CHAPTER 03

8.9K 118 6
                                    






Maaga ako nagising ngayong araw dahil ide-deliver ko ang mga cake na ginawa ko kagabi, kahit araw ng Sabado ay talaga nga namang busy pa din ako. Pero mas mabuti na nga ang ganito kaysa naman wala akong nakukuhang order ng cake dahil kapag gano'n ay wala din akong pang-gastos at baka mangutang na naman ako. Binilin ko muna sa kapitbahay namin ang anak kong si Kester. Kagaya ko ay maaga din talaga magising ang batang 'to, at excited 'yan kapag ganitong weekend dahil makakapaglaro siya kasama ang ibang bata dito sa hacienda. Kapag kasi araw ng may pasok ay hindi ko siya pinapalaro lalo pa at may pasok nga kinabukasan. Dagdag pa na hand on ako sa kanya sa pagtuturo sa pagbabasa. Sigurado naman ako na kahit umalis ako sandali ay hindi naman mapapano ang anak ko dahil nandito lang din siya sa loob ng hacienda. 





"Good morning Kuya Carlos.." Bati ko ng makita ko siya sakay ng kabayo nila na si Snow white, regalo niya ito sa asawa niyang si Misty Faith at ito nga ang gamit niya ngayon sa paglibot dito sa hacienda. Halos karamihan naman ng nakatira dito ay morning person, 'yong bang maaga talaga magising at kung minsan madaling araw pa lang ay gising na.



"Ang aga mo ngayon ah, saan ka pupunta Joanna?" Nakangiti na bati ng haciendero. 



"Diyan lang Kuya, magde-deliver lang ako ng cake." At saka nilingon ko sa basket nitong electric bike ko ang naka-box na cake. Kailangan kasi ay may service ka kahit papaano dahil malayo ang bahay namin mula sa labasan ng hacienda Elizondo. Kaya naman talagang pinag-ipunan ko itong electric bike ko mula sa pagtitinda ko ng mga cookies at iba pang pastries para kahit papaano ay may service ako sa paghatid-hatid ko ng mga paninda ko at pati na din sa paghatid at pagsundo ko kay Kester sa school. 





Tumango-tango naman si Carlos, talagang napaka-sipag din nitong si Joana at talagang araw-araw ay nakikita niya ito na kung hindi nagtitinda ng mga ginagawa nitong pastries ay nagde-deliver naman ito ng mga order nitong cake. At para ngang mas okay pa ngayon na ito ang hanapbuhay nito kaysa noon na nagtitinda ng mga isda sa palengke. At least sa bahay lang ito nagtatrabaho habang nababantayan ang anak at hindi na umaalis pa papunta sa palengke. "Sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho ng maliit mong sasakyan." Pabiro niya pang sabi, paano sinubukan niyang sakyan ang electric bike nito na tatlo ang gulong pero hindi siya nagkasya. At talagang para nga lang ito siguro sa mga kinulang sa height. 





"Kuya!" Tawag ko sa kanya, alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin at 'yon ay maliit ang sasakyan ko. Pero totoo naman, maliit lang talaga at hindi kasya dito si Kuya Carlos.





"Just kidding, sige na at maglilibot pa din ako sa hacienda." Ani ni Carlos na hinila na ang tali ng kabayo na si Snow white at pinatakbo na ito. 





Hayyy, si Kuya Carlos talaga. Nagpatuloy ako sa pagda-drive ng electric bike ko, at pagdaan ko sa bahay nila Kuya Carlos ay nakita ko pa doon si Misty na asawa niya. Binati ko siya at hinintuan nga sandali. Kung minsan hindi ko maisip na mag-aasawa pa si Kuya Carlos, sabi niya kasi wala naman kaso sa kanya kung mag-aasawa ba siya o hindi dahil alam niyang marami namang mag-aalaga sa kanya kung sakaling tumanda siyang binata. At totoo 'yon, sinasabi lang ng ibang tao na masungit si Kuya Carlos kung hindi nila kilala, pero para sa kagaya ko na kilala siya noon pa man ay alam kong may mabuti siyang loob at talagang mabait siya. Kaya nga nagpapasalamat din ako at may babae na siyang makakasama sa buhay niya, plus magkakaanak na silang dalawa ni Misty. 





Halos sampung minuto lang ang biniyahe ni Joanna papunta sa kabila ng hacienda. Isa sa trabahador dito ang may birthday ngayon at ang anak nito na nasa Maynila ang nagpagawa nitong cake. Kaya tiyak na masosorpresa din ito pag binigay niya na ang cake. Ito ang lupa na katabing-katabi ng hacienda Elizondo at ito din 'yong lupa na ang pagkakaalam niya ay kaibigan ng Kuya Carlos niya ang may-ari. Pero sa pagkakatanda niya sa kuwento ay nasa Amerika daw 'yon at doon nagtatrabaho. Isa daw 'yon artista, pero hindi simpleng artista na makikita natin sa tv kung hindi isang porn star!





Gaya ng inaasahan ko ay tuwang-tuwa ang pinag-bigyan ko ng cake na siya ngang may birthday. Umaga talaga ito ni-request ng nag-order na dalhin sa tatay niya. Alas nwebe pa lang kasi ngayon ng umaga at mag-uumpisa pa lang ang may birthday na mag-trabaho. O diba ang sipag dahil kahit may birthday ay talagang magtatrabaho pa din kaya parang ako din siya. 



"Maraming salamat dito iha, naku mamaya na namin ito pagsasaluhan ng mga kasamahan ko dito pag-tanghalian." Sabi ng singkwenta anyos na lalaki, isa siyang construction worker at dito nga sila gumagawa ngayon ng bahay. Patapos naman na ito dahil tiles na lang ang ginagawa nila kaya sa susunod na Linggo ay puwede na talaga itong tirhan.




"Naku sa anak niyo po kayo magpasalamat dahil siya po ang nag-order niyan para sa inyo." Sabi ko, medyo nahirapan nga din ako sa design ng cake niya dahil first time kong mag-design ng martilyo. Pero buti naman at nagawa ko at successful naman kahit inabot ako ng siyam-siyam dahil tuwang-tuwa naman siya ng makita ang cake kanina pagbigay ko. 





"Oo nga tatawagan ko mamaya ang anak ko, wala kasi akong load kaya mamaya ko na lang siya kakausapin." Sabi pa ng lalaki na bakas sa mukha ang kasiyahan. 





Na sa gano'n silang pag-uusap ng makarinig sila na may nag-ehem sa likuran nila. At ang unang tumingin ay si Joanna kung saan nagulat pa siya dahil nakilala niya ang lalaki na nakatayo doon. Walang iba 'yon kung hindi 'yong lalaki kahapon sa munisipyo, ang lalaki na sinabi ng anak niya na nabangga nga daw nito!



"Ikaw?" Magkasabay na sabi ni Salvatore at Joanna sa isa't-isa.

Hi! Re-print of Married to a tycoon with new cover is open for pre-order! Dm me on my fb page for inquiries!

Hi! Re-print of Married to a tycoon with new cover is open for pre-order! Dm me on my fb page for inquiries!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon