CHAPTER 12

2.3K 71 4
                                    



Hi! Chapter 31 na po kami kay Abby! Pm niyo ko sa fb page sa mga gustong mag-join!









Hindi inaasahan ni Joanna na makakatulog ang anak niyang si Kester habang nanonood ito kaya naman hindi pa siya makauwi agad. Pero nag-prisinta si Salvatore na ihatid na lang silang mag-ina dahil alas nwebe na din naman ng gabi. Pero 'yon nga ang iniisip niya, siguradong kapag nalaman ng Kuya Carlos niya na nakikipag-usap pa siya sa binata lahit pinag-sabihan na siya nito at maging ang pagpunta niya sa birthday ni Salvatore ngayon ay siguradong lagot siya. 





"Hey wag kang kabahan, sigurado naman akong tulog na 'yon si Carlos ng ganitong oras." Sabi ni Salvatore ng lingunin niya si Joanna na nakaupo sa passenger seat ng picked up niya. Doon niya kasi hiniga ang anak nito dahil ayaw nga kanina magising kaya siya ang bumuhat para maisakay dito sa sasakyan niya. 





"Hindi naman ako kinakabahan." Kunwari kong sagot kahit sa totoo lang ay kabadong-kabado talaga ako. Hindi ko sigurado kung gising pa si Kuya Carlos. Pero kung sakaling gising nga ay wala sana siya sa labas ng bahay niya dahil sigurado talaga akong papagalitan niya ako. May ugali pa naman 'yon na pinapahinto ang sasakyan lalo na kung taga labas.





"No need to deny it, alam kong kinakabahan ka." Sabi pa ng binata habang nagmamaneho, he can feel it. Parang takot si Joanna sa kaibigan niyang si Carlos. Kung sa bagay nakakatakot naman talaga 'yon kung magalit. At siguro kung may kapatid si Carlos tapos babae pa ay malamang sa malamang ay napaka-higpit nito kung nagkataon. Wala naman siyang masamang intensyon ang kanya lang ay maihatid ng ligtas ang dalawa.





"Dalian mo na nga at kinakabahan na talaga ako sa kakaganyan mo." Sabi ko, alam niya kasi na ayaw ni Kuya Carlos makipag-lapit ako sa kanya. Pero sinabi ko naman na wala kaming ginagawang masama kaya wala din dapat ikagalit si Kuya Carlos sa akin o sa kanya, na okay lang maging magkaibigan kaming dalawa. Pero dahil may conflict nga sila ay pati ako ay kinakabahan na kapag ganito. 





Hindi inaasahan ni Salvatore na may bantay pala maski sa gabi sa hacienda Elizondo. Ang alam niya lang kasi ay mero'n nga daw tuwing araw base na din sa kuwento ng mga tauhan niya sa Casa Luca. Apat na kalalakihan ang bantay sa entrada ng hacienda pero dahil kilala naman ng mga ito si Joanna ay pinapasok ang sasakyan niya matapos silang tanungin kung saan ba sila pupunta. Maliwanag papasok dahil kabilaan ng rough road na kalsada ang mga ilaw na kulay dilaw na sa tingin niya ay solar light. Kung ano ang daan sampung taon na ang nakakalipas ay siya din daan pa din ngayon. At hindi niya maiwasan ang mga panahong lagi silang magkasama ni Carlos. 'Yong mga panahong nandito sila tumatambay sakay ng mga kabayo nito.



   

     "Who's that? May bisita ka ba?" Tanong ni Pablo kay Carlos, sinaglit niya ito ngayong gabi dahil dito banda ang pinuntahan niya kanina at heto nga at nagkaayaan silang uminom. 





"Wala, teka titingnan ko kung sino." At tumayo nga si Carlos para sinuhin ang sasakyan na paparating. Wala naman kasi siyang bisita na inaasahan lalo pa at gabi na, kilala niya din ang sasakyan ng iba pa niyang kaibigan kaya malabong isa ito sa mga 'yon. 





Samantalang nakilala naman agad ni Salvatore ang pigura na pumara ng sasakyan niya. At wala siyang magagawa nito kung hindi ihinto ang sasakyan. 





"Si Kuya Carlos Salvatore.." Sabi ko ng makilala ang lalaking pumara sa sinasakyan namin, heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Gising pa si Kuya Carlos at tiyak na lagot talaga ako nito! Dapat yata ay hiintay ko na lang na magising si Kester at hindi na ako pumayag magpahatid pa. 





Napaigting ang panga ni Carlos ng makita kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan na pinahinto niya. "Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito sa hacienda ko." Galit na sabi niya sa dating kaibigan na si Salvatore. Dati, dahil tapos na ang kung ano mang pagkakaibigan nilang dalawasimula ng lisanin nito ang bayan nila. 





"Hinatid ko lang si Joanna at ang anak niya, nakatulog na 'yong bata." Ani ni Salvatore, nasa tapat sila ng isang modern bungalow house, at ito man ang dating bahay ng kaibigan niya na alam niya ay mukhang ni-renovate naman na ito dahil iba na nga ang itsura.





Napatingin si Carlos sa passenger seat ng sasakyan at doon niya nga nakita si Joanna at ang anak nitong tulog nga na nakahiga sa hita nito. "Joanna.." Tawag niya sa pangalan nito.





"K-Kuya.." Napakagat ako ng labi, patay talaga ako nito at mukhang galit siya. 





"Wala naman sigurong masama na hinatid ko siya, I invited them on my birthday. Nakatulog si Kester at hindi namin magising kanina kaya nag-prisinta ako na ihatid ko na lang sila dito tutal may sasakyan naman ako." Salvatore explained, he know Carlos very well. Kailangan may paliwanag itong nakukuha sa mga bagay-bagay. "Mas masama naman kung hinayaan ko lang sila na umuwi ng sila lang." Dagdag niya pa. 





"Palalampasin ko 'to dahil may kasama kayong bata pero ako na ang nagsasabi sa 'yo Salvatore tigilan mo si Joanna dahil kung hindi ako ang makaka-away mo." Galit pa din ang boses na sabi ni Carlos at saka binalingan si Joanna na alam niyang takot ngayon dahil namumutla ito. "And you, mag-usap tayo bukas." Sabi niya at umalis na. 





Nakahinga-hinga ako ng maluwag ng umalis na si Kuya Carlos. Sinabihan ko din si Salvatore na paandarin na ang sasakyan niya at tinuro ang direksyon papunta sa bahay namin. Wala naman kasing ibang daan kung hindi ito lang, at talagang dadaanan ang bahay nila Kuya Carlos papunta sa amin. Pero isa lang ang sigurado lagot talaga ako nito bukas!

 Pero isa lang ang sigurado lagot talaga ako nito bukas!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon