sa kanya, naalala ko lang tuloy 'yong nangyari nga sa aming dalawa sa ilog kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya.
Hinuli ulit ni Salvatore ang kamay ni Joanna at hinawakan 'yon. But this time he brought it to his lips and kissed it. "Kung gano'n puwede pala akong makitulog dito sa bahay mo? Kahit dito na lang ako sa sala dahil puwede naman akong matulog sa sahig." Ginalaw-galaw niya pa ang kilay habang nakatingin dito ng maigi. Gusto niya kasing makita kung ano ba ang magiging reaksyon nito, kung papayag ba ito o hindi.
"Tse tumigil ka nga. Ikaw nagiging pilyo ka na." Sabi ko at tumayo na, baka kasi mamaya bigla na lang niya akong halikan o kung ano pa man eh, makita pa kami ni Kester.
![](https://img.wattpad.com/cover/376816932-288-k689346.jpg)
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤