CHAPTER 31

3.4K 71 4
                                    





It's been two weeks since Joanna told Salvatore where he can buy his horse. And also that day Salvatore ordered horses for himself. Hindi nga sukat akalain ng binata na sasabihin ni Carlos kung saan ito bumibili ng kabayo pero sinabi talaga nito kay Joanna kung saan kaya naman 'yon din ang kinontak niya. Mas maigi na kasi 'yong sa trusted siya bumili dahil hindi din naman biro ang halaga ng kada isang kabayo. And like what he planned he bought 2 horses, first the Arabian horse and the second one is the Thoroughbred horse at oo milyon ang inabot ng nagastos niya dahil sa Malaysia pa naka-base ang pinag-bilhan niya nito. Babae at lalaki ang binili niya, pero he have still plan to buy more in the future. Pero sa ngayon ay dito muna siya magpo-focus, hindi lang kasi mismong price ng kabayo ang pinag-uusapan na nagastos niya kung hindi pati na din ang mga permit na kailangan niya sa pag-aalaga nito lalo pa at galing nga sa ibang bansa. 







"Come on, they are calm Joanna." Natatawang sabi ng binata na inilahad pa talaga ang kaliwang kamay dito para lumapit nga sa kanya sana. Kahapon lang dumating ang dalawang kabayo at buti na lang din ay nakapag-pagawa siya agad ng maayos na kulungan para dito nitong mga nakaraang araw. 





"Ayoko, okay na ako dito saka nakikita ko naman sila. Isa pa aalis na din naman ako maya-maya." Sabi ko na tiningnan ang cellphone ko kung anong oras na ba. Magsusundo kasi ako sa school at dumaan lang talaga ako dito para makita nga ang binili niyang kabayo. At siyempre kung gaano kalalaki ang kabayo ni Kuya Carlos ay gano'n din itong kanya. Hindi ko na tinanong kung magkano ba ang nagastos niya pero alam ko na mahal talaga ito. 





Pailing-iling na nilapitan ni Salvatore si Joanna, talagang takot nga ito sa kabayo dahil kahit anong aya niya na lapitan nila ang bagong alaga niya simula ng dumating ito kanina ay ayaw naman talaga nito lumapit. "Fine, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo." Sabi niya at tinuro na lang ang upuan sa labas ng bahay niya, ito ang pinagkakaabalahan niya simula kaninang umaga. He kept checking and checking this two horses, even last night before he sleep. Specially when the veterinarian visited them early this morning too. Gusto niya kasing malaman na maayos talaga ang lagay ng dalawa niyang kabayo at wala itong ano mang sakit. Gusto niya lang talaga makasiguro na nasa magandang lagay ang dalawang kabayo dahil baka na-stress din ang mga ito sa naging biyahe nito. And so far wala naman siyang nakikita na sign para sabihing na-stress nga ang dalawa. At sa mga susunod na Linggo ay sana mailabas niya na ito sa kuwadra ng sa gano'n ay maging familliar ito sa kanya. 







"Natutuwa ako na nandito na 'yong gusto mong bilhin, at kahit hindi ko lapitan mukha namang mabait sila gaya ng sabi mo." Nakangiti ko pang sabi, ewan ko ba kung bakit hindi maalis-alis sa akin ang pagka-takot ko na lapitan ang kabayo kapag may nakikita ako. Ganito din kasi ako sa mga kabayo sa hacienda, kahit pa sabihin ni Kuya Carlos at ng mga tauhan niya na mababait naman daw 'yon ay umiiwas talaga ako. Feeling ko kasi ay maninipa sila o kaya naman ay bigla na lang magiging agresibo at magwawala. Kaya nga talo pa ako ni Misty dahil siya marunong pa siya mangabayo kahit kaunti samantalang ako ay takot lumapit talaga. 





"You're right I'm happy talaga.  I'm so excited to see them yesterday. Anyway puwede kitang ihatid sa school ni Kester kung gusto mo. We can use my car." Suggestion ni Salvatore dahil alam niyang aalis na din ito maya-maya para sunduin ang anak nito. Para kasing hindi pa din siya komportable kapag nakikita ang electric bike nito, feeling niya kasi ay titirik 'yon sa kalsada. And speaking of bike, on going na ang pinapagawa niyang puwesto sa bukana ng lupain niya. Along the road 'yon kaya naman makikita talaga ang puwesto ng itatayo niyang negosyo. He's planning to have his own talyer, kung saan puro motor ang aayusin at magbebenta din siya ng mga parts ng motor at mismong motor. Napansin niya kasi na iilan lang dito sa Colores ang motorcycle shop kaya naman isa 'yon sa naisip niyang gawin na negosyo tutal naman ay hilig niya ang pagmo-motor. 







"Wag na, uuwi din naman kami agad dahil magbe-bake ako ng cookies." Kapag kasi nagpahatid pa ako sa kanya ay malamang sa malamang na sabihin ni Kester sa kanya na dito muna kami dumiretso. At kapag gano'n ang nangyari ay baka anong oras na ako makapag-bake. Friday pa naman bukas at pupunta nga ako ulit sa munisipyo para magbitbit ng mga ibebenta ko do'n. 







"But you can leave him here, para makapag-focus ka sa ibe-bake mo mamaya. Tapos balikan mo na lang siya mamayang before dinner." Ani ni Salvatore.





"Hindi na, sa ibang araw ko na lang siya dadalhin dito dahil baka ayaw na naman no'n umuwi kapag nandito kaming dalawa." Oo masaya ako tingnan kapag nakikita ko na magkasundo silang dalawa, at sabi ko nga parang nagkaroon ng instant Daddy si Kester dahil masaya siya kapag nandito kaming mag-ina. O dahil sabik din ang anak ko sa father figure kaya ganito siya? Kaso nga kapag nagpupunta kami dito kay Salvatore lalo na kapag weekend ay pahirapan na ang pag-uwi namin dahil ayaw niya ng umuwi sa bahay. At gusto na lang ng anak ko na dito kaming dalawa.







"Sige, just text me if you're already home." Hindi na nag-pumilit pa si Salvatore dahil alam niyang kapag ganitong araw ay busy din talaga si Joanna. He know what their priority, lalo na ito na isang single parent kaya 'yong mga ganito ay ayos lang sa kanya at hindi na niya bini-big deal pa. 





3 days left! Read this stories now on my vip group with 50% off!

3 days left! Read this stories now on my vip group with 50% off!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon