Kahit umuulan ay talagang nagkagulo sa hacienda, at buti na lang alerto ang tauhan ni Carlos na si Jimuel kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari kay Joanna sa kamay ni Ryan. Jimuel shoot him, not only once but twice, lumabas na din si Carlos ng magkagulo at hindi ininda kung umuulan pa. At pati ang ilang kalalakihan sa hacienda ay lumabas na din para malaman kung ano at saan galing ang putok.
"Ayos naman siya Carlos, pero mas maganda pa din siyempre kung matitingnan siya ng doktor." Sabi ni Misty Faith matapos lumabas mula sa guest room, hindi na nila dinala pa si Joanna sa ospital at dito na lamang sa bahay nila.
"Papunta na 'yong doktor na tinawagan ko kaya wag ka ng mag-alala pa." Sabi ni Carlos na ang tingin ay nasa labas ng bahay kung saan nandoon si Salvatore at kausap ang mga pulis na dumating. Kung siya lang ay hindi na dapat pa dalhin sa ospital ang lalaking gumahasa kay Joanna na pumasok nga dito kanina sa hacienda niya, pero 'yon pa din ang nangyari kanina ng dumating ang mga pulis. Hindi lamang kasi dalawang tama ng baril ang tinamo nito mula kay Jimuel kung hindi binugbog din ito ng mga tauhan niya.
"Sige, hintayin-hintayin na lang natin ang doktor pero ano na bang sabi ng mga pulis? Bakit daw nakatakas?" May pag-aalala pa din na tanong ni Misty Faith, sino ba namang hindi mag-aalala kung habang kumakain sila kanina ay nakarinig na lamang sila ng mga putok ng baril. Kaya nga dali-dali din lumabas itong asawa niyang si Carlos para alamin kung ano ang nangyayari sa labas at heto na nga may nangyari na palang hindi maganda kay Joanna. At buti na lang at nakita ito ni Jimuel dahil kung hindi ay baka may nangyari pa lalo kay Joanna.
"Hindi ko pa alam ang buong detalye kaya lalabas muna ako." Paalam ng haciendero sa kanyang may bahay pagkatapos niya itong kintilan ng halik sa ulo. Hindi niya ito puwedeng palagpasin lalo pa at dito sa loob ng hacienda niya naganap ang insidente kanina. Sadyang umalis lang kanina ang mga tauhan niya sa bukana ng hacienda dahil nga umulan kaya nakapasok ang Ryan na 'yon.
Muli namang pumasok si Misty Faith sa guest room para tingnan ulit si Joanna na tulog pa din hanggang ngayon, alam niyang hindi palalagpasin ng asawa niya ang nangyari ngayong gabi. At siguradong mabubulok sa kulungan ang lalaki kanina.
"He should die, 'yon lang 'yon mga Sir. Hindi puwedeng ikulong niyo na lang ulit ang hayop na 'yon at pabayaan sa ginawa niyang ito. Dapat sa kanya ay patayin at hindi lang basta ikulong." Galit na sabi ni Salvatore, tinawagan siya kanina ni Carlos at sinabi nga nito ang nangyari kay Joanna. At natural talagang kinabahan siya habang kausap ang kaibigan sa cellphone lalo pa at ilang minuto pa lang naman ang nakakalipas simula ng makita niya si Joanna. At hindi niya lubos maisip na mangyayari ito kaya may karapatan talaga siyang magalit ngayon.
"Naiintindihan po namin ang galit niyo Sir, pero kailangan pa din nating sumunod sa batas." Sabi naman ng pulis na kausap ni Salvatore at nag-iimbestiga nga din sa nangyari kanina. Sa katunayan naka-high alert ang lahat ng kapulisan sa buong probinsiya dahil nga sa pagtakas ng anim na bilanggo kaninang hapon at buti nga ay nahuli na nila itong isa sa mga 'yon.
Hinawakan naman ni Carlos sa balikat ang kaibigan na para bang inaawat ito na huwag ng magsalita pa. "Ang mga pulis na ang bahala diyan Salvatore , halika na." Sabi niya pa dito matapos itong hilahin.
Napa-igting naman ang panga ni Salvatore dahil gusto niyang makita at bugbugin ang lalaking humalay kay Joanna ilang taon na ang nakakalipas. At talagang ang kapal pa ng mukha nito na magpakita at hanapin ang anak nito kay Joanna. Hindi niya pa alam kung ano pa ba ang sinabi nito o ginawa kay Joanna pero malalaman niya din 'yon mamaya.
Umalis naman na ang mga pulis pero natawagan na din naman ni Carlos ang kaibigan niya na Congressman at abogado na si Wilde at ito ang pinapasunod niya sa police station para ayusin at malaman na din nila kung ano ba ang mga posibleng ikaso sa suspect kanina.
"Bakit mo ba ako pinigilan? Dapat malaman ng mga pulis na hindi na dapat buhayin ang mga gano'ng klaseng tao Carlos. Paano na lang kung walang nakakita kanina kay Joanna? Paano na lang kung hindi siya nakita ni Jimuel? Ano na lang kaya ang nangyari sa kanya? Baka hindi lang 'yon ang inabot niya." Pag-sisintir pa din ni Salvatore ng nasa balkonahe na sila ng bahay nito, sino ba namang hindi magagalit? Eh nakita niya kanina ang itsura ni Joanna na puro sugat ang katawan dahil nga sumuot pala ito sa tubuhan dito sa hacienda. Hindi lang din pala puro sugat kung hindi puro putik pa.
"Alam ko na galit ka at gano'n din naman ako Salvatore. We just feel the same for Joanna, dahil pakiramdam ko ay parang binigo ko siya sa pangako ko na hindi siya mapapano habang nandito siya sa poder ko. Pero hindi ko nagampanan 'yon at talagang nakita siya ulit ng humalay sa kanya."
"Yon naman pala eh, so dapat nga hindi mo ako pinigilan na magsalita kanina sa harap ng mga pulis." Sabi pa din ni Salvatore, kung siya lang ay baka sugurin niya ang hayop na 'yon sa ospital at doon gawin ang gusto niya.
Hinawakan ulit ni Carlos si Salvatore sa balikat. "Dahil may naisip akong plano, may kakilala akong pulis at magpapatulong tayo para patayin ang hayop na 'yon." Mahina pero sigurado naman siyang narinig ng kaibigan 'yon.
At doon lang parang nagliwanag ang mukha ni Salvatore sa narinig. Dahil 'yon talaga ang dapat mangyari. Ang mamatay na ang hayop na 'yon at hindi na mamerwisyo pa kay Joanna.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤