Muli pang tiningnan ni Joanna ang pagkain na nakalagay sa styrofoam sa likod ng kanyang electric bike. Pauwi na siya sa hacienda, nag-deliver siya ng cake malapit sa bayan at ang birthday celebrant ay talagang pinag-balot pa siya ng pagkain na ipapasalubong niya na nga lang kay Kester mamaya pag-uwi. Nahihiya naman kasi siya makikain kahit pa sabihing kilala naman niya ang nag-order ng cake sa kanya. Nadaanan niya kanina si Salvatore na busy sa paggawa ng motor sa bagong shop nito. At hindi mga pipitsuging motor ang inaayos ng binata kung hindi mga big bikes at high-end kaya kahit isang Linggo pa lang open ang shop niya sa labas ng Casa Luca ay talaga namang dinadayo. At natural masaya siya para dito dahil mukhang patok ang tinayo nitong negosyo at may pagkaka-abalahan na talaga ito ngayon.
Most of the time ay weekend na lang sila nagkakasama, puwede namang weekdays pero saglit lang din silang nagkakausap na dalawa dahil busy din sila pareho lately. But Joanna is more happier that his Kuya Carlos and Salvatore is really okay now. Na talagang ayos na ayos na ang dalawa at wala ng awayan pa siyang nakikita kapag nagkakasama ang mga ito. Hindi lang pala 'yon dahil nagkaroon na ng mga bagong kaibigan si Salvatore dahil sa Kuya Carlos niya
"Ngayon pa talaga umulan." Sabi ko ng nasa loob na ako ng hacienda, hindi pa naman 'yon malakas pero malalaki na kasi ang patak kaya siguradong malakas na ulan 'to. Pero buti na lang at nandito na ako sa hacienda dahil tiyak na mababasa ako nito ng todo kung do'n pa ako banda sa bayan inabot. Hindi ko pa naman nalagay kanina ang trapal nitong electric bike ko dahil maganda naman kanina ang panahon.
Pero wala pa sa kalagitnaan si Joanna ng may humintong lalaki sa dadaanan niya. Nilakasan niya nga din ang head light ng electric bike niya para mapag-sino 'yon pero napabitaw na siya sa manibela ng makilala kung sino. Hindi kasi ito isa sa mga tauhan dito sa hacienda o nakatira dito sa loob kung hindi ang lalaking nasa harapan niya ay ang lalaking gumahasa sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo dito? P-Paanong nakatakas ka?" Napababa na ako sa electric bike ko dahil hindi ko din naman 'yon mapapadaan sa harapan niya dahil nandoon nga siya.
"Long time no see Joanna." Sabi naman ng lalaking nag-ngangalang Ryan, itinaas niya pa ang isang kamay na mero'ng posas. At oo tumakas siya at dito siya sa hacienda Elizondo agad nagpunta para makita ito. Ililipat sana siya kanina kasama pa ang limang bilanggo ng kulungan pero nag-plano na silang anim na tatakas nga. Kaya habang papunta sa paglilipitan sa kanila ay humanap sila ng tyempo para maagaw sa mga pulis ang baril ng mga ito. At nagawa nga nila, bumangga ang police car kung saan sila nakasakay at 'yon ang kinuha nilang pagkakataon para makatakas at magkanya-kanya ng takbo.
Para naman akong nanlamig sa sinabi niya, pero nandito na ang takot ko dahil hindi siya puwedeng makita ng anak ko, hindi niya puwedeng makita si Kester! "Umalis ka na dito bago pa ako magtawag ng pulis." Matapang kong sabi sa kanya kahit pa nangingibabaw sa akin ngayon ang takot. Nakita ko na nakasuot pa sa isang kamay niya ang posas at isa lang ang ibig sabihin no'n, tumakas siya. Pero hindi ako puwedeng magpakita na naduduwag ako sa kanya ngayon, dahil ngayon pa ba? Kung kailan marami na akong napag-daanan sa buhay.
Ngingiti-ngiti pa din na lumapit si Ryan papunta kay Joanna, talagang parang binigyan siya ng pagkakataon na makita ulit ito na sila lang na dalawa. Hindi niya pa nga agad sana ito lalabasin mula sa pinagtataguan niyang tubuhan kanina. Pero ng makita niya at mamukhaan ito kanina ay alam niyang ito talaga si Joanna. "Gusto kong makita ang anak natin, gusto ko siyang makilala Joanna." Sab niya.
Natawa ako ng mapakla. "At sa tingin mo hahayaan ko 'yon mangyari? Hindi mo makikita ang anak ko at lalong wala kang anak sa akin." Parang bumalik lahat ng galit ko sa kanya, lahat ng alaala ng kahayupan niya sa akin. At kung anu-ano ang mga ginawa niya sa akin at kung paano niya ako nilapastangan.
Nagsimula naman ng umulan at hindi na lang basta ambon. Pero hindi magpapaawat ang lalaki sa gusto niyang mangyari. "Wag mo sa aking itago ang anak natin Joanna dahil may karapatan pa din ako sa kanya."
"Hindi 'yan mangyayari kahit mag-kamatayan pa tayong dalawa. Kaya wag ka ng mag-ilusyon pa sa gusto mo." At doon na ako nagsimulang tumakbo palayo at lumuwag-luwag pa ang pakiramdam ko lalo pa at nalagpasan ko siya.
"Tangina! Bumalik ka dito Joanna, bumalik ka dito!" Hinabol ni Ryan si Joanna sa hindi pa sementado na daan dito sa hacienda. Hindi siya puwedeng matakasan nito dahil hindi siya puwedeng mahuli ng mga pulis hangga't hindi niya nakikita ang anak nila.
Mabilis naman lumusot si Joanna sa taniman ng mga tubo, kung tatakbuhin ay baka abutin pa ng sampung minuto ang kailangan niya para makapunta sa bahay ng Kuya Carlos niya. Wala rin kasi kaninang bantay sa bukana ng hacienda dahil nga umuulan kaya kailangan niyang matakasan si Ryan kung hindi ay baka kung ano ang gawin nito sa kanya. At ang dapat niyang mapuntahan sa mabilis na paraan ay ang bahay ng Kuya Carlos niya dahil sigurado siyang nandoon ang iba nitong tauhan.
"Lagot ka talaga sa akin oras na mahabol kita." Galit na sabi ni Ryan na hindi makatakbo ng maayos dahil may tama siya sa tuhod at hindi niya madiretso 'yon. Napaaway kasi siya sa loob ng kulungan at ito nga ang nangyari sa kanya.
"Tulong.. Tulong.." Nagsisigaw na ako, nandoong matalisod na ako dahil madilim naman na at hindi ko na din kita ang dinadaanan ko. Basta binibilisan ko na lang ang takbo dahil baka kung maabutan na ako ni Ryan. Pero sa huli ay nagawa ko namang buksan ang flashlight ng cellphone ko kaya kahit papaano ay nakikita ko na ang dinadaanan ko.
Umiba naman ng daan ang lalaki at sinalubong si Joanna, rinig niya ang mga sigaw nito na paghingi ng tulong pero desidido pa din siya na maabutan niya ito. At nangyari naman ang gusto niya..
"Huli ka!" Tatawa-tawa pa na sabi ni Ryan ng mahaklit sa braso si Joanna, nalaglag na din ang hawak nitong cellphone na agad niyang tinapakan. Nakabukas kasi ang flashlight no'n at baka kapag may dumaan sa gawi nila ay huminto kapag nakitang may ilaw sa gawi nila. "Ang ganda mo pa din at tingin ko masarap ka pa din." Sabi niya ng mapagmasdan ito kahit madilim, sariwa pa sa isip niya kung gaano kaganda at kasarap si Joanna at dahil nandito na siya at kasama ito ulit ay ano man lang ba na tikman niya muna ito.
Pumiksi naman ako sa pagkakahawak niya sa akin at muling nakasigaw ng tulong, pero tinakpan naman niya ang bibig ko. hindi puwede. Hindi puwede ang gusto niyang mangyari! "Bitiwan mo ako, bitiwan mo ako." At saka ko binangga ang ulo ko sa ulo niya, nakaramdam agad ako ng pagka-hilo pero hindi ko inintindi 'yon at sa halip ay tumakbo pa din ako at tinalunton ang palabas ng tubuhan kung saan nandito kami ngayon.
Galit na napahawak si Ryan sa ulo niya na inuntog ni Joanna. "Bumalik ka dito Joanna, bumalik ka ditong babae ka!' Sabi niya at saka muli itong hinabol.
Sakto naman na paglabas ni Joanna sa taniman ng tubo ay nakita niya ang pinaka-kanang kamay ng Kuya Carlos niya, walang iba kung hindi si Jimuel na agad din siyang nakita bago pa siya natumba.
BINABASA MO ANG
M.V series 05 Salvatore De Luca
RomanceSalvatore De Luca and Joanna Lumanog stories🖤