"Kumalma ka nga, ayos lang talaga ako." Nginitian ko pa si Salvatore pero hindi pa din nawala ang pag-simangot niya sa akin. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na ayos lang ako pero hindi naman siya naniniwala, nakauwi na din kami dito sa bahay ko ng mag-liwanag kanina. At alam kong wala pa siyang tulog dahil gising nga siya magdamag, umalis sila kagabi ni Kuya Carlos at hindi ko alam kung saan ba sila nagpunta dahil hindi din naman nila sinabi kung saan sila galing. At pag-uwi nila ay inuwi na niya kami dito ni Kester na nasa labas naman na at nakikipaglaro.
Bumuntong hininga si Salvatore, he must be very tired because he's not yet sleeping since last night. Pero wala siyang pakialam kung hindi pa ba siya nakakatulog, ang importante ay kasama niya na ngayon ito at nasa tabi na niya. Natingnan naman na si Joanna ng doktor kagabi at sabi naman ay wala namang malalang nangyari na masama dito maliban sa mga galos at sugat na natamo dahil sa pagtakbo kagabi sa taniman ng mga tubo. "Dito muna ako sa bahay mo para may kasama ka. Saka nagpabili ako ng pagkain diba? Hintayin na natin 'yon para makakain ka ulit."
"Pero kakakain lang natin kila Kuya Carlos diba?" Pagpapa-alala ko sa kanya, kumain muna kasi kami do'n kanina bago kami umuwi dito sa bahay. Maaga kasi nagising si Misty Faith kaya nakapag-utos siya sa mga kasambahay nila na magluto nga din ng maaga.
"Still you should eat more Joanna." Ani ni Salvatore na hinapit pa talaga ito at kinintilan ng halik sa noo. Masyadong mahaba ang gabi na nagdaan, pero kahit gano'n ay panatag na siya na magiging maayos na ang lahat at wala ng puwede pang manggulo kay Joanna. Kung ano man ang ginawa nila ni Carlos kasama pa ang iba nitong kaibigan na kaibigan na din niya naman ay kanila na lang 'yon. But one thing is sure, wala ng dapat katakutan pa si Joanna simula ngayon dahil pinatay na nila ang lalaking lumapastangan dito noon at ang lalaking nanggulo dito kagabi.
Ako naman ang napabusangot, oo na alam kong nag-alala siya sa akin kagabi pero wala naman akong magagawa kung hindi magpasalamat na lang at nakita ako ni Jimuel kagabi. Dahil kung hindi ay malamang sa malamang may nangyari na sa aking hindi maganda sa kamay ni Ryan. Naiisip ko lang din kung ano na ba ang nangyari sa kanya dahil sabi nila sa akin kagabi ay nabaril nga daw ito at binugbog ng iba pag tauhan ni Kuya Carlos. Kaya kung hawak man siya ng mga pulis ay sana hindi na siya makatakas pa.
"Salamat Salvatore, alam kong kahit wala ka kagabi ng mangyari sa akin 'yon ay nag-alala ka pa rin. Pero okay na talaga ako at ang tanging gusto ko na lang ay bantayan ng maayos si Kester dahil natatakot ako na baka tumakas ulit s-si R-Ryan at puntahan kami ditong mag-ina." Ang importante kasi sa akin ay ang kaligtasan ng anak ko, lalo pa at sabi ng Ryan na 'yon kagabi ay gusto niya nga makita si Kester pero hindi ko hahayaan na mangyari 'yon. Magkamatayan man kaming dalawa ay hindi niya makikita ang anak ko dahil wala siyang karapatan.
Hinawakan naman na ng binata ang kamay nito. He understand her, wala pa man siyang anak pero alam niyang mas takot ito sa puwedeng mangyari sa anak nito. Na natural ay hindi naman niya hahayaan na mangyari."Listen Joanna, I will say something to you and this is important."
"Tungkol saan?" Napaayos pa ako ng upo dahil parang ang seryoso-seryoso niya.
"You don't need to worry about him anymore, and you know who I'm saying. Dahil pinapangako ko na walang puwedeng manggulo sa 'yo at kay Kester."
"Teka, bakit ba ganyan ka magsalita? Pinuntahan niyo ba siya kagabi ni Kuya Carlos? Saan kayo nagpunta? Sa presinto o sa ospital?" Tanong ko sa kanya.
Pero hinila lang ni Salvatore si Joanna dahil hindi naman niya sasabihin dito ang totoong nangyari pwera na lang kung mga pulis ang magsasabi dito ay hindi niya 'yon pipigilan. "Just trust me on this, wala ng manggugulo sa 'yo tandaan mo 'yan." Sabi pa niya, hindi siya nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa nila kagabi nila Carlos dahil para sa kanila hindi na dapat binibigyan pa ng pagkakataon na mabuhay ang mga gano'ng klaseng tao.
Doon naman na dumating ang tauhan ni Carlos na pinakisuyuan ni Salvatore na bumili nga ng pagkain nila kaya naman kinuha agad 'yon ng binata. Binigyan niya din ang lalaki ng tip dahil sa bayan pa nga ito bumili.
'
"Tatawagin ko lang si Kester para makakain na tayo." Sabi ni Salvatore mataos ilagay sa lamesa ang mga pagkain.
Tumayo naman na ako mula sa sofa, masakit ang katawan ko pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi ako makakagalaw. Marami talagang nangyari simula kagabi pero kahit marami 'yon ay nandito pa rin si Salvatore at hindi ako iniwan.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤