CHAPTER 14

2.7K 82 8
                                    


Sino 'tong isang writer na naging dahilan kung bakit nagka-letse letse yong isang publishing house? Imbes na siya yung gumawa ng libro ibinato niya sa main publishing house para yon ang gumawa. Ang ending tumambak ang books na gagawin kaya nagalit yung mga writers sa mismong pub house dahil tumagal nga ang printing. Wala ng clue, basta kilala niyo to.

Anyway last update for this week, happy weekend! On going pa din yung pre order ng M.A series, open for installment!








Wala na si Carlos pagdaan ni Salvatore sa bahay nito pero rinig niya ang taong nag-uusap pagdaan niya doon dahil hindi naman niya hilig ang magsara ng bintana ng kanyang sasakyan lalo pa at nasa probinsiya siya at fresh ang hangin dito. Pero siya na ang huminto, tutal nandito na din lang siya sa teritoryo ng kaibigan ay ano pa at kausapin niya ito at harapin ngayon. 





"Anong kailangan mo? Umuwi ka na." Matigas na turan ni Carlos ng lapitan niya si Salvatore, malayo pa lang ay rinig niya na ang sasakyan nito pero akala niya ay didiretso na ito ng uwi. 'Yon pala ay hindi dahil huminto pa talaga ito sa tapat ng bahay niya. Nandito pa din kasi si Pablo at kasama pa nga din niya.





"Let's talk, tutal nandito na din naman ako ay mas mabuti pa na mag-usap na din tayo." 'Yon naman ang sabi ni Salvatore ng makaharap ang kaibigan. But this time ay bumaba na siya ng sasakyan niya para harapin nga ito. 





Pagak na natawa ang haciendero. "Mabuti pang mag-usap? Wala tayong dapat pag-usapan pa Salvatore dahil unang-una hindi naman na kita kaibigan pa. Isa ka na lang estranghero para sa akin simula ng umalis ka dito sa Colores." May galit ang bawat salita na binitiwan nito dahil hindi pa din niya nakakalimutan ang nangyari sa kanya at sa taong tinuring niyang parang isang kapatid. 





"Alam mong dapat tayong mag-usap, isa pa hindi na tayo mga bata na kailangan pang magtalo para sa isang bagay kung kayang-kaya din lang naman pag-usapan. Bumalik na ako dito sa Colores at dito na ako titira dahil wala na akong balak pang bumalik sa Amerika." Matatag ang pagkakasabi no'n ni Salvatore, sa itsura ni Carlos ay parang hindi man lang ito umedad. Mas matanda sa kanya ito ng dalawang taon at ito talaga ang masasabi niyang pinaka-kuya niya. Mas lumaki at gumanda ang pangangatawan nito at alam na alam niyang dahil 'yon sa pagiging batak sa trabaho dito sa hacienda. Kahit pa sabihin kasi na ito naman ang may-ari ay hindi naman ito umaastang gano'n, tumutulong pa din ito dito lalo na kung panahon ng anihan. 





"Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano ba ang mga plano mo, wala na akong pakialam. Ginusto mo na umalis  at ginusto mo din gawin ang mga akala mong tama para sa 'yo. You didn't listened to me Salvatore, pinaliwanag ko sa 'yo na huwag mong tanggapin ang offer na 'yon dahil pagkatao mo ang kapalit. Pero 'yon nga, dahil sa kagustuhan mong kumita agad ng malaki ay binenta mo ang sarili mong pagkatao at katawan mo ang ginamit mo doon." Hindi na napigilan pang wag sabihin 'yon ni Carlos. Dahil totoo naman, ang pagtatrabaho ng gano'n ay para mo na din binenta ang kaluluwa mo sa mga halang ang bituka. Oo siguro kikita ka dahil marami talaga ang nanonood ng malalaswang palabas pero pagkatao mo naman ang kapalit. People will not look at you like the same, at ang respeto ay tiyak na mawawala kung gano'ng klase ang papasukin mong uri ng trabaho. 





Mas naintindihan naman ng binata na ang pag-alis talaga niya ang sinisintir ng kaibigan niya, na 'yon ang puno't-dulo ng galit nito. Pero kasi 'yon lang ang alam niyang paraan noon na kumita ng mabilisan. Sabi ng hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na kumita ng malaki at hidni din lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapag-ibang bansa kaya talagang tinanggap niya ang alok sa kanyang trabaho. At nangyari naman ang gusto at nasa isip niya, every video he made earned thousands of dollars. Lalo na 'yong mga unang video niya na ilang daang milyon na ang views. At oo din malaki talaga ang kinita niya sa porn industry na alam niyang hindi niya kikitain kung sa pag-momodelo lang siya aasa. "Kung iniisip mo na 'yon ang naging trabaho ko sa loob ng sampung taon na nasa Amerika ako ay nagkakamali ka Carlos. I only worked 3 years in porn industry and after stopping from that work ay kung saan-saan na ako nagtrabaho habang nandoon ako."





Natawa lang si Carlos sa sinabing 'yon ng kaharap. Akala yata nito ay maniniwala siya basta sa sinasabi nito sa kanya. "Hindi ako pitong taong bata na mabobola mo Salvatore, ngayon siguro hindi mo pa iinda ang mga payo ko sa 'yo noon. Pero darating ang araw na kapag nagkaroon ka ng sariling pamilya ay mauungkat at mauungkat ang kung ano mang naging trabaho mo dati." 





"Pero wala akong balak mag-asawa Carlos, hindi ako bumalik dito para mag-asawa dahil ayoko no'n." Mabilis pa sa alas kuwatro na sabi ni Salvatore. Wala sa isip niya ang pag-aasawa kahit pa sabihing 38 years old na siya ngayon at sa mga ganitong edad ay dapat lumagay na siya sa tahimik gaya ng iba. Sapat na sa kanya na may ipon siya at pagkakaabalahan ngayong nandito na siya ulit sa Colores. 





Carlos smirked to him. "So anong ginagawa mo at nakikipag-lapit ka kay Joanna? Wala akong pakialam kung ano pa bang plano mo sa buhay mo pero huwag ka ng makipag-lapit pa sa kanya." 





"At bakit naman nasama si Joanna dito? Ang gusto kong pag-usapan natin ay 'yong tungkol sa galit mo sa akin. I admit it, I didn't listened to you, and there's a time when I was in America that I regret going their. Pero nandoon na ako at ayoko namang sayangin ang pinunta ko doon." 





"Wala akong pakialam kung ano ang nangyari sa 'yo sa Amerika o kung saang lupalop ka pa ng mundo nagpunta. What matters to me now is you should stop seeing Joanna, dahil gaya ng paulit-ulit kong sinasabi ay hindi ka magiging magandang ehemplo para sa kanya. Para ko na 'yang nakakabatang kapatid dahil ng mamatay ang mga magulang niya ay sa akin 'yan binilin at natural lang na ilayo ko siya sa mga katulad mo." 





"Pero wala naman kaming ginagawang masama, hindi na din naman siya menor de edad para pagbawalan pa. At wala akong nakikitang mali kung makipag-lapit ako sa kanya, she's don't have a husband and she's not married either so.." Ani ni Salvatore, oo nauunawaan niya na ang punto ni Carlos pero gusto niya din ipaunawa dito na hindi naman siya masamang tao. Na wala siyang hindi magandang gagawin kay Joanna o maski pa sa anak nito. 



Inilang hakbang ni Carlos ang binata at ng nasa tapat na siya nito ay doon lang siya ulit nagsalita. "Kilala kita at base sa pagkakakilala ko sa 'yo ay babaero ka at alam mo 'yan Salvatore sa sarili mo. Wala akong pakialam kung dumito ka na ulit sa Colores pero kung maaari makikiusap ako sa 'yo na tantanan mo na ang mag-ina."





"And why should I do that? Kahit kausapin mo pa si Joanna bukas ay alam kong ganito din ang sasabihin niya sa 'yo at baka tanungin ka pa niya kung bakit mo siya pinapalayo sa akin." 





"Dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling saktan mo ang isang tulad niya, iba si Joanna sa mga nakilala mong babae Salvatore. Yes she's a single mother and I'm very proud that she can stand for herself and for her son now. Joanna was a raped victim, anak niya si Kester sa lalaking gumahasa sa kanya."

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon