Hi! On going pa din po ang pre-order ng M.A series book set, by dec na po ang dating nito. And open for installment pa din! Pwede din po per book ang bilhin, pm niyo lang ako sa fb page ko!
Gaya ng sabi ni Carlos ay ipinaayos niya ang electric bike ni Joanna nang araw na mismong nasiraan ito, pinakuha niya ito sa tauhan niya at dinala sa pagawaan. At isang araw lang ang kinailangan ay nakuha na din ito ni Joanna kaya naman nagamit din niya noong nag-deliver siya ng mga tininda naman niyang mga bangus. She insisted to pay her Kuya Carlos but Carlos didn't accept her payment. Umabot din kasi ng dalawang libo ang pagpapagawa ng electric bike ni Joanna kaya alam ng haciendero na malaking kabawasan 'yon sa kinikita nito kung papapalitan niya pa. Kaya naman todo din talaga sa pasasalamat si Joanna sa haciendero dahil hindi nagalaw ang pera niya sa pagpapa-ayos ng electric bike niya. Kaya ingat na ingat siya talaga ito gamitin.
"Hey.." Bati ni Salvatore ng mapag-sino ang nakita niya sa ilog. Nag-ikot-ikot siya sa kanyang lupain matapos niyang mag-jogging kanina. Hindi muna siya umuwi at nag-pasya nga na maglibot at umabot nga nga siya dito sa ilog kung saan nasa hangganan ng lupa niya at ng hacienda Elizondo mismo.
"Salvatore.." Napatayo naman ako ng makita siya sa likuran ko, dito ako ngayon naglaba sa ilog dahil inaayos ang poso sa amin at ang sabi kanina ng mga gagawa ay baka mamayang hapon pa daw 'yon matapos. E nanghihinayang naman ako sa oras dahil wala naman akong ginagawa ngayon kaya dito ko na lang dinala ang labahin ko sa ilog para dito nga maglaba.
Napabuntong hininga ng malalim ang binata ng makita ang itsura ni Joanna ng lapitan niya pa ito. Manipis na kulay puting sando lamang ang suot nito at sigurado siyang wala itong ano mang suot na bra dahil kitang-kita niya pagka-bakat ng nipples nito na basa-basa na ng suot na damit. At kahit hindi naman pantalon ang suot niya ay para pa din nanikip ang jogging pants niya ng makita nga ang basa nitong hinaharap.
"Anong ginagawa mo dito? Malayo na ito sa bahay mo ha." Sabi ko pa, malayo na talaga ito sa bahay niya dahil ito na halos ang dulo ng hacienda at dulo din ng sakop ng lupain niya. At oo walang bakod ang parte na ito hanggang ngayon, hindi kagaya sa ibang side ng hacienda ni Kuya Carlos na may electric fence.
"Naglakad-lakad kasi ako matapos kong mag-jogging hanggang sa umabot na nga ako dito. Ikaw bakit dito ka naglalaba?" At tinapunan ng binata ang labahan ni Joanna na nasa ibabaw ng malapad na bato. Ito lang ang nandito ngayon at wala ng ibang tao. Kaya naman napatingin siya sa paligid kung tama nga ba siya ng naiisip pero wala naman siyang nakita na iba kung hindi sila lang din talagang dalawa.
"Inaayos kasi 'yong poso sa amin kaya dito ako naglaba. Nandoon 'yong ibang taga hacienda sa unahan pero mas pinili ko dito dahil ako lang. Pag may kasama kasi ako na iba ay magtatagal lang kami dahil puro kuwentuhan lang ang mangyayari." Sagot ko at pinunas sa suot kong palda ang kamay ko na may mga bula-bula pa. "Siya nga pala 'yong nangyari noong nakaraan, sorry ha. Hindi ko kasi mahindian si Kuya Carlos kaya sa kanya ako sumabay."
"That's okay, I understand." Ani ni Salvatore, hindi pa naman gano'n kainit dahil alas otso pa lang naman ng umaga pero kahit naglakad-lakad lang siya papunta dito ay hindi naman maiwasan ang pagpapawis niya dahil sa nakikita. He's disturb about her looks now, at alam niyang hindi napapansin ni Joanna na tinitingnan-tingnan niya ang harapan nito. But he can't helped it, her sando is really wet and he can see her taunted nipples behind of it. "Nasaan ang anak mo?" Tanong niya at iniwas ang tingin mula dito.
"Nasa bahay si Kester, naglalaro 'yon kasama ng ibang bata sa hacienda. Teka doon tayo para malilim." Turo ko sa isang puno ng mangga, naka-jogging pants lang siya na kulay itim tapos sando na half sleeve lang kaya kita ang kanyang mga muscle. Pero 'yon pa talaga ang napansin mo Joanna? Diba nangako ka kay Kuya Carlos mo?
Sumunod naman si Salvatore at doon nga sila nagpunta sa ilalim ng puno. Mas marami talaga ang puno at mga tanim sa hacienda ni Carlos. Samantalang kung tutuusin ay ito na ang pinaka dulo ng mga nasasakupan nilang mga lupa pero may nga tanim pa din talaga na puno. Hindi kagaya ng sa kanya na kakaunti tapos maliliit pa.
"Pag-pasensyahan mo na si Kuya Carlos ha, hindi ko rin alam kung bakit gano'n siya noong nakaraan." Sabi ko matapos uminom ng baon kong tubig. Nasa isip ko naman na hindi ko na siya kakausapin pero kasi hindi ko naman inaasahan na makikita siya dito eh. Isa pa nakakahiya naman kung hindi ko siya kakausapin.
"At alam ko na kahit hindi mo sabihin ay gusto mong malaman kung bakit siya galit sa akin." Ani ni Salvatore na ang tingin ay nasa malinis na ilog ngayon. "If you don't mind Joanna bakit Kuya ang tawag mo kay Carlos?" Ang alam niya kasi ay Senyorito ang tawag ng mga trabahador ng kaibigan niya dito. Pero itong si Joanna ay Kuya naman ang tawag, at noong nakaraan ay pakiramdam niya ay close ang dalawa kaya magkaano-ano ba talaga ang mga ito?
"Anak ako ng trabahador ni Kuya Carlos, pero dahil namatay na ang mga magulang ko ay ako na lang ang nasa bahay na binigay niya sa mga magulang ko at si Kester. Hindi ako doon nagtatrabaho pero hindi na din ako pinaalis ni Kuya Carlos sa hacienda lalo pa at may anak nga daw ako. Kaya 'yon hindi ko siya tinatawag na senyorito kagaya ng iba." Paliwanag ko. "Saka noon pa naman kasi ay 'yon na ang nakasanayan kong itawag sa kanya kaya dala-dala ko hanggang ngayon."
"I see." Sagot ng binata, at least hindi niya na kailangang isipin kung magkaano-ano ba si Carlos at si Joanna lalo pa at ang pagkakaalam niya ay wala naman talagang kapatid ang kaibigan niya. "And are you interested to know why he's mad at me? Alam ko namang 'yon ang bali-balita dito sa atin tungkol sa amin ni Carlos, na magkaaway kaming dalawa. Pero hindi naman nila alam kung ano ang kuwento, kaya tinatanong ko kung gusto mo bang malaman kug bakit galit siya sa akin."
At sasabihin niya sa akin kung bakit? "Dahil ba sa babae?" Panghuhula ko.
Napangiti tuloy si Salvatore, sana nga gano'n lang kasimple. Pero alam naman niya ang pinag-ugatan ng galit sa kanya ni Carlos na dala-dala pa din nito hanggang ngayon. "Hindi, pero galit siya sa akin dahil hindi ko sinunod ang payo niya, I went in America and worked there as a pornstar Joanna."
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤