CHAPTER 19 [spg]

6.9K 83 8
                                    

 

   

Spg- sana palaging ganito

Naging maalab ang sumunod na paghalik ni Salvatore kay Joanna, his mind saying to stop but his lips continue kissing her lips. Mero'ng parte sa loob niya na nagsasabi na gawin niya ito, na tama ito pero natural naiisip din niya na dapat ay pareho sila ng nararamdaman at pareho nilang gusto ang nangyayari. Hindi lamang siya ang may gusto kung hindi dapat silang dalawa. 



Pakiramdam ko ay uminit ang tubig na kinaroonan namin, maski nga 'yong bato na naaarawan kung saan ako nakasandal ay parang uminit din. Kung tutuusin ay ito ang una at totoong halik na naranasan ko. At gano'n ba talaga 'yon? Parang dapat mag-espadahan ang mga dila niyo? "Salvatore.." Hingal na pagtawag ko sa pangalan niya. Talaga nga naman kasing nakakahingal pala ang makipag-halikan. Saka hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari ngayon dahil paglalaba lang naman ang pinunta ko dito.







Muling hinawakan ng binata ang pisngi ni Joanna, hanggang dibdib niya lang talaga ito kahit nandito sila sa tubig. At kailangan pa talagang yukuin niya ito kapag hinalikan niya. "I want you Joanna.." Sabi niya dahil 'yon talaga ang nasa isip niya ngayon. He want to take her, want to feel her body not only against his but to penetrate her as well. 





Bigla namang pumasok sa akin ang mga napanood ko na video kung saan nakikipag-sex siya sa iba't-ibang babae. At natural alam ko ang sinabi niyang "I want you" at 'yon ay ang may mangyari sa aming dalawa. Pero siguro naman wala siyang sakit no? Dahil siya na mismo ang nagsabi sa akin na lagi silang chine-check bago sumabak sa paggawa ng porn vdeo! "A-Ano ba 'yang sinasabi mo? May anak na ako Salvatore." Sabi ko sabay tulak sa dibdib niya, hindi naman ako puwedeng basta pumayag sa gusto niya dahil wala naman kaming relasyon na dalawa. Isa pa ano nga daw ang sinabi niya kanina sa akin? Gusto niya ako? E di lalong indi kapani-paniwala lalo pa at may anak na ako. 







"And so? I don't care if you have a child Joanna, I meant it, I like you and I'm attracted to you." Sabi ni Salvatore, hindi siya ang tipo ng lalaki na totorpe-torpe. At kung gusto niya talaga ang isang babae ay sinasabi niya agad. And beside he don't care if she already have a son, ang importante ay wala naman itong karelasyon na ibang lalaki na magagalit sa pagkakagusto niya dito.







Hindi ko mapigilan na pagak na matawa, narinig ko na din ang linyang sinabi niya sa akin. Dahil kahit sabihin naman na may anak na akong tao ay mayroon pa din naman nanligaw sa akin. Pero hindi ako kailanman nakipag-relasyon dahil unang-una takot ako na baka kapag nakuha na nila ang gusto nila sa akin ay bigla na lang makipag-hiwalay. Lagi kong sinasaisip na dapat maging wais ako sa pagpili ng lalaki. Na hindi porket may nangyaring hindi maganda sa nakaraan ko ay susunggaban ko agad ang lalaking magkaka-gusto sa akin. 





"Why? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Gusto kita Joanna at wala naman sigurong masama kung magka-gusto ako sa 'yo dahil wala ka namang asawa o boyfriend." Sabi ni Salvatore na hindi pa din inaalis ang magkabilaang kamay sa magkabilaang gilid nito. 







"Para kasing ang hirap paniwalaan ng sinasabi mo Salvatore, b-binata ka at ako naman ay may anak na kaya bakit ka magkakagusto sa isang tulad ko kung puwede ka namang magkagusto sa dalaga at 'yong walang anak." Isa pa hindi din naman ako mayaman at sakto lang ang pamumuhay na mero'n ako kaya bakit ako diba?







"'Yan ang hindi ko masasagot, dahil hindi ko rin alam. Basta sigurado ako na gusto kita at wala akong pakialam kahit may anak ka pa." Hindi pa din tumitigil na sabi ni Salvatore, alam niyang hindi katulad ni Joanna ang mga babaeng nakilala niya no'ng nasa Amerika pa siya. Hindi ito kaladkarin na babae at madadaan mo sa itsura o sa lagay mo sa buhay. She's not like that and that is one of his reason to like her more. 





M.V series 05 Salvatore De LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon