CHAPTER 04

3.4K 64 3
                                    



Hi! Iindi po ako nakapag-update kahapon kasi sumemplang ako sa motor🤦‍♀️ first time at promise yon na din ang last. Wala naman akong gasgas pero naitukod ko kasi yung kanan kong kamay kaya sobrang sakit. Hindi ko mataas saka madiretso pero keri naman hehe. Yon lang, last update for this week happy weekend!








"What are you doing here in my property?" Salvatore asked the woman in front of him, he remembered her and she's the woman he saw yesterday on the municipal office. At kung hindi din siya nagkakamali ay ito din ang babae na nanay ng bata na nakabunggo sa kanya kahapon. 





Parang hindi naman narinig ni Joanna ang tinanong sa kanya ng lalaki na nasa harapan, paano ba naman ang tingin niya ay nasa hubad nitong itaas. Wala man lang suot na ano mang damit ang lalaki kaya kitang-kita niya ang pawis nitong katawan. Pati na ang braso nito na ma-muscle at puno ng tattoo ay kita niya din. Sanay naman siya makakita ng mga hubad baro lalo na sa loob ng hacienda pero bakit ngayon ay para ba siyang naestatwa?





"Nag-deliver lang po siya Sir ng cake dahil birthday ko." Ang lalaking dineliveran na ni Joanna ang sumagot. Kakamot-kamot pa nga ito sa ulo na para bang nahihiya. 





"O-Oo,  tama siya nag-deliver lang ako ng cake." Sabi ko din matapos iiwas ang tingin sa lalaki, Siya 'yong nakita namin kahapon sa munisipyo at natanong ko nga ang anak kong si Kester pag-uwi namin tungkol sa kanya at kinuwento nga ng anak ko na nabunggo niya nga daw ang lalaking ito habang naglalaro siya kahapon. At sa itsura ng anak ko alam kong natakot 'yon lalo pa at malaking tao pala itong lalaki na 'to. 





Salvatore shook his head, kinuha niya ang towel na nakasampay sa balikat niya at nagpunas ng pawis. Katatapos niya lang mag-jogging dito kaya pawis na pawis talaga siya. Nakita niya kasi ang nakaparadang electric bike na hindi naman pamilyar sa kanya kaya naisip niya na may ibang tao mula sa labas ang nandito ngayon. "I'm Salvatore at ako ang may-ari ng lupang 'to." Pagpapakilala niya sa babae at inilahad pa talaga ang kaliwang kamay niya. 





S-Siya ang may-ari nito? So meaning siya ang lalaki na sinasabi ni Kuya Carlos? At siya din ang lalaki na pinag-uusapan sa loob ng hacienda na nagtatrabaho nga daw bilang---  Tiningnan ko tuloy ulit ang lalaki sa harapan ko pero this time mula ulo hanggang paa na. Pero hindi ko naman na kasalanan kung bakit ako nandito sa teritoryo niya diba? Dahil unang-una nag-deliver lang talaga ako ng cake. At hindi ko din naman sasabihin kahit kanino na nagkakilala kami lalo na kay Kuya Carlos. Still siya pala 'yon, ang lalaki na may-ari ng lupain na ito na nagtrabaho nga daw sa Amerika bilang pornstar! 





"What's wrong? I'm Salvatore I said." Muling sabi ng binata na hindi pa din inaalis ang pagkakalahad ng kamay niya. 





"A-Ay sorry, J-Joanna, I'm Joanna Lumanog." Pagpapakilala ko din at tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya pero mabilis ko lang din binawi ang kamay ko dahil alam kong ramdam niya ang panlalamig ko. Pero kasi hindi ko lang talaga akalain na siya pala 'yon, siya pala 'yong sinasabi na kaaway ni Kuya Carlos pero kung bakit ay hindi ko naman alam. 





Tumayo ng maayos si Salvatore at tiningnan ang mga trabahador na nandoon na siyang gumagawa ng pinapatayo niyang bahay. He felt how her hand was so cold, samantalang maaraw na din naman dahil alas nuwebe na nga ng umaga. O baka baman kasi may naikuwento na hindi maganda ang anak nito kahapon tungkol sa kanya? Pero hindi naman niya 'yon pinagalitan ha.





Nagpaalam na ako sa dineliveran ko ng cake dahil mero'n pa akong dalawa na idedeliver at pagharap ko nga ulit sa lalaking si Salvatore ay hindi ko na nakuhang magsalita pa at dire-diretso na lang na naglakad at nilagpasan siya. There's something about him that I can't really explained. O dahil ngayong alam ko na siya ang tinutukoy na dating kaibigan ni Kuya Carlos pati na tungkol sa trabaho niya kaya ganito ang pakiramdam ko? Pero hindi ko naman talaga alam eh, saka labas na ako kung ano ba ang kuwento tungkol sa kanya. 





     "Birthday mo pala, happy birthday." Bati ni Salvatore sa isa sa mga gumagawa ng bahay niya. Bibigyan niya na lang siguro ito ng cash ng sa gano'n ay pa-birthday na lang din niya.





"Maraming salamat po Sir, sige po at mag-umpisa na po kami sa pagtatrabaho." Sagot naman ng matanda  at nagpaalam na. 





"Wait lang, kilala mo 'yong babae kanina? Nakita ko kasi siya kahapon sa munisipyo kaya pamilyar siya sa akin." Ani ni Salvatore, ni hindi man lang talaga ito nagpaalam sa kanya o tumango man lang na aalis na. At sa dinami-daming mga babae na nakilala niya sa Amerika ay ang katulad nito ang parang walang effect sa dating niya. 





"Kanina ko lang ho siya nakita kasi bumili pala ng cake ang anak ko sa kanya at siya nga ang nagdala. Pero sabi niya kanina diyan daw siya sa hacienda Elizondo nakatira." 





Tumango-tango si Salvatore at napatingin tuloy sa dinaanan ng babaeng nag-ngangalang Joanna kanina. Kung doon nga ito nakatira sa hacienda ng kaibigan niyang si Carlos ay marahil alam nito ang tungkol sa kanya kaya gano'n na lang siguro ito makatingin kanina. Pero hindi naman ito mukhang matanda at sa tingin niya nga ay wala pa itong 30 years old. Pero may anak na nga pala ito so meaning may asawa na ito at baka 'yon ang nagtatrabaho sa hacienda. "Gano'n ba, sige mag-umpisa na kayo sa pagtatrabahao habang hindi pa gano'n kainit at maliligo lang din muna ako." Paalam niya dito. 

M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon